Ang Pagsamo sa Bathalumang Adaro

17 4 1
                                    

Matapos matipon ni Mia ang pitong tagapagtanggol ay naghanda na ang buong palasyo ng Adaro sa pagsamo nila sa kanilang bathaluman. Tuwing kabilugan ng buwan isinasagawa ang ritwal kung saan ang hirang na nasa gitna ng mga tagapagtanggol ay bibigkasin ang orasyon habang suot ang kwintas na may palawit ng natitirang bagay ng bathaluman para sila ay ipagkaisa. Pagkatapos nito ay kailangan pailawin ng mga tagapagtanggol ang marka sa kanilang katawan habang nakapalibot sa rebulto ng nasabing bathaluman.
At ang kasabay nito ay ang pinaka importante sa lahat, ang kasulatang binasbasan ng bathaluman upang siya ay tawagin. Kapag ito ay itinapat sa sinag ng kabilugan ng buwan ay magpapamalas ito matinding liwanag upang maging hudyat ng bathaluman na siya ay tinatawag ng hirang.

Si Mia ang simpleng estudyante na hinigop ng aklat papunta sa daigdig ng Misala at naging Hirang Adaro. Siya ang nagtipon sa pitong tagapagtanggol.

" Oh Hira Mia ito na ang orasyon na kailangan mong sauluhin dahil ito ang mga bibigkasin mo sa ritwal mamayang gabi." paliwanag ni Haring Arden kay Mia.

" Napakahaba naman nito? at hindi ko pa maintindihan? paano ko to sasaulihin? eh sa school nga namin pangalan lang ng crush ko memorize ko ehh." pagrereklamo ni Mia.

" Mabilis lang iyan kung isasapuso mo ito. At mamaya pala ibibigay ko sayo ang kasulatang binasbasan ng bathaluman. Ito ang pinaka importante sa lahat dahil dapat mabigkas mo ng maayos ang orasyon habang kasabay ng pag ilaw ng marka sa aming katawan ay pagtapat mo ng kasulatan sa liwanag ng kabilugan ng buwan. Kapag natapatan kasi ito ng liwanag ay matinding liwanag ang babalot sa kaitasaan na magsisilbing hudyat sa pagbaba ng bathaluman. Pakaingatan mo sana ito dahil kapag nagliwanag na ito ay unti unti na itong maglalaho kaya hindi na kailanman natin maaaring ulitin pa ang ritwal." pagbabanta ng Hari kay Mia.

" Wow ang bongga naman nun. Kinabahan tuloy ako bigla pero keri yan para naman sa aking tatlong kahilingan." sagot ni Mia.

Bumalik na si Mia sakanyang silid dala ang kopya ng orasyon at paulit ulit niya itong inensayong bigkasin.

Habang ang pitong tagapagtanggol naman ay nagsipaghanda na rin na pailawin ang mga markang ibon sakanilang katawan para sa pagsamo sa Bathalumang si Adaro.

Si Tome ang mandirigmang may markang ibon sakanyang noo. Ang kanyang kapangyarihan ay ang pagiging malakas.

Si Arden ang hari ng Adaro na may markang ibon sa leeg. Ang kanyang kapangyarihan ay ang pagkontrol sa hangin.

Si Neri ang mayordomang may markang ibon sa paa. Ang kanyang kapangyarihan ay ang paglipad at bilis sa paggalaw.

Si Ikoy ang salamangkerong may markang ibon sa braso. Ang kanyang kapangyarihan ay ang paglalaho at teleportasyon.

Si Gamor ang manggagamot na may markang ibon sa palad. Ang kanyang kapangyariham ay ang pagpapagaling at pagtanggal at bigay ng hininga.

Si Nyebes ang tulisan na may markang ibon sa dibdib. Ang kanyang kapangyarihan ay ang paggawa ng yelo.

At si Ramil ang musikerong may markang ibon sa hita. Ang kanyang kapangyarihan ay ang pagtugtog ng plawta.

***
Sa Palasyo ng Hesron

" Nabigo na tayo Balkan. Kung kailan natipon ko na ang mga tagapagtanggol ay hindi na bumalik pa si Tome. Hindi ko na matatawag pa ang Bathalumang Hesron." malungkot na sabi ni Julie kay Balkan.

" Hindi ko rin alam kung pano nila nalunasan ang sumpa ko kay Tome. Pero huwag kang mag alala Hira Julie. May surpresa ako sayo." nakangiting sagot ni Balkan.

Nakompleto na ni Julie ang mga tagapagtanggol subalit hindi na nila masagawa ang ritwal dahil hindi na bumalik pa si Tome sakanila.

