Ang Pagpapasakit

13 4 0
                                    

*** Sa daigdig ng Misala

" Narito lamang talaga si Tome sa palayang ito. Dito kami nagkasalubong kaya paniguradong nandito lang sa malapit." paliwanag ni Mia nang balikan nila ang lugar kung saan sila nagkabungguan ni Tome.

" Kung gayon ay magmadali na tayong hanapin siya." sagot ni Haring Arden.

" Nakita ko na siya. Magmadali kayo!" sigaw ni Nyebes ng matanaw si Tome sa hindi kalayuan na may kasamang tatlong matatandang lalaki.

Mabilis na tinungo nina Mia at mga tagapagtanggol ng Adaro ang kinaroroonan nila Tome.

" Tome!!!" sigaw ni Mia kay Tome at agad tumakbo papunta sa kinaroroonan nito at mahigpit itong niyakap.

" Hira Mia, mabuti ay ligtas kayo!" sambit ni Tome subalit umiwas at lumayo sa pagkakayakap ni Mia.

" Bakit Tome? sino ba yang mga kasama mo?" mariing tanong ni Haring Arden.

" Sila ang mga tagapagtanggol ng Sadi. Si Lolo Teng, Lolo Kursus at Lolo Poy." pagpapakilala ni Tome sa tatlong matanda kila Mia.

" Ganun ba? malugod kaming makilala kayo. Ako naman si Arden at mga kasama ko ay ang Hirang Adaro na si Hira Mia at mga tagapagtanggol ng Adaro na sina Nyebes, Gamor at Musmus." pagpapakilala naman ni Haring Arden sa tatlong matanda.

" Masaya kaming makilala kayo. Subalit patungo kami ngayon sa tuktok ng kabundukan ng Sadi dinakip kasi ng Hesron ang isa samin." paliwanag ni Teng kila Haring Arden.

" Oo nga Haring Arden. Kailangan natin silang tulungan dahil si Lolo Otan na nadakip lamang ang may tanging alam kung nasaan ang kwintas ng pagsamo ng Sadi." paliwanag ni Tome kila Haring Arden.

" Gayon ba? maasahan ninyo ang aming tulong. Magsipaghanda lahat tayo ay tutungo sa tuktok ng kabundukan ng Sadi upang iligtas ang dinakip ng Hesron." utos ni Haring Arden sa mga kasama.

Agad tumungo ang lahat patungo sa tuktok ng kabundukan ng Sadi upang iligtas si Otan. Habang napapansin ni Mia na siya ay iniiwasan ni Tome sa hindi niya malamang dahilan.

*** Sa tuktok ng kabundukan ng Sadi

" Nagbalik kana Rakil, pero bakit suot mo ang maskara ni Biro? anong nangyari sakanya? bakit hindi mo siya kasama?" mariing tanong ni Julie habang kasama si Balkan.

" Hihihihi! Hindi ako ang taksil na si Rakil, katawan niya lamang ito pero ako si Biro. Pinatay ako ng lapastangang si Rakil at ginamit ko ang kapangyarihan ko upang maging maging usok ang kaluluwa at nang langhapin ni Rakil ang usok na ito ay nagawa kong saniban siya at napasaakin na kanyang katawang lupa." paliwanag ni Biro at marahan nitong hinubad ang maskarang suot niya at tumambad dito ang mukha ni Rakil na may markang dragon sa kanyang pisngi.

" Anong sabi mo? nasan na si Rakil? bakit inangkin mo ang kanyang katawan?" gulat na tanong ni Julie habang nag aalala kay Rakil.

" Hindi ko alam kung nasaan na ang kanyang kaluluwa niya subalit ngayon ay pagmamay ari ko na ang kanyang katawan dahil pinatay niya ang katawang lupa ko." paliwanag ni Biro.

" Kung gayon ay nagawa mo ba misyon mo?" paniniyak ni Balkan kay Biro.

" Patawarin ninyo ko Heneral Balkan. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko ngunit nabigo ako." pagpapaliwanag ni Biro.

" Ganun ba? Huwag kang mag alala bibigyan pa kita ng isang pagkakataon upang magawa ito. Alam kong matutunton din tayo ng mga Adaro at sa pagkakataon na ito ay paslangin mo silang lahat." utos ni Balkan kay Biro.

HirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon