09*** calling...



Kumunot ang noo ko nang makitang unregistered number ang tumatawag. Suminghot muna ako at bahagyang umubo para linawin ang boses ko bago iyon sinagot.



[Celine?]



Natigilan ako. Sa boses pa lang ay nakilala ko na agad siya. How did he even got my number? Parang gusto kong umiyak sa kaniya, gusto kong magsumbong. Gusto kong sabihin lahat ng mga nalaman ko dahil pakiramdam ko ay sasabog na ako sa galit at sakit. Gusto kong ikwento kung gaano ako naging tanga sa nakalipas na mga taon. Pero nanatili akong nakikinig. Somehow, his voice made me a little bit calm. Kailangan ko lang siyang marinig.



[Celine, are you there?]



"Hm-hmm.." I nodded and bite my lower lip to stifle my sobs.



[Bakit ang tagal mong sumagot? Dad will come over tonight, gusto ka niyang makita.]



Hindi na ako nagulat nang sabihin niya iyon. Nakapikit akong tumango kahit hindi naman niya nakikita.



[8pm for dinner.]



Hindi ulit ako sumagot. Sumandal ako sa swivel chair at hinayaan ang tenga kong lasapin ang pamilyar niyang boses. It's soothing..



[Damn, are you listening? Are you that busy right now?]



"I'm listening.." I managed to reply after a sniff.



He fell silent. I was worried that he might notice my voice, and true enough, I shut my eyes in disbelief when he did.



[Are you crying?]



Shit.



Hindi ko na napigilan. Umiyak ako.



Tahimik lang pero sigurado akong naririnig niya. Natahimik ang kabilang linya habang patuloy ako sa paghikbi. Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman, ang tanga-tanga ko..



[Celine, where are you?]



Hindi ako sumagot, ibinaba ko ang tawag at inilapag sa lamesa ang telepono. Nakapatong ang likod ng ulo ko sa tuktok ng backrest ng swivel chair habang nakatakip ang aking mukha gamit ang aking mga palad.



Nakailang mura na ako sa isip ko habang walang tigil sa pag-iyak. Ang tanda ko na para umiyak pero hindi ko lang talaga kinaya ang lahat ng mga nalaman ko ngayong araw.



Iyong problema ko palang kung paano ako mapapatawad ni Loren ay sobra na, idagdag mo pa na hindi ko pa nasasabi kay mama iyong nangyari kay Cohen. Hindi ko na alam kung alin ang uunahin. Bagong problema na naman, bagong laban na naman. Tang ina, sawang-sawa na 'ko. Sukong-suko na 'ko.



Naisip ko si Yana, sasabihin ko ba sa kaniya? Ang bigat-bigat na kasi, binagsak lahat sa akin. Hindi ko kayang mag-isa.



Ilang minuto kong pinag-isipan kung tatawagan ko ba si Yana para sabihin ang mga nalaman ko. Nang makapag desisyon ako ay inabot ko ulit ang cellphone ko at nakitang wala nang missed calls at text mula kay Loren. Mapait akong bumuntong hininga at pinunasan ang pisngi ko.



Nakita ko sa repleksiyon ng screen na magang-maga na ang mga mata ko. Namumula ang ilong at mga mata ko dahil sa pag-iyak. Huminga ako ng malalim at pilit na kinalma ang sarili bago idinial ang number ni Yana.



Pero bago pa siya makasagot, ay pumasok na si Raegan nang nakasimagot at masama ang tingin sa akin.



"Hanap ka noong doktor."



La Cuevas #1: When The Star Falls (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now