Kumunot ang noo ko at naibaba ang cellphone ko.



"Huh?" Tanong ko.



"Bumaba ka nalang, ayusin mo ang sarili mo at baka pagbintangan akong pinaiyak kita."



Lumabas siya ng office ko at ako naman ay naiwang nakatanaw roon. Hindi na ako nag-abalang mag-ayos at diretso nang lumabas ng office. Sumunod ako sa baba at nagulat ako nang makita si Loren na kausap iyong security.



"I don't want to use my family name but for you to fucking tell me that I need to set an appointment to see my wife is bullshit."



Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang galit sa mga mata niya. Wala sa sariling nagalakad ako papalapit sa kanila.



Nang makita niya ako ay natigilan siya at napatitig sa akin. His face.. is comforting. Kahit masungit at matigas ang ekspresyon niya ay napapahinga ako sa tuwing pinagmamasdan ko ito. Parang naiiyak tuloy ulit ako.



"Attorney, kilala niyo po ba it—"



"I am a fucking Eleanor, you piece of—" natigilan siya nang tuluyan akong naiyak sa kaniyang harapan, "—fucking tears." Sinangga niya ang kamay ng guard para makadaan at inilang hakbang ang layo namin.



Tumutulo ang mga luha ko habang pinapanood siyang papalapit nang papalapit sa akin. Nang hablutin niya ang kamay ko at hilain para sa isang mahigpit na yakap ay lalo akong humagulgol.



Natahimik ang mga tao sa firm. Natigil ang mga bulungan at tila tumigil din ang pagtakbo ng oras. Hinaplos niya ang buhok ko kaya lalo akong naiyak. Yumakap ako pabalik at kumapit sa kaniyang damit.



"Damn it," I heard him whispered curses.



God, he's so warm. Right at this moment, I feel like I am holding the stars in my hands. I feel like I'm hushed and comforted. Hindi ko napigilan ang paghagulgol habang nakasiksik ang mukha ko sa dibdib niya.












"I'm sorry, dad, I'll just call you when she's ready.. bye." rinig kong ani niya sa telepono. Nandito na kami ngayon sa kuwarto niya.



Basta niya nalang akong dinala rito nang makauwi kami. Tumigil na rin ako sa pag-iyak pero maga pa rin ang mga mata ko at ayaw ko ring makita ako ni Cohen na ganito kaya mabuti na ring narito ako.



Naglakad si Loren patungo sa ref na nandoon pala at hindi ko napansin kagabi. Naglabas siya ng isang water bottle at bumalik sa harap ko. Inilahad niya ang tubig sa harap ko at tinanggap ko iyon pero hindi ako uminom.



"Drink."



Bumuntong hininga ako at binuksan na ang bote, pero dahil nanghihina pa rin ako sa kakaiyak kanina ay nahirapan ako. Narinig ko ang pag 'tsk' niya at agad na inagaw sa akin ang bote para buksan. Ibinalik niya iyon sa akin at inilapag ang takip sa bed side table.



Uminom ako at kinalahati ang tubig. Nang matapos ay inabot ko ang takip at isinara iyon bago ipinatong sa patungang iyon. Lumuhod siya sa harap ko para magpantay kami dahil nakaupo ako sa kama.



"What happened?" He asked.



Yumuko ako at nilaro ang aking mga daliri. Nagiging mannerism ko na yata ito sa tuwing iniinterogate ako ni Loren. Sa huli ay nagpasya akong sabihin ang totoo.



Kinwento ko sa kaniya ang lahat ng mga nalaman ko, pinilit ko pang hindi na maiyak pero wala talaga. Kapag pamilya ko ang pinag-uusapan ay walang katapusan ang mga luha ko. Nakayuko lang ako habang sinasabi ang lahat.



La Cuevas #1: When The Star Falls (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now