Ang Pagsisiwalat

16 2 0
                                    

*** Sa daigdig nina Mia at Julie

" Oh Mia? mabuti ay gising kana." bungad na sabi ni Kenji kay Mia matapos nitong magkamalay.

" Nakabalik na ako? Pano nangyari to kuya?" mariing tanong ni Mia sa Kuya Kenji niya.

" Hiniling ni Julie na makabalik kayong dalawa. Habang nagbabasa nga ako ng libro eh bigla tong nagliwanag at lumabas kayong dalawa sa libro!" paliwanag ni Kenji.

" Ganun ba? kamusta naman si Julie? akala ko ay napatay na ako ni Balkan." tanong ulit ni Mia.

" Kamuntik na talaga mabuti nalang ay iniligtas ka ni Julie. Galit parin siya pero nag aalala parin siya sayo. Mahinang mahina ka kasi pagkalabas mo ng libro kaya iniuwi na kita." paliwanag muli ni Kenji.

Matapos nito ay natutula na naman si Mia dahil nag aalala siya sa kanyang naiwang labanan sa Misala. Iniisip niya kung nagwagi ba ang Adaro laban sa Hesron. At iniisip niya din kung ano nang nangyari kay Tome.

" Malalim na naman ang iniisip mo ah! Alam mo bang nalaman ko dito kung sino sina Hira Diane at Hira Haida." pagpapahayag ni Kenji.

" Anong sabi mo? Nasan sila? gusto ko silang makausap? anong nangyari sakanila pagkabalik nila?" mga tanong ni Mia.

" Easy ka lang. hindi mo na rin sila makakausap kasi patay na sila." sagot ni Kenji.

" Ganun ba? bakit sila namatay? ilang taon naba sila?" tanong ulit ni Mia.

" Si Hira Haida ay namatay noong 1970s pa ayon sa nabasa ko namatay siya sa hindi maipaliwanag na sakit eh ganun narin si Hira Diane pero kahapon lang siya namatay." paliwanag ni Kenji.

" Anong sabi mo? eh sa Misala eh halos tatlumput dekada matapos silang makabalik dito?" takang tanong ni Mia.

" Magkaiba kasi ang oras dito at sa Misala. Habang nagbabasa ako ay tinignan kong mabuti ang orasan at sa tingin ko ay limang taon ang pagitan natin sa kanila. Subalit natuklasan kong tumatanda sila ng kagaya sa atin kaya parang parehas lang masmabilis lang ang oras sakanila." paliwanag ni Kenji.

" Ano kuya hindi ko magets?" takang tanong ni Mia.

" Ganito, kung ikaw ngayon ay 16yrs old sa daigdig natin kapag nagpunta ka sa daigdig ng Misala ay 80yrs old kana. Ipagpasalagay natin si Tome 100yrs old naman at pag dito sa daigdig natin ay 20yrs old lang siya." mariing paliwanag ni Kenji.

" Ah okay!" pagsang ayon ni Mia kahit di gaano naintindihan ang paliwanag ng Kuya niya.

" Pero kuya gusto sanang kausapin si Julie. Gusto ko sanang makipag ayos at magpasalamat sa pagligtas niya sakin eh pwede mo ba akong samahan sakanila?" pakiusap ni Julie sa kanyang Kuya.

" Sige, kapag dumating na si Mama ay aalis na tayo. Basta mabilis lang ah?" pagsang ayon ni Kenji.

Marahang umalis sina Kenji at Mia sa kanilang bahay nang dumating ang kanilang ina. At nang marating nila ang bahay ni Julie ay nakita nila itong tumutulong sa paglalabada ng kanyang ina.

" Julie, maaari ba tayong mag usap?" sigaw ni Mia ng mapatingin sakanya si Julie.

" Ano yon Mia? Kung magpapasalamat ka kasi niligtas kita huwag mo ng alalahanin yun. Kapalit lang yun ng mga utang ko sayo at mga binibigay mong pagkain sakin. Siya nga pala tinatapos ko na ang pagkakaibigan natin. Kaya wala na tayong dapat pang pag usapan." mataray na sagot ni Julie matapos lapitan si Mia.

" Julie, pakiusap naman oh! Hindi ko kayang mawala ka. Ikaw lang ang kaibigan ko eh. Sige ka wala ng manglilibre pa sayo." nagmamakaawang sabi ni Mia.

" Ano kaba Mia. Tigilan mona ako tapos na tayo." sagot ni Julie.

" Ano ba yan daig pa natin ang magjowa. Wag mona ako ibreak Julie. Mahal na mahal kita!" nakangiting sabi ni Mia.

Sa pagkakataon na yun ay bumigay na ang damdamin ni Julie at kaunting napangiti ito.

