Ang Ilusyon

13 3 0
                                    

*** Sa ilusyon ni Mia sa kanyang Daigdig

" Si Donny Pangilinan ba yun? Shemay ang gwapo niya talaga!" bulyaw ni Mia nang makitang papalapit sakanya si Donny.

" Hi Miss! alam mo ba kung san ang banyo dito?" nang aakit na tanong ni Donny.

" Ah, eh! nandun sa dulo malapit sa fire exit yung common toilet dun." pagtuturo ni Mia.

Si Mia ay nasa loob ng ilusyon ni Biro. Ang kanyang nakikita ay nasa loob siya ng gusali ng kanilang paaralan. Si Donny Pangilinan naman ay pinakahinahangaan ni Mia sa kanyang daigdig. Isang sikat na teen actor si Donny na may makapal na labi, matangos na ilong, makisig at matangkad na pangangatawan ito. Labis labis ang paghanga ni Mia sakanya na kayang niyang gawin ang lahat para dito. Sa kanyang ilusyon nakikita niyang paaralan ang palayan at si Biro bilang si Donny.

" Ganun ba? baka kasi maligaw ako eh maaari mo ba akong samahan?" pang aakit na sabi ni Donny.

" Ah, eh. sige." sagot ni Mia.

Nang makarating ang dalawa sa banyo ay agad hinablot ni Donny ang katawan ni Mia papasok ng banyo.

" Patawarin mo ko pero hindi ko mapigilan ang pagnanasa ko sayo." maharot na sabi ni Donny sabay hawak sa balakang ni Mia.

Sa kaganapang iyon ay hindi maipanta ang mukha ni Mia dahil labis labis ang kakiligan niya. Naghihimutok sa pula ang kanyang pisngi na tila ba siya ay lasing. Hindi alam ni Mia ang kanyang gagawin dahil hindi niya kayang tanggihan si Donny.

" Sandali lamang, masyado ka atang mabilis. Huwag naman dito sa banyo ng paaralan." pangangatwiran ni Mia.

" Kung gayon ay gusto mo bang pumunta tayo sa hotel malapit dito?" mungkahi ni Donny.

" Ah, eh ikaw ang bahala!" maharot na sagot ni Mia.

Agad umalis ng paaralan ang dalawa upang tumungo sa Hotel na malapit lamang. Habang hindi matanggal ang pagkakayapos ni Mia sa mga braso ni Donny dahil pangarap niya itong maging asawa. Walang papantay sa kagalakan na kanyang nararamdaman dahil sa wakas ay ang dating pinangapangarap niya lamang ay abot kamay na niya.

Pagkarating ng dalawa sa isang Hotel ay agad silang pumasok sa isang silid na may salamin sa kisame. Malamig ang loob ng silid at may mabangong amoy na nakakagana sa pangroromansa. Hindi na napigilan ni Mia ang mga nangyari ng sunggaban siya ni Donny ng maiinit na halik.

" Teka sandali masyado talaga tayong mabilis. Magkwentuhan muna tayo. Bakit kaba nandito sa school namin?" pangangatwiran ni Mia habang inilalayo ang kanyang sarili sa walang ng pang itaas na si Donny.

" Ano ba libog na libog na ako. Pagbigyan mona ako!" pang aakit na sagot ni Donny habang nakatingin ng may matinding pagnanasa kay Mia.

Akma na sanang aalis si Mia ng silid nang bigla na lamang siya kinaladkad ni Donny pahiga ng kama.

" Huwag ka ng maarte." galit na sabi ni Donny sabay halik sa leeg ni Mia.

Wala nang nagawa pa si Mia dahil nadala na rin siya ng mga halik at haplos ni Donny. Akma na sanang huhubarin ni Donny ang kanyang damit nang bigla na lamang niyang narinig ang tunog ng isang plawta.

" Ano yun? teka Donny may naririnig ako." tanong ni Mia habang kumakawala sa pagkapatong ni Donny sakanya. Unti unting nawala ang usok na bumabalot kay Mia hanggang ito ay tuluyang magising sa katotohanan.

" Sino ka? Anong ginagawa mo sakin?" galit na sabi ni Mia ng makita ang isang payaso na walang pang itaas sa kanyang harapan habang siya ay nakahiga sa palayan.

HirangWhere stories live. Discover now