***
Sa Palasyo ng Adaro

Kabilugan na ng buwan at handa na ang lahat sa palasyo ng Adaro upang isagawa ang ritwal. Nakapalibot na ang pitong tagapagtanggol sa rebulto ng Bathalumang Adaro at nasa gitna ang Hirang Adaro.

" Simulan na ang ritwal!" sigaw ng isang kawal na nakabantay sa bulwagan kung saan gaganapin ang ritwal.

" Osha hala bini muto hala tobili namio saka pawa lado......... " marahang bigkas ni Mia sa orasyon.

Hinawakan na ni Mia ang kasulatan at marahang itinapat sa liwanag ng kabilugan ng buwan kasabay nang pagpapailaw ng mga tagapagtanggol sa kanilang markang ibon.

Sa pagkakataong iyon ay natapatan na ng liwanag ng kabilugan ng buwan ang kasulatan kasabay ng pagpapaliwanag ng mga tagapagtanggol ang markang ibon sa kanilang katawan. Subalit si Ramil ay hindi nagawang pailawin ang markang ibon sa kanyang hita bagkus ay pinatugtog niya ang kanyang plawta na ang lahat ng nasa bulwagan ay narindi at unti unting nanghihina.
Agad naman hinablot ni Mia ang kasulatan ngunit unti unti na itong naglaho at napalibutan na nga ng matinding liwanag ang kaitaasan.
Ang mga tagapagtanggol naman ay natigil na ang pagpapailaw ng marka sakanilang katawan at hindi magamit ang kanilang kapangyarihan.

" Arggh!! Ramil ano bang ginagawa mo? pakiusap itigil mona!" pakikiusap ni Haring Arden habang nanghihina na rin ito.

Habang nagaganap ito ay may misteryosong tunog na pilit kumokontra sa tunog ng plawta ni Ramil.

" Hindi maaari to. Saan nanggaling ang tunog na iyon?" sambit ni Ramil matapos niyang itigil ang pagtugtog
dahil hindi na niya kaya pang labanan ang tunog na ito dahil tuluyan na nitong nakontra ang kanyang musika.

Matapos ito ay biglang umilaw ang marka sa hita ni Ramil ngunit ito ay kulay pula at biglang nagbago ang dating ibon na ngayong ay naging isang dragon. Si Ramil ay isang huwad na tagapagtanggol ng Adaro siya ay isang Hesron. Isang nakakabulag na silaw ang bumalot sa bulwagan na galing sa liwanag ng kabilugan ng buwan. Dahil dito ay mabilis na nakatakas si Ramil palabas ng palasyo. Malayo na siya ng muling makakita ang lahat at nawala na ang nakakabulag na liwanag.

Mabilis na hinabol ni Tome at Neri si Ramil na patuloy parin sa pagtakbo. Malayo na ang narating ni Ramil at halos napagod na ito hanggang makarating siya sa dulong himpapawid ng Adaro kung saan mayroong matarik na bangin. Sa lugar ito naubutan nila Neri at Tome si Ramil subalit nagpakalaglag ito sa bangin na walang sino man ang mabubuhay sa tarik nito dahil narin sa takot niyang magpahuli sa dalawa.

Bumalik sa palasyo ng Adaro na bigo sila Neri at Tome na mahuli pa si Ramil. Sa kanilang pagbalik ay nakita nilang malungkot ang mga tagapagtanggol at umiiyak naman si Mia. Ipanamalita nila sa mga kasama na patay na si Ramil.

Samantala isang batang lalaki na may dalang aso ang pumasok sa bulwagan.

" Patawarin niyo po ako dahil nahuli po ako." pakikiusap nito sa mga tao sa bulwagan habang ipinakita ang umiilaw na markang ibon sa kanyang tiyan.

Sa pagkakataon na iyon ay umilaw rin ang palawit na balahibo sa kwintas ni Mia. Nagulat ang lahat sa kanilang nasaksihan dahil nagpakita na nga sakanila ang huling tagapagtanggol ng Adaro.

" Maaaring hindi kapa huli bata. Magmadali kayong bumalik sa mga pwesto niyo." sigaw ng hari sa mga tagapagtanggol.

Habang si Mia naman ay natigilan sa pag iyak at agad tumayo sa gitna.

Inulit ni Mia ang orasyon at sabay sabay namang pinailaw ng mga tagapagtanggol ang marka sakanilang katawan. Ilang minuto rin silang umasa na bababa at matatawag nila ang bathalumang Adaro ngunit sumikat na ang araw at natapos na ang kabilugan ng Buwan.

HirangWhere stories live. Discover now