Ang Matalik na Magkaibigan

23 4 0
                                    

"Julie?" sambit ni Mia matapos sumulpot sa Palasyo ng Hesron sa silid kung saan nakita niyang nakahiga si Julie sa kama.

" Julie ikaw nga!" masayang sabi ni Mia habang papalapit kay Julie.

Marahang ginising ni Mia si Julie. At sa pagkagising nito ay hindi naging maganda ang pagkatingin niya sa matalik na kaibigan na si Mia.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit kapa bumalik dito?" galit na wika ni Julie matapos gisingin ni Mia.

" Julie, sobra kitang namiss! Tama nga ang hinala ko ikaw nga ang Hirang Hesron." nakangiting sabi ni Mia sabay yakap ng mahigpit kay Julie.

" Oo Mia! ayoko maging Hirang pero tinanggap ko dahil iniwan mo ko Mia. Iniwan mo ko dito sa loob ng libro." galit na sabi ni Julie.

" Hindi kita iniwan Julie, hindi ko alam na totoo pala ito dahil ang akala ko ay panaginip lamang ito. Pero bumalik ako Julie para sayo." paliwanag ni Mia.

" Bakit mo hinubad ang Uniform mo Mia? nakabalik ka lang sa daigdig natin kinalimutan mona ako. Nagtungo ako kay Mata upang makabalik sa daigdig natin subalit hindi mona suot ang uniform mo kaya nabigo ako. Maraming beses kitang tinawag. Maraming beses akong humingi ng tulong sayo kasi umasa ako na binabasa mo ang libro. Pero wala kang ginawa Mia, hinayaan mo lang ako sa loob ng libro na ito. Anong klaseng kaibigan ka? " umiiyak na sabi ni Julie sa kaibigan.

Natulala at naiyak na lamang si Mia sa binunyag ni Julie. Hindi niya alam ang sasabihin dahil kasalanan naman talaga niya na hindi niya binasa ang libro at umuwi pa kaya nahubad niya ang kanyang uniform nang siya ay maligo.

" Julie, hindi ko sinasadya ang mga nangyari. Pakiusap Julie patawarin mo ko." pagmamakaawa ni Mia kay Julie.

"Umalis kana, kung hindi ay sisigaw ako at pagnakita ka nila dito ay papatayin ka nila dahil ikaw ang Hirang Adaro." pananakot ni Julie.

"Hindi ako aalis ng hindi ka kasama Julie. Magkasama tayong aalis sa librong ito. Tutulungan tayo nila Tome. Babalik na tayo sa daigdig natin." paliwanag ni Mia.

" Babalik? Tutulungan tayo ni Tome? Hindi ba dahil sakanya kaya ka lang bumalik? Alam ko Mia, alam kong mahal mo rin si Tome." panunumbat ni Julie.

Hindi na nakasagot pa si Mia at umiyak na lamang ito ng umiyak at pilit na yumayakap kay Julie.

" Narito ang Hirang Adaro, tulungan niyo ko! " malakas na sigaw ni Julie habang tinutulak palayo ang pagyakap ni Mia.

" Julie wag kang maingay. Magpapaliwanag ako." pabulong na sabi ni Mia nang biglang bumukas ang pinto ng silid kung saan pumasok ang isang matipunong lalaki na may umiilaw na markang dragon na kulay pula sakanyang noo na isa sa mga tagapagtanggol ng Hesron.

" Balkan tulungan mo ko." sigaw ni Julie.

Si Balkan ay ang kinakapatid ni Ikoy na isa ring salamangkero. Naging Heneral siya sa palasyo ng Hesron matapos niyang umalis sa gitnang bahagi ng Misala sa lugar kung saan siya kinupkop at tinuruan ni Mata. Si Balkan ang isa sa mga tagapagtanggol ng Hesron na may markang dragon sa kanyang noo. Nakakaya niyang kontrolin ang apoy at may mataas siyang antas na kaalaman sa paggamit ng salamangkang itim.

Hindi na nagawa pang pindutin ni Mia ang palawit ng kanyang kwintas dahil ginamitan agad siya ni Balkan ng salamangka. Biglang nagliyab ang kanyang kwintas at tuluyan itong nasunog.

Nang mahuli si Mia ay paulit ulit parin siyang humihingi ng tawad kay Julie subalit si Julie ay hindi na tumingin pa sakanya bagkus ay yumakap at umiyak na lamang ito kay Balkan.

*** Sa Adaro

Malalim na ang gabi nang biglang makaramdam si Tome ng kaba sa kanyang dibdib. Naramdam niyang nasa panganib ang Hirang kaya mabilis itong pumunta sa silid nito. Subalit ng pumunta siya doon ay wala doon ang hirang.

Bago pa siya makalabas ng silid ay dumating din sila Haring Arden at Neri na nag alala rin sa Hirang dahil sa kaba rin na kanilang naramdaman. Magkakasama ang tatlo na tumungo sa silid ni Ikoy.

" Ikoy, anong ginagawa mo? bakit ka nag oorasyon?" tanong ni Haring Arden kay Ikoy habang nag oorasyon ito at halatang hindi mapakali.

" Nasa panganib si Hira Mia." sagot ni Ikoy habang kabadong nakatingin sa tatlo.

" Naramdaman din nga namin lalo na dahil wala ang Hirang Adaro sa kanyang silid nang pinuntahan namin ito." sagot ni Tome.

" Kasalanan ko lahat ng ito, patawarin niyo ako. Hindi ko naman alam na ganto ang kahihinatnan nito." paliwanag ni Ikoy.

" Anong sabi mo? Anong nangyari? Nasan na si Hira Mia?" pag aalalang tanong ni Haring Arden.

" Nakiusap ang Hira Mia na dalhin ko siya sa Hesron upang kausapin ang kanyang kaibigan na si Julie. Binigyan ko siya ng proteksyong kwintas subalit hindi na ito maramdaman ng salamangka ko. Marahil ay hindi na niya suot ang kwintas." paglilinaw ni Ikoy sa tatlo.

" Ano? nasa Hesron si Hira Mia? Dalhin mo kami ngayon doon." utos ng haring Arden kay Ikoy na alalang alala kay Mia.

" Kamahalan, kami nalang ni Tome ang susunod kay Hira Mia. Lubhang mapanganib doon hindi ka maaari magtungo doon lalo na at walang mamumuno sa Adaro." mungkahi ni Neri kay haring Arden.

" Kung gayon ay umalis na kayo ni Tome ngayon din." utos ng hari sa dalawa.

Agad naman gumawa ng lagusan si Ikoy papunta sa palasyo ng Hesron at mabilis na pumasok sila Neri at Tome sa lagusan na ito upang iligtas si Mia.

***
Sa Hesron

" Bakit ang init dito? Ito naba ang Hesron?" tanong ni Tome kay Neri.

" Marahil ay eto na nga yun. Nasa gitna tayo ng Disyerto kaya mainit dito. Kaya bilisan na nating hanapin si Hira Mia. Maghiwalay na tayo para madali nating siyang mailigtas." sagot naman ni Neri.

" Sige lumipad kana para sa taas ka maghanap. Dito naman ako sa baba." sabi ni Tome at tuluyan na itong humiwalay kay Neri.

Habang lumilipad si Neri ay agad niyang nakita ang kulungan kung saan naroon si Mia. Lumapit siya sa kulungan upang iligtas na si Mia subalit nabalot ng apoy ang kulungang ito.

" Sinasabi ko na nga ba at susunod kayong mga tagapangtanggol para sa inyong Hirang Adaro." nakangiting sabi ni Balkan habang nanlilisik ang mga mata kay Neri.

Ginamitan ni Balkan ng salamangkang itim si Neri. Sa umpisa ay mabilis na nakakailag si Neri ngunit nang gumamit na si Balkan ng bolang apoy ay natatamaan na si Neri nito at unti unti itong nanghina at tuluyan na ring bumagsak sa kanyang pagkakalipad. Nakontrol ni Balkan ang apoy na bumabalot sa kulungan upang mawala ito at doon ay pinasok din niya si Neri sa loob kasama ni Mia.

Habang si Tome naman ay patuloy parin sa paghahanap at walang kaalam alam na magkasama na sila Neri at Mia subalit parehas silang walang malay sa loob ng kulungan.

HirangWhere stories live. Discover now