Ang Payaso

15 4 2
                                    

Habang naglalakbay ay masama parin ang loob ni Mia sa kanyang sarili. Pilit parin niyang sinisisi ang kanyang sarili dahil sa pagkaagaw ng kwintas sakanya. Dahil dito ay lumayo muna si Mia sa mga kasama upang ilabas ang sama ng loob na kanyang nararamdaman.

" Sandali lamang, gusto ko muna mapag isa pero huwag kayong mag alala hindi ako lalayo." paiyak na sabi ni Mia at agad lumayo sa mga kasama.

Sila ay tumigil muna sa paglalakbay at si Mia naman ay piniling lumayo upang mapag isa. At sa kanyang pag iisa ay bigla na lamang sumulpot sa isang usok si Mata.

" Mia, ano bang nangyayari sayo? maging tutok ka sana sa misyon mo. Bawiin mo ang kwintas ng pagsamo ng Meno. Naroon ang mga Hesron sa Burol malapit sa paanan ng bundok." mungkahi ni Mata kay Mia.

" Mata? Pano ka nagpakita eh wala naman si Ikoy dito? Paano ko naman mababawi ang kwintas?" mariing tanong ni Mia kay Mata.

" Ikaw lamang ang makakabawi ng kwintas. Hayaan mo nalang muna ang mga tagapagtanggol na humanap ng kwintas ng pagsamo ng Sadi. Ang anak kong si Balkan ang kausapin mo." paliwanag ni Mata.

" Si Balkan? eh na kay Julie diba ang kwintas? ano namang sasabihin ko sakanya eh hindi naman kami close." pangangatwiran ni Mia.

" Ibigay mo sakanya ang iyong puri. Kilala ko ang aking anak hindi ka tatanggihan nun. Ang kwintas kapalit ng iyong puri." paliwanag ni Mata.

" Anong sabi mo? hindi ba ikaw ang nagpapaingat sakin ng puri ko ang sabi mo pa eh layuan ko si Tome." takang sabi ni Mia.

" Binibiro lamang kita. Ang totoo niyan ay ayaw ko talaga kay Tome para sayo kaya kita pinaiiwas sakanya. Kung ikaw talaga ang hirang ay ipagpapalit mo ang puri mo para sa kwintas ng pagsamo ng Meno." paliwanag ni Mata.

" Ano kamo? ang puri ko kapalit ang kwintas? " nagtatakang tanong ni Mia.

" Ikaw ay akin lamang binibigyang pag asa. Nasa sa iyo na ito kung susundin mo ang mga sinabi ko. Ang Hirang ay nararapat lamang magsakripisyo." paliwanag ni Mata at ito ay tuluyan ng naglaho.

" Mata sandali lamang. Mata? Nasan kana Mata?" sigaw ni Mia habang hinahanap si Mata.

Inisip ni Mia ang mga sinabi sakanya ni Mata. Hindi parin niya lubos matanggap na kailangan niyang ibigay ang puri niya upang mabawi ang kwintas. Subalit nakapagdesisyon na siya. Gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya upang matagumpagy na masamo ang Bathalumang Adaro na kahit ang kanyang puri ay kaya niyang isakripisyo.

" Ngunit pano na si Tome? pano pagnalaman niya ito? hindi na siya ang makakuha ng pagkabirhen ko. Patawad Tome pero kailangan ko tong gawin." agam agam ni Mia sakanyang sarili habang mabilis na tumakas sa mga kasama upang magtungo na sa burol sa paanan ng bundok na kinaroroonan ni Balkan.

Hindi naman napansin ng mga tagapagtanggol ang pagkawala ni Mia dahil nabalutan ng usok ang kanilang pinagpapahingaan.

" Nasan na tayo? bakit napakaraming pagkain? ito naba ang pusod ng kagubatan?" masayang sabi ni Nyebes sa mga kasama ng makita ang napakaraming prutas sa kanilang harapan.

" Saan nanggaling ang mga librong ito? nako ito ang mga gustong gusto ko basahin." sambit ni Musmus at agad binasa isa isa ang mga libro.

" Hira Mia, umiyak ka lamang sa akin balikat. Ilabas mo lang lahat ng hinanakit mo." sambit ni Haring Arden habang pinapatahan si Mia sa kanyang balikat.

Hindi magka ugaga sila Nyebes, Gamor at Tome sa pagkain. Habang si Musmus naman ay abala sa pagbabasa ng libro at si Haring Arden naman ay nasasarapan sa pagkakasandal ni Mia sakanya.

HirangWhere stories live. Discover now