" Ano bang gusto mong sabihin sakin?" mataray pero nakangiting sabi ni Julie.

" Akala ko ay nasabi ko na to dati sayo pero kay Lahar ko pala ito nasabi nung mangpanggap siyang ikaw. Hindi ka talaga nagahasa Julie, pinapaikot ka lang ni Balkan. Nailigtas ka niya bago kapa gahasain ng mga tulisan. Kagaya ng iniligtas tayo ni Tome dahil ang mga tagapagtanggol ay dumarating kapag tayo ay nalalagay sa kapahamakan. Sana ay patawarin mo rin ako kasi nahubad ko yun uniform ko nung maligo ako pagkabalik ko dito kasi hindi ko naman talaga sinasadya yun. Mahal na mahal kita Julie kaya sana patawarin muna ako." paliwanag ni Mia kay Julie.

" Totoo ba Mia? Birhen pa ako?" gulat na gulat na sabi ni Julie nang marinig ang isiniwalat ni Mia.

" Oo maniwala ka sakin dahil walang hirang ang hindi na Birhen. Nagawa mong matawag ang bathalumang Hesron dahil birhen kapa." paliwanag ulit ni Mia.

Dahil sa mga nalaman ni Julie ay tuluyang nagkapatawaran ang matalik na magkaibigan. Agad silang nagyakapan ng mahigpit at palitan ng matatamis na iloveyou at imissyou sa isat isa.

*** Sa daigdig ng Misala

Matapos lusubin ng mga Hesron ang Adaro ay natalo ang Adaro sa labanan. Agad sinakop ni Balkan ang palasyo ng Adaro at ikinulong ang mga Adaro pati ang mga tagapagtanggol. Sa sobrang saya ni Balkan sa pagiging pinakamakapangyarihan sa Misala ay agad niyang binisita ang kanyang Ina na si Mata upang ibalita ang matagumpay niyang nagawa.

" Ina, ako na ang pinakamakapangyarihan sa Misala." natutuwang balita ni Balkan kay Mata dahil nangungulila ito sa pagmamahal ng isang ina.

" Balkan, ano bang nangyayari sayo? ano ba talaga ang nais mo? hindi mo kailangan ang kapangyarihan na yan." sagot ni Mata kay Balkan.

" Anong hindi? hindi bat kaya hindi mo ako mahal ay dahil wala akong kapangyarihan? na hindi ako kagaya ni Ikoy na tagapagtanggol. Na wala akong kwenta para sayo?" panunumbat ni Balkan.

" Nagkakamali ka Balkan. Parehas ko kayong tinuruan ni Ikoy ng salamangka. Mas naging mahusay lang siya dahil may angkin na siyang kapangyarihan bilang tagapagtanggol. Pantay ang pagmamahal ko sa inyo kahit na alam kong hindi ka nararapat dito sa Misala." pagpapagaan ng loob ni Mata kay Balkan.

"Anong sabi mo? anong hindi ako nararapat dito? eh saan ako nararapat?" mariing tanong ni Balkan.

" Sa mundo nila Julie dahil ikaw ang anak ni Hira Diane at Otan." pagsisiwalat ni Mata kay Balkan.

" Ano? Ama ko si Otan? bakit ngayon mo lang sinabi? hinayaan mong saktan ko ang sarili kong ama? hinayaan mong ibuwis niya ang buhay niya para sa kwintas?" panunumbat na tanong ni Balkan.

" Hindi ako Balkan. Ikaw, ikaw ang gumawa ng sarili mong desisyon. Ikaw ang sapilitang nagnakaw ng aklat ng itim na pambihirang salamangka. Ikaw ang naging ganid sa kapangyarihan. Ikaw ang may kasalanan ng lahat." paliwanag ni Mata.

" Kung kasalanan ko ang lahat. Kasalanan ko ring paslangin ka!" galit na galit na sabi ni Balkan kay mata at ito ay tinanggalan niya ng hininga gamit ang kapangyarihan ni Gamor.

Lubos na nagagalit si Balkan sa lahat ng kanyang masamang nagawa kaya humantong ito sa pagpatay niya kay Mata. Laking pagsisi niya sa pagpapahirap niya sa kanyang tunay na ama na si Otan. Kaya nilamon siya ng puot, hinagpis at napuno ng kasamaan ang puso at isip niya.

" Kailangan kong bumalik sa daigdig ni Julie na akin na ring palang daigdig. Si Julie ay magiging asawa ko at kaming dalawa ang magiging makapangyarihan sa daigdig ng Misala at sa daigdig niya." sambit ni Balkan sa kanyang sarili habang patuloy na umiiyak.

HirangWhere stories live. Discover now