Chapter 2

5.5K 311 21
                                        

Krissanta's POV

Ayoko sa lalaki.


Ayoko lang talaga sa kanila kasi manloloko sila.



Mga wala silang puso!


Mga manloloko!



Mga nilalang na mahilig magpaiyak ng mga babae!



Inano?


Ba't ko ba sila sinusumpa?



Ikaw na ang umuwi ng bahay ng basang basa.



Halos di ka na makilala ng kasambahay niyo dahil puno ng putik yung uniform mo. Akala mo nagswimming sa septic tank.


Matindi pa diyan, kinuha pa sayo yung payong mo. Napakawalanghiya! Walang modong lalaki na yun. Isa pa si manong taxi na tinalsikan lang naman ng putik itong pang itaas ko.



Hay nakakainis lang talaga.


Mga lalaki talagaaaaaaaa!!!!

Pero nakaganti rin naman ako kanina dun sa chickboy na yun. Sinipa ko lang naman sa ano niya, sabay takbo.



Edi napahawak siya sa kayamanan niya.



Paano na ako bukas? Sikat pa naman yun dahil sa magandang biyayang ibinigay sakanya. Nung nagsabog ng kagwapuhan sinalo nalang niya lahat.




Paktay ako sa "Fans" nun malamang. Siguro ngayong mga oras na 'to sinusumpa na ako ng lalaking yun at baka ipa murder na ako sa mga babae niya.




Ano ba nagustuhan nila dun? Pogi siya? Oo pogi siya.




Pero jusko naman, magkacutting nalang para lang makipaghalikan? At hindi pa nasiyahan pinaiyak pa niya yung babae. Dapat putulan ng talong yang ganyang manloloko. Hindi pa talaga siya natuwa, napuntiryahan niya pa akong pagtripan.




Ano tingin nila sa aming babae? Laruan? -Oo mukha kaming barbie pero di kami laruan.



Ba't ba affected ako masyado sa hinayupak na yun!!



Napaharap nalang ako sa bintana habang tanaw ang full moon. Nakakabighani talaga ang kalangitan. Lalong nagbibigay buhay sa madilim na kalangitan ang mga stars na kumikinang.




Naalala ko kasi nung bata pa ako, si Mommy.. Gustong gusto niya ang mga bituin pagmasdan lalo na kapag gabi. Kinuwento niya pa sa akin kung bakit niya nagustuhan ang mga stars. Para kay Mommy nagbibigay daw 'to ng pag-asa sakanya kahit na pinalilibutan ka ng madidilim na ala-ala at mga problema na sinisimbolo naman ng madilim na kalangitan tuwing gabi, patuloy ka pa rin makakaahon sa mga ito. Katulad ng stars sa langit. Kapag tumingin ka sa mga kalangitan, yun kaagad ang napapansin mong nagniningning. Yung mga problema na yun, pagsubok lang daw iyon at hindi ka pwedeng pangibabawan ng mga ito.

Medyo malayo na ang iniisip ko nang medyo bumukas ang pinto. Paglingon ko si Mommy lang pala.


"Anak kain ka na. Favorite mo ang ulam oh! Pinagluto ka ni Daddy." Humarap ulit ako sa bintana habang nakahiga parin sa kama ko.

It Started With a QuizTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon