Ang mga Kwintas ng Pagsamo

9 2 0
                                    

" Hira Mia, ako ay nagagalak sa matagumpay mong pagkakamit ng mga kwintas ng pagsamo." malugod na pagbati ni Teng.

" Hindi po ba kayo ang umaraga kay Tome? maari ko po bang malaman kung anong nangyari sakanya? magmula po kasi nang muli kaming magkita ay naramdaman ko pong iniiwasan niya ako." mariing tanong ni Mia.

" Kung gayon ay ginagawa niya lamang ang nararapat. Binigyan ko kasi siya ng payo na itigil na niya ang pag ibig niya saiyo. Dahil natatakot ako na matulad kayo sa pagmamahalan nila Hira Diane at Otan." paliwanag ni Poy.

" Kaya po pala ganun ang naging reaksyon niya nung nagkita po kami." malungkot na sabi ni Mia ng malaman ang katotohanan sa pag iwas sa kanya ni Tome.

Sa pagkakataon na iyon ay biglang dumating si Balkan.

" Nasa sayo na pala ang mga kwintas Hirang Adaro. Hindi ko hahayaan na magtagumpay ka sa pagtawag ng bathalumang Adaro." galit na sabi ni Balkan.

Agad gumawa ng proteksyong bula si Mia bilang pananggala kay Balkan. Subalit ginamit ni Balkan ang salamangkang itim upang basagin ito.

" Mia, ibigay mo sakin ang kwintas ng pagsamo ng Sadi. Sabay nating gamitin ang kwintas at labanan si Balkan." mungkahi ni Julie.

Nagdadalawang isip si Mia kung ibibigay ba niya kay Julie ang kwintas dahil hindi parin siya lubusang nagtitiwala dito sa mga nagawa nitong masama sakanya.

" Kaya kong pagsabayin gamitin ang kwintas Julie. Huwag kang mag alala." pangatwiran ni Mia.

" Hindi kaba nagtitiwala sakin Mia? buong kabataan natin ay palagi tayong magkasama. Ayokong maulit ang nangyari noong makuha ko sayo ang kwintas ng pagsamo ng Meno dahil hindi mo alam kung pano gamitin ito. Ako na mangangapang gamitin ang kapangayarihang potensyal ng kwintas. Tutuklasin ko ang lahat ng kakayahan nito. Magtiwala ka naman sakin Mia." paliwanag ni Julie.

Marahang binigay ni Mia ang kwintas ng pagsamo ng Sadi kay Julie kahit nag aalinlangan siya. Ayaw niyang masira ulit sila kapag naramdaman ni Julie na hindi siya pinagkakatiwalaan nito.

" Salamat Mia. Ngayon ay sabay nating atakihin si Balkan gamit ang mga kwintas." pagpapalakas ng loob ni Julie.

Si Julie ang unang tumayo at akma na sana niyang gagamitin ang kwintas ngunit mabilis siyang nabalutan ng itim na salamangka ni Balkan.

Nabalutan din ng kadiliman ang buong kapaligiran at sila ay walang nakita dala ng itim na salamangka ni Balkan. Nang unti unti itong nawala ay nakita nila si Julie na nakalupasay sa lupa.

" Julie!!!" hangos ni Mia habang patakbo sa walang malay na si Julie.

" Anong nangyari? nasan na si Balkan? nasan na ang kwintas?" humahangos na sabi ni Julie ng magising sa pag sigaw ni Mia.

Nang mawala ang dilim na bumalot sa kapaligiran ay nawala rin sa leeg ni Julie ang kwintas kasabay ng pagkawala ni Balkan.

" Mia patawarin mo ako. Hindi ko alam kung anong nangyari. Si Balkan, siya ang kumuha ng kwintas." paghingi ng tawad ni Julie habang umiiyak.

" Wala kang kasalanan Julie. Huwag kang mag alala nasakin pa naman ang kwintas ng pagsamo ng Meno." pagpapalakas ng loob ni Mia kay Julie.

HirangWhere stories live. Discover now