Chapter 3

4.9K 243 10
                                        

Jethro's POV

Papasok na ako sa school at aga aga almusal ko busina ng mga sasakyan dahil TRAFFIC! Iilang mimuto nalang naman nandun na ako't hindi pa late.

What do you expect sa lobby? Ayun tanaw na naman ang mga girls na nakaharang sa lobby. Hinihintay ang pagdating ko.


Sinalubong ako ng mga banner nila at hiyawang bumubulabog sa tapat ng school. Kahit na bwisit ako sa traffic, napapawi naman dahil sakanila. - beautiful girls are my weakness.


Nandiyan nanaman yung mga nagbibigay sakin ng chocolates, love letters, tsaka bulaklak? Damn bat bulaklak? Iba talaga ang mga girls dito. Hindi naman ako artista pero ganito ang nararanasan ko. Iba na talaga...

Minsan nga sinasabitan pa ako ng corsage. Pwede na akong pumalit sa mga pulitikong sinasabitan ng ganito o di kaya naman santo sa dami nilang sinasabit sakin.


Puro kindat at flying kiss nalang ang sinukli ko sakanila and the crowd went wild. Hindi ko naman sila pwedeng isnabin dahil baka masira ang iniingatan kong imahe.

Ikaw lang naman ang team captain ng undefeated na basketball team sa division. MVP for 2 years. Yan ang pinanghahawakan kong titulo. Kaya di lang naman ako sa buong school sikat, sa iba ring university nakatatak na ang pangalan ko.


Kaya nagkalat rin ang mga ex ko sa iba't ibang school. Bawat puntahan naming school yata, eh may ex ako. Isa na si Yumi doon. Yumi Cruz ng Augustine Academy.


Ang babaeng halos sambahin na ng mga lalaki sa school nila dahil sa sobrang ganda, ex ko lang naman. Wala eh, iba na talaga.


Pumunta pa talaga dito kahapon para magmakaawa na balikan ko lang? Pero wala naman na siya para sakin, ni-isang ex wala akong binabalikan. Yun ang rule namin ni Papa.


Hindi na dapat binabalikan ang nakaraan pa.


Kaya nung nalaman ng mga tao dito na single na ulit ako, nagdumugan nanaman ang mga babae sakin. Ang sarap ng feeling ng ganito-HEAVEN.


AT DAHIL DIYAN.. MADAMI RIN NANINIRA o BASHERS. But, idgaf.

Habang naglalakad ako sa hallway hindi talaga maiiwasang may magtilian. Kahit na may pinagkakaabalahan yung iba eh, mapapatigil kapag ako na ang dadaan. Kahit na may kasamang boyfriend ang iba sakanila, napapatingin din. Pero hindi ko sila masisisi dahil isa lang naman akong MVP.

Pumasok na ako sa room 305.


Damn. 7:05 na pala. Unang subject ko pa naman ay ang sexy at maganda kong teacher.

Heto nanaman nababasag nanaman eardrums ko.


Nagtilian ang mga kaklase kong babae pagkapasok na pagkapasok ko palang ng pintuan.

"Jethro Pakiss!"

"Ang pogi mo talaga classmate!"

"Hey babe kiss me!"

"Beh tara beh! inenekat kita!"

"Sabay tayo lunch hon!"


Minsan pinaghihinalaan na ako ng mga nagiging girlfriend ko noon dahil sa mga babaeng nahuhumaling sakin eh. Sa dami ba namang tinatawag sakin sino hindi magtataka? Pati bakla nakikiagaw sakin. Umupo nalang ako at binigyan sila ng malaking ngiti.


It Started With a QuizTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon