Ang Huling Kahilingan

46 4 3
                                    

" Hesron ipagkaloob mong matawag ni Mia ang Bathalumang Adaro." sigaw ni Julie.

" Masusunod Hirang!" sagot ng Bathalumang Hesron at ito ay agad naglaho.

Nang marinig ito ni Balkan ay nagngitngit siya sa galit. Kaya agad niyang tinanggalan ng hininga si Julie gamit ang kapangyarihan ni Gamor.

" Laspatangan ka.Gusto pa naman sana kita maging asawa pero iyan ang nararapat sayo!" galit na galit na sabi ni Balkan.

Sa pagkakataon na iyon ay biglang lumutang ang katawan ni Mia at ito ay nabalutan ng asul na liwanag.
Nagliwanag ang buong kalangitan at dito bumaba ang bathalumang Adaro na wangis ang isang Phoenix.

" Ikaw ba ang Hirang na tumawag sa akin mula sa kaitasaan? Binabati kita sa iyong tagumpay. Ngayon ay pagkakalooban kita ng aking mga kapangyarihan kasabay ng tatlong kahilingan, aking Hirang." paliwanag ng bathalumang Adaro.

" Adaro ipagkaloob mong alisin ang mga kapangyarihang kinuha ni Balkan at ibalik ito sa Misala." sigaw ni Mia.

" Matutupad Hirang. Sa susunod na ibibigay mona ang iyong natitirang mga kahilingan ay sambitin mo lamang ang " Adaro magpakita ka!". Paalam hanggang sa muli Hirang."  sagot ng bathalumang Adaro at agad itong naglaho.

Sa sandaling iyon ay naramdaman ni Balkan na wala na ang mga kapangyarihan niyang nakuha. Agad siyang tumakas dahil alam niyang makapangyarihan na si Mia at hindi na niya kayang harapin pa ito.

Samantala, hinang hina na ang katawan ni Mia nang makita niya ang walang buhay na katawan ni Julie na nakalupasay sa semento.

" Julie!!!!" hangos ni Mia at niyakap ng mahigpit ang katawan nito.

" Adaro magpakita ka! "sigaw ulit ni Mia habang umiiyak sa pagkamatay ni Julie.

Agad nagpakita muli ang Bathalumang Adaro.

" Ano ang iyong sunod na kahilingan Hirang?" tanong ng bathalumang Adaro.

" Adaro ipagkaloob mong buhayin muli si Julie!" nanghihinang sigaw ni Mia.

" Masusunod Hirang. Hanggang sa muli." sagot ng bathalumang Adaro at ito ay agad muling naglaho.

Sa pagkakayakap ni Mia ay biglang nabuhay si Julie at napangiti sakanya.

" Mia? bakit mo sinayang ang kahilingan mo para buhayin ako? Nararapat lamang sakin na mamatay dahil sa mga kasalanang nagawa ko sayo." umiiyak na sabi ni Julie.

" Ano kaba? wala ng mas importante pa sayo Julie. Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka." paliwanag ni Mia.

Nagyakapan ang dalawang magkaibigan at tuluyang nagkapatawaran sa isat isa.

Samantala habang tumatakas si Balkan ay nakasalubong niya ang pitong tagapagtanggol ng Adaro na nagbalik na ang kanilang mga markang ibon sa katawan kasabay ng pagbabalik ng kanilang kapangyarihan.

" Hindi kana makakatakas Balkan." matapang na sigaw ni Haring Arden.

" Paano kayo napunta rito? mga tauhan lamang kayo sa libro." takang tanong ni Balkan.

" Dahil kami ang tagapagtanggol ng Adaro at maghanda kana sa pagsuko mo!" sigaw ni Nyebes.

Agad nagtulungan ang mga tagapagtanggol ng Adaro upang pasukuin si Balkan.

HirangWhere stories live. Discover now