Ang mga Kaluluwa ng Nakaraan

13 3 0
                                    

" Nagawa nilang makatagos. Sila ay mga tagapagtanggol rin." sigaw ng isa sa mga sirena.

" Narito kami upang hanapin ang kwintas ng pagsamo." paliwanag ni Haring Arden habang nababalutan parin sila ng ipo ipo bilang pananggala sa mga tinig ng sirena.

" Nagawa niyong makarating sa tahanan namin nang hindi nawawalan ng ulirat. Walang pang sino man nakatakas sa aming mga tinig. Binabati namin kayo hindi na kami manglalaban pa dahil binabantayan ng mga tagapagtanggol ng Meno ang kwintas ng pagsamo. Isa rito ang aming mabagsik na ninunong pinuno na si Haring Akwano. Ang unang pinuno ng mga sirena. Kailangan niyo muna silang harapin upang makuha ang kwintas na ito." paliwanag ng isang sirena at tumigil na ang mga ito sa pag awit.

" Ngunit ang isang kasama namin ay nawalan ng ulirat. Ano ba ang maaaring lunas dito." mariing tanong ni Gamor sa mga sirena.

" Huwag kayong mag alala mayroong kaming awit na nakapagtatanggal epekto ng awit ng pagkabaliw." paliwang ng isang sirena at nagsimula nang umawit ang mga ito upang maibalik ang ulirat ni Nyebes.

Agad bumalik ang ulirat ni Nyebes at malugod itong nagpasalamat sa mga sirena. Matapos nito ay tumungo na ang hirang at mga tagapagtanggol ng Adaro sa pusod ng kweba upang harapin ang mga tagapagtanggol ng Meno.

Sa hindi kalayuan matapos marating ng mga ito ang pusod ng kweba ay nakita na nila ang kwintas ng pagsamo. Umiilaw ito ng kulay berde at kapansin pansin ang kumikinang nitong kaliskis sa palawit nito.

" Hindi naman pala mahirap makita eh! Mabuti na lamang ay nahanap natin ito!" masayang sabi ni Nyebes habang nasasabik na makuha na ni Mia ang kwintas.

Sa pagkakataon na iyon ay isang malaking alon ang biglang papunta sakanilang kinaroroonan.

" Mga kasama magmadali kayong lumapit sa akin." sigaw ni Haring Arden habang gumawa ulit ng ipo ipo bilang pananggalan sa malaking alon.

Matapos ang alon ay nakaramdam ng panghihina ang lahat. Nag iba ang kanilang wangis at sila ay nagmistulanh matanda.

" Anong nagyayari? nasan na ang mga tagapagtanggol ng Meno? marahil ito ang kanilang mga kapangyarihan." mariing tanong ni Haring Arden.

" Nakikita ko silang lahat. Sila ay mga multo na lamang. Nakapalibot sila atin. Ang isa rito ay isang sireno siguro ay siya ang ninunong Haring Akwano." paliwanag ni Gamor na may kapangyarihan makakita ng mga multo.

" Ako rin nakikita at nararamdaman ko naman ang enerhiya nila subalit hindi ko lubhang makita ang kaanyuan nila." paliwanag ni Musmus.

Sa kaganapang iyon ay biglang umilaw ang singsing ni Gamor. Nagawa ring makita ng lahat nina Mia, Tome, Haring Arden, Nyebes, at Musmus dahil sa liwanag ng singsing kung saan ang pitong multo ng mga tagapagtanggol ng Meno ay nakapalibot sa kanila.

" Sila naba ang mga tagapagtanggol ng Meno? bakit mga multo na lamang sila? " tanong ni Nyebes sa mga kasama.

" Marahil ay tatlumpung dekada na ang lumipas kaya multo na lamang nila ang nagbabantay sa kwintas." paliwanag ni Gamor.

" Kung gayon ay pano natin sila kakalabanin kung sila ay mga multo at kung tayo ang katawan natin ay matatanda na?" tanong ni Haring Arden.

" Huwag kayong mawalan ng pag asa. Ako ang hirang at kung magtutulong tulong tayo mapagtatagumpayan natin ito." pagpapalakas ng loob ni Mia sa mga tagapagtanggol ng Adaro.

Nagsulputan ang mga malalaking isda na may malalaking pangil kasabay ng ibat ibang uri ng halimaw ng karagatan.

