Chapter 13

2.6K 153 21
                                    

Jethro's POV

Ang sakit ng kamay ko. "Ahhh! A-a-aray." Shit. What time is it? 8:30 am? Whaaaaat the....Damn it! Napatayo ako bigla. Kaso kumikirot talaga 'tong kaliwang kamay ko. Napaigtad naman ako nang biglang may kumatok.

*tok tok tok*

"Come in!" Sabi ko habang naguunat unat pa. Mommy pala ni Krissanta.

"Good morning po. Hindi pa po ba kayo pumapasok?" Nagtaka kasi ako kasi kapag ganitong oras wala na halos tao dito, lahat nakapasok na.

"No, iho. I'm going to take you to the hospital. Ipapacheck natin ang arm mo." Tumingin yung mommy niya sa kamay ko. She's concerned with my arm. Ngayon ko lang naalala yung nagawa kong kahihiyan kahapon.

"Talaga po, tita? Pero ayos lang naman po ang braso ko." Tanggi ko. Nakakahiya naman na kasi. I suddenly look at my left arm. It hurts, f*ck. What did I do last night? Napakamot nalang ako ng ulo.

"So iho, be ready. Okay? I'll be waiting downstairs." Nag nod nalang ako. Wala na akong magawa eh.

Naiwan akong magisa dito sa kwarto at tumingin ako sa salamin. I'm in pain. Patay. Pero geez, ang pogi ko pa rin. Walang pagbabago.

Habang nagmumuni muni ako bigla naman tumunog yung phone ko.

Si Arianne lang pala.

"See you in the concert latuuuur, xoxo loveyou hun! Xx"

What the-

Friday nga pala ngayon! Ano magandang excuse? Napakamot nalang ulit ako sa ulo ko. Indian ko nalang 'to! Basic. Bakit ko pa ba pinoproblema yun?

Binagsak ko na ang cellphone ko sa kama't naligo na at nag ayos. Medyo makirot talaga ang kamay ko. Napasama talaga ang bagsak ko. Bumaba na ako at nadatnan ko ang mommy ni Krissanta na nakaupo sa sofa.

Lumingon siya sakin. "Let's go na iho. May appointment pa ako later." Sabi niya habang papatayo.

Tumango ako. Nakakatuwa dahil concerned ang nanay ni Krissanta dahil ang anak niya daw ang dahilan kaya hindi naman niya ako hahayaang mapahamak lang. Ang sarap sa feeling.

Habang papunta kami sa ospital hindi ko maiwasang ma-awkward kasi nakakahiya talaga kahit sino naman. Ang ganda ng mommy niya. Fresh at akala mo hindi namomroblema. Hindi rin niya ako naiwasang tanungin kung kamusta na ang mga magulang ko sa ibang bansa at kung ano na nangyare sa business namin.

Nauutal ako habang sumasagot dahil hindi naman ako yung tipo ng lalaking madaldal. Tuwing get together nga ng family naman nasa sulok lang ako naka-headset. Kaya kung batukan nalang ako ng nanay ko sa harap ng maraming tao para lang sumagot sa mga tanong.

"So how are you and Krissanta? Magkaibigan na ba kayo ulit?"

Bakit ba natanong ng mama niya 'to.

"Hmm, hindi niya pa po siguro matandaan ang lahat. Kilala niya lang po ako bilang isang playboy, chickboy, player sa school." Aminado na ako, oo playboy na kung playboy.

Natawa ang mama niya. "Really?" Sabay tinignan niya ako. "Sabagay hindi talaga maikakaila na playboy ka. You're handsome." Dagdag niya sabay ngisi.

Pati nanay niya hindi nagsisinungaling. Napangisi nalang ako.

"I'm still hoping na maalala niya na ang lahat lahat." Biglang nalungkot ang Mommy ni Krissanta.

It Started With a QuizTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon