Chapter 10

3.1K 159 19
                                        

Jethro's POV

Minsan mahirap makontrol ang sarili mo na hindi mo masabi ang tunay na nararamdaman mo sa isang tao. Pakshet, Jethro. Ano ba na naman ang ginawa mo?

Baka dahil sa nangyari kanina lalo pa akong layuan nung babaeng masungit na yun. Napakamot na naman ako sa ulo ko. Ang bopols din ng diskarte ko. Minsan pumapalpak talaga mga naiisip ko para makausap lang yung babaeng yun—Pagdating talaga sayo, Krissanta natotorete ako.

Pumunta na ako sa parking lot para sa kotse ko na naka-park dun. Napansin ko na mayroong tatlong sasakyan nalang ang natitira na nakagarahe dun, marami na rin kasi nakauwi.

Iistart ko na sana ang makina ng sasakyan na bigla namang tumunog yung cellphone ko. Nakita ko sa screen na si Arianne lang pala. Naalala ko isa pa pala 'to na problema ko. Sa sobrang tuwa niya yata na naging kami ipinagkalat pa sa buong school. Akalain mo yun wala man lang ligawan na naganap may girlfriend na ako agad. Pero paano ko matatakasan 'tong pinasok ko na 'to.

Hey babe! Naurong yung concert. Tomorrow na siya! Aren't you excited? It's our first date! Nasa bahay ka na ba? Call me later mwa xoxo. Love you. :*

Talagang sineryoso niya na kami. Kakabreak lang pala nila ni Justin tapos ako na ngayon ang boyfriend niya. Hindi na ba talaga uso ang 3-month rule? Sa panahon ngayon, uso pa ba yun? Napa smirk nalang ako. Eh mismong sakin nga hindi rin uso yun e.

Hindi muna ako dumiretso ng bahay. Correction, bahay pala nila Krissanta. Well, gusto ko munang makalayo sa problema. Kaya dinala ako ng kahibangan ko sa bar na pagmamay-ari nila Axe.

Gaya ng nakagawian libre na ako sa entrance. Kaibigan ko ba naman ang may-ari neto eh, ipinamana pala sa kaniya. Medyo kilala rin ang bar na 'to, kaya medyo bigtime ang tropa ko, dinadayo ng ilang kilalang celebrity kaya ganun nalang kamahal ang presyo. Kaya kung wala kang kapit baka ubos ang pera mo sa bar na 'to, sa entrance pa lang.

Friday na pala ngayon. Sino kaya ang tutugtog ngayon? Balita kasi ni Axe sakin na ibang banda na daw ang tutugtog dahil yung banda na tumutugtog tuwing friday, nagkawatakwatak na. Tinanong ko naman kung sino pero hindi niya kilala daw kasi yung ate niya ang may hawak pagdating sa mga entertainers.

Andito ako sa VIP section. Mas comfortable ang upuan at kakaiba yung service dito, hindi mo makakaila na VIP talaga, tsaka madalas na tumambay ako dito simula nung nangyari noon, pero noon na yun. Wag nang balikan pa. Nilibot ko ang aking mga mata. Maraming chix, magaganda at sexy pero napansin ko na loner pala ako.

Sa ibang table kasi napansin ko puro grupo ang nagkukuwentuhan at nagkakasiyahan pero may mangilan ngilan rin na magsyota, ayun may ginagawa, alam niyo na hindi ko na sasabihin. Natural na rin naman na makakita na naghahalikan sa bar. Pero ang loner ko pa rin eh, ang laki laki ng upuan ko mag-isa lang ako.

Marami na rin naman na feeling ko, gustong gusto talagang samahan na ako sa table. Pagpasok ko palang eh, pansin na pansin na ako kahit na nakauniform pa ako netong lagay na 'to, sinamahan ko lang ng leather jacket na black pero dalang dala ko pa rin. Umorder na ako ng vodka. Narinig ko na may nag-hello mic test na sa stage. Baka magsisimula na. Nag-shot na ako ng vodka. Ang sarap lang minsan uminom para makalimot sa mga problema.

I drove by all the places we used to hang out getting wasted

I thought about our last kiss, how it felt the way you tasted

And even though your friends tell me you're doing fine

Lagok lang ako ng lagok ng vodka nagsisimula na rin yung kumakanta sa stage. Bakit ba ganito nararamdaman ko? Bakit parang mabigat pakiramdam ko? Bakit kasi parang masakit dito? Dito sa kaliwang parte ng katawan ko oh? Bakit parang ganun nalang ang lahat para sa kaniya? Oo alam ko matagal na. Hindi na dapat balikan ang nakaraan pa pero bakit parang ang saya saya niya samantalang ako heto, nabubuhay pa rin sa kung anong meron sa amin sa nakaraan.

It Started With a QuizWhere stories live. Discover now