Ang Mata ng Misala

33 5 1
                                    

"Hira Mia! Wag mo akong iiwan. Mahal na mahal kita!" hangos ni Tome habang yakap yakap ang duguan na si Mia.

Humahangos din sina Neri at Haring Arden. Silang tatlo ay hindi alam ang gagawin nang biglang may lumitaw na ulap at lumabas ang imahe ng isang matandang babae.

"Magmadali kayong sumakay sa aking ulap upang magamot ang hirang." pagmamadaling sabi ng matandang babae sa tatlo.

Agad naman silang sumakay buhat ang duguan na si Mia. Hindi nila alam kung saan sila dadalhin ng ulap na iyon subalit wala na silang magagawa dahil kailangan nilang iligtas ang hirang. Halos sumikat na ang araw ng sila ay dalhin ng ulap sa isang bulwagan kung saan sumalubong sakanila ang mga bata at sila ay agad hinubaran. Ginamot ng mga ito silang lahat kabilang ang mahinang mahina na si Mia.

"Nasan ang mga damit namin? bakit kami nakahubad?nasan na si Hira Mia?." tanong ni Haring Arden sa mga bata.

Ngunit hindi siya sinagot ng mga bata bagkus sila ay nagtawanan lamang.

"Kayo ay nasa gitnang bahagi ng Misala. Hinubad ang inyong mga damit upang hindi maramdaman ang inyong presensya para hindi matunton ng kahit na sino man ang lugar na ito." pahayag ng matandang babae na hindi nila alam kung san nanggaling ang kanyang boses.

"Kung gayon ay ikaw na nga ba si Mata? Nasan naba ang hirang? Mabuti naba ang kalagayan niya?." tanong ng hari sa matandang babae.

"Mabuti na ang kanyang kalagayan subalit manunumbalik lamang ang kanyang lakas kapag nakabalik na siya sakanilang daigdig." paliwanag ni Mata sa tatlong tagapagtanggol.

"Ano ang aming maaring gawin upang matulungan siyang makabalik sa kanyang daigdig?" tanong ni Tome.

"Ang hirang lamang siyang makatutulong sa kanyang sarili. Maaari lamang kayong manalangin sa Bathalumang Adaro upang ligtas siyang makabalik sakanyang daigdig." paliwang ni Mata sa mga tagapagtanggol.

Dinala na ng mga bata ang mahinang kawatan ni Mia sa gitna ng bulwagan at biglang lumitaw si Mata na magmula kung saan. Ito ay lumapit kay Mia at inorasyonan upang magkamalay.

"Ikaw na Hirang Adaro ay kailangan ng bumalik sa iyong daigdig upang manumbalik ang iyong lakas." pagbabanta ni Mata kay Mia.

"Ngunit hindi ako babalik hanggang di ko nakikita si Julie. Sabay kaming babalik sa daigdig namin." sagot ni Mia.

"Isa kang hangal. Matagal ng nakabalik ang iyong kaibigan sa inyong daigdig." nakatawang sabi ni Mata kay Mia.

"Anong sabi mo?" Paano at bakit?" tanong ng naguguluhan na si Mia.

"Sabay kayong nahigop ng aklat subalit nang sandaling gumalaw siya bilang tauhan sa libro ay agad siyang ibinalik dahil tanging hirang lang ang may pagkakataon upang gumalaw at maging tauhan sa libro." paliwanag ni Mata kay Mia.

****
Dalawang linggo bago lumipas ang mga nangyari.

Pagkatayo ni Julie ay susundan sana niya si Tome dahil paalis na ito matapos silang iligtas ni Mia. Nang biglang nagliwanag ng asul ang kanyang buo katawan at siya ay unti unting naglaho.

"Anong nangyari? nakabalik na ako. Nasan na si Mia? " tanong ni Julie sa kanyang sarili matapos siyang makabalik sa kanilang daigdig.

Hinanap niya si Mia sa buong National Library ngunit hindi niya ito nakita. Kaya bumalik ulit siya sa silid aklatan at muling binuksan ang libro ng Ang Misteryong Alamat. Binasa niya ulit ito at habang binabasa niya ito ay nararamdaman at naiisip rin niya ang tauhan sa libro bilang hirang Adaro kung saan si Mia ang naganap sa tauhan na iyon.

Sa kanyang pagbabasa ay nasa kaganapan na siya kung saan kailangan na ngang bumalik ng hirang sa daigdig niya at habang binabasa niya ito ay bigla niya na lamang naramdaman si Mia. Na para bang nasa loob na siya ng libro bilang si Mia. Naririnig, nakikita at nararamdaman niya ang bawat ganap ng tauhan at siya ay manghang mangha sa mga nangyayari.

****
Sa mundo ng Misala.

"Kung gayon ay sige pumapayag na ako. Pero paano ba? anong bang dapat kong gawin?" tanong ni Mia matapos malaman na nakabalik sa daigdig nila ang kaibigang si Julie.

"Kailangan mo ng kahit na anong mag iisa sa daigdig na ito at sa daigdig mo. Ano mang bagay na parehong matatagpuan sa magkaibang daigdig." paliwanag ni Mata.

Agad nag isip si Mia sa kung anong bagay ang magkatulad sa daigdig ng Misala at sa kanyang daigdig. Pumasok agad sa isip niya si Julie na nasa daigdig na nila.

"Si Julie, tama si julie nga! pareho kaming nakauniform ni Julie. Gamitin natin ang Uniform ko!" masiglang sagot ni Mia.

Madaling sinimulan ni Mata ang orasyon upang gamitin ang uniform ni Mia sa pagbalik nito sakanyang daigdig. At habang ginagawa nito ang orasyon ay nakaramdam si Mia na parang siyang lumulutang at nakita niya ang asul na liwanag kung saan naroon si Julie habang nakaupo at binabasa ang libro. Agad siyang lumapit sa liwanag na ito habang ang kanyang katawan sa Daigdig ng Misala ay unti unting nabalutan ng asul na liwanag at tuluyan na siyang naglaho.

HirangWhere stories live. Discover now