Ang Karagatan ng Meno

15 3 0
                                    

" Anong nangyari sayo Tome!" pag aalala ni Mia habang sumasalubong kay Tome na akay akay ni Nyebes.

" Sinugod ang pamilya ni Tome ng isa sa mga tagapagtanggol ng Hesron. Kamukang kamuka ito ni Ramil at pinaghihiganti niya raw ang kanyang kakambal. Kanina pa nauna si Neri marahil ay nasa silid siya ni Gamor." paliwanag ni Nyebes.

Agad naman nila tinungo ang silid ni Gamor kung saan doon nila nakita ang walang buhay na ama ni Tome.

" Wala na akong nagawa. Wala na siyang hininga ng dalhin siya dito ni Neri. Tanging mga kapatid lamang niya ang aking nasalba ang buhay." malungkot na sabi ni Gamor.

" Itay! Wag kayong mag alala. Hinding hindi ko pababayaan ang mga kapatid ko." hangos ni Tome habang yakap yakap ang walang buhay niyang ama.

Sa loob muna ng palasyo nagpagaling ang mga kapatid Tome. Habang ang mga tagapagtanggol ay handa na sa kanilang paglalakbay sa karagatan ng Meno.

" Ito ang ruta na ating tatakahin upang mapabilis tayong makarating sa sinasabing kinalalagyan ng kwintas ng pagsamo. Subalit kinakailangan natin tawirin ang kuta ng mga pirata at tahanan ng mga sirena." paliwanag ng batang si Musmus.

" Ang alam ko eh walang sinu man ang nakabalik matapos marating ka jan. Kahit maraming kayamanan diyan ay walang sinumang tulisan ang nais magpunta diyan dahil lubha itong mapanganib." paliwanag naman ni Nyebes.

" Mapanganib man ay kailangan natin itong gawin upang matawag ang bathalumang Adaro. Tayo ang mga tagapagtanggol ng Adaro handa dapat tayo ibuwis ang ating buhay para sa ating himpapawid." matapang na sabi ni Haring Arden sa mga kasama.

" Tome, huwag ka nang malungkot. Ligtas na ang mga kapatid mo dito sa palasyo. Wala nang magtatangka pa sa kanilang buhay. Ang dapat natin pagtuunan ng pansin ay paghahanap sa kwintas ng pagsamo." pag papaginhawa ng loob ni Nybes sa kaibigan nang biglang dumating si Neri sa bago nitong itsura.

" Oh! Neri anong nangyari sa buhok mo?" tanong ng natatawa na si Tome.

" Bagong buhok lang para hindi maging sagabal sa ating misyon. Mabuti at napatawa na kita Tome pagpapagupit ko lang pala magpapangiti sayo." pabirong sagot ni Neri habang haplos ang maiksi niyang buhok na bagong gupit.

Matapos ang kanilang pagpupulong para sa gagawing paglalakbay ay agad sumakay ng barko ang hirang at mga tagapagtanggol para maglayag na sa karagatan ng Meno. Habang ang alagang pusa ni Gamor at aso ni Musmus ay ginawang huwad na Hari ni Ikoy upang ito muna ang humalili sa pamumuno ng palasyo at pinalabas na may sakit ang hari dahil maari silang lusubin ng Hesron kapag walang haring namumuno sa Adaro.

Sa katanghalian ng sikat ng araw, sa ilang oras ang nagdaan ay narating din nila ang unahan ng kuta ng mga pirata.

" May barko ako natatanaw!" sigaw ni Nyebes sa mga kasama.

Habang papalapit sa barko ay kataka takang bigla na lamang nagdilim ang kalangitan at narinig nila ang mga kulog sabay sa paglitaw ng sunod sunod na kidlat. Nakita nila ang dalawang lalaki na sakay ng barko kung saan gawa lamang ito sa papel at ang isa rito ay ang kakambal ni Ramil na si Rakil.

" Matitikman niyong lahat ang pait ng paghihiganti ko!" sigaw ng galit na galit na si Rakil.

" Maging mahinahon ka lang Rakil. Huwag kang mag alala dahil paniguradong mapapatay natin silang lahat." sabi ni Volter ang lalaking kasama ni Rakil na nababalot ng kuryente ang buong katawan.

Si Volter ay isa ring tagapagtanggol ng Hesron. Siya ay markang dragon sa kanyang likod. Bata pa lamang si Volter ay lubha na siyang kinatatakutan dahil sa kanyang kakayahan na kontrolin ang kuryente at kidlat. Maaga itong naulila dahil napatay niya ang kanyang sariling mga magulang dahil hindi niya pa kayang kontrolin ang kanyang kapangyarihan. Natagpuan ni Julie si Volter sa minahan ng langis kung saan pilit siyang pinagtatrabaho dito upang maging suplay ng kuryente sa makinang ginagamit nila sa pagmimina ng langis.