Maingat na lumaban ang mga tagapagtanggol ng Adaro upang makuha ang kwintas. Si Tome ang sumusupil sa mga halimaw ng karagatan. Si Nyebes ay ginagawang yelo ang malaking alon na atake ng mga tagapagtanggol ng Meno.  Si Musmus ay pilit tinitiyak ang enerhiyang ititira sakanila gamit ang kanyang salamin sa mata kung saan madali niya magagaya ang iaatake ng kalaban. Habang si Haring Arden ay patuloy sa paggawa ng kanyang ipo ipo bilang pananggala habang pinoprotektahan si Mia. At si Gamor naman ay pinapailaw lamang ang kanyang singsing upang makita ng mga kasama ang mga multong tagapagtanggol. Ang diskarteng ito ang kanilang ginawa upang unti unting makalapit sa kwintas ng pagsamo.

" Nyebes gamitin mo kaya ang espadang bigay ni Mata maari itong makatulong satin." mungkahi ni Mia.

Mabilis na nilabas ni Nyebes ang espadang walang talim at nang kanya itong hawakan upang gawing sandata ay bigla na lamang itong nagliwanag at lumabas ang yelong talim nito.

" Ang yelo ko pala ang magsisilbing talim nito ah!" nakangiting sabi ni Nyebes habang akmang susugurin ang mga tagapagtanggol ng Meno gamit ang kanyang yelong espada.

Subalit kahit anong pag atake ni Nyebes ay tumatagos lamang ang kanyang espada sa mga multong tagapagtanggol ng Meno.

" Wala tayong laban sa mga multo. Anong nang gagawin naten?" tanong ni Nyebes nang halos mapagod na kakaatake sa mga multong tagapagtanggol ng Meno.

" Sandali lamang. Tumigil kayong lahat sa pag atake. Nabasa ko sa rebulto na ang Bathalumang Meno ay may payapa at busilak na kalooban. Kung ititigil natin ang dahas at pakikipaglaban ay marahil ay mahihinto ang kanilang pag atake. Dahil kapayapaan ang sagot upang makuha natin ang kwintas." mungkahi ni Mia at tumigil na nga sa pag atake sina Nyebes, Haring Arden at Musmus.

Nang mahinto ang labanan ay doon lamang nagsalita ang ninunong pinuno ng mga Siren na si Haring Akwano.

" Kapayapaan lamang ang nais namin. Ibibigay lamang namin ang kwintas na ito kung mapagtatagumpayan mong makuha ito. Patunayan mo sa amin na ikaw ay karapatdapat na mag may ari ng kwintas at ikaw ay tunay na hirang." paliwanag ni Haring Akwano.

" Kung gayon ay hindi ako aatras. Papatunayan ko na ako ang dapat mag may ari ng kwintas na yan. Ako ang hirang Adaro." matapang na sagot ni Mia.

Matapos nito ay lumapit na si Mia sa mga tagapangtanggol ng Meno. Siya ay ipinasok sa isang bula na puno ng tubig.

" Haring Arden, wala ba tayong gagawin? malulunod na ang Hira Mia sa loob ng bula." pag alalang tanong ni Tome.

" Wala dahil laban ito ng Hirang. Mapapagtagumpayan niya ito. May tiwala ako sakanya." pagbibigay pag asa ni Haring Arden sa mga kasama.

Sa loob ng bula ay iniisip ni Mia ang kanyang pamilya, si Tome at si Julie.
Nararamdaman na niya ang pagkawala ng kanyang hininga ng biglang naisip niya si Neri na lubos na nagmamahal sakanya at ang sakripisyo nito upang malagay sila sa pagkakataon na iyon. Kailangan niyang mapatuyan na siya ang Hirang Adaro.

Biglang umilaw ang pares ng sapatos na suot ni Mia na ibinigay sakanya ni Neri. At sa pagkakataon na iyon ay agad pumutok ang bula at siya ay nakatakas sa tubig na pumupuno dito. Kumuha agad siya ng hininga at kamangha mangha na siya ay lumutang. Gamit ang sapatos ni Neri ay nagawa ni Mia na makalipad at mabilis na makuha ang Kwintas ng pagsamo.

HirangOù les histoires vivent. Découvrez maintenant