***
Nagawa ni Ramil na itago ang araw upang magamit ng potensyal ni Volter ang kanyang kapangyarihan gamit ang kidlat. Gumawa si Ramil ng isang malaking bolang papel at binalutan ito ni Volter ng kuryente kasabay ng paghagis nito sa barko ng mga Adaro. Nagawa itong sanggahin ng malakas na kamao ni Tome ngunit sa lakas ng kuryenteng bumabalot dito ay nagtalsikan ang mga tagapagtanggol palabas ng barko sa karagatan. Agad gumawa ng yelo si Nyebes upang maging hawakan ng mga lumalangoy na kasama subalit biglang nagbagsakan ang mga kidlat sa tubig. Kaya mabilis na pinalutang ni Haring Arden ang lahat gamit ang kanyang maliliit na ipo ipo upang makaiwas sa tubig na may kuryente dahil sa kidlat.

Patuloy parin ang pagkidlat galing sa kalangitan na nagmumula kay Volter. Pilit nitong pinupuntirya si Mia at nang matatamaan na ito ay agad itong sinagip ni Tome na natamaan ng kidlat. Mabilis naman nailigtas at nabuhat ni Neri ang dalawa. Biglang nag ilaw ang sapatos na bigay ni Mata kay Neri at siya ay nakalipad ng sobrang taas dala sina Mia at Tome habang iniiwasan parin ang mga kidlat. Tuluyang silang nakatakas papunta sa kweba kung saan magiging ligtas.

Sa pagkakataon na makabalik ang mga tagapagtanggol sa barko gamit ang salamangka ni Ikoy ay umilaw naman ang salamin sa mata na suot ni Musmus na bigay ni Mata at nakita niya ng malinaw ang enerhiya at istraktura ng kapangyarihan ni Rakil at ito ay nagawang niyang kopyahin upang gumawa rin ng malaking bolang papel at hinagis naman ito gamit ang malaking ipo ipo ni Haring Arden patungo sa barkong papel nila Rakil.

Hindi na nagawa pang makailag nila Rakil at tuluyang natamaan ang kanilang barkong papel na tuluyang itong nasira at lumubog. Subalit si Rakil ay agad nakagawa ng eraplanong papel at agad tumakas ang dalawa.

Matapos ang lahat ay ibinalik na rin ni Musmus ang araw gamit ang pagkopya sa kapangyarihan ni Rakil. Naging maganda na ang panahon at nawala na ang mga kulog at kidlat.

Samantala, sa loob ng maliit na kweba ay basang basa sina Mia, Tome at Neri.

" Hira Mia, napansin kong iniiwasan mo ko simula noong nakausap ka ni Mata. Ano bang ibinilin niya sayo? alam ko naman na ayaw sakin ng matandang hukluban na yon. Panigurado pinaiiwas niya ako sayo." mariing tanong ni Tome kay Mia.

" Wala naman Tome ang sabi niya lamang niya ay pagtuunan ko ng pansin ang paghahanap sa mga kwintas at isantabi ko muna ang pag ibig ko sayo." paliwanag ni Mia.

Ngunit sa totoo lamang ay pinaiwas talaga ni Mata si Mia kay Tome dahil magiging hadlang daw ito sa pagsamo niya sa bathalumang Adaro. Tanging mga Birhen lamang kasi ang hirang na makakatawag sa bathalumang. At magiging suliranin nila ang pagmamahalan nila kung sakaling madala sila sa tukso at makalimutan ang kanilang misyon.

" Ganun ba? Sige magpatuyo na muna tayo ng damit. Hubarin na ninyo yang suot niyo pagbabagahin ko ang aking katawan upang mapainitan ang mga ito." mungkahi ni Tome habang hindi iniinda ang pagkatama ng kidlat sakanya sa pagligtas niya kay Mia.

" Ano? ayoko nga makikita mo ang dibdib ko." tangging sabi ni Neri.

Eh wala ka namang dibdib diba? saka parehas naman tayong lalaki lalo ngayon maiksi na ang buhok mo. Si Mia na lamang ang tatalikod satin." sabi ni Tome.

" Grrrr! kahit na pusong babae parin ako!" inis na sabi ni Neri.

" Huwag na kayong mag away. Okay lang naman kahit hindi na kayo tumalikod. Hindi ko naman huhubarin ang underwear ko eh saka maganda at maayos ang nadala kong panty at bra nung nakabalik ako sa aking daigdig kaya hindi ako mahihiya." paliwanag ni Mia.

Nagsipag hubad na ang tatlo at agad nilang isinampay ang kanilang mga damit habang pinailaw naman ni Tome ang kanyang markang ibon sa batok at tuluyan na ngang nagbaga ang kanyang katawan upang magsilbing init nila. Hindi parin lubos maisip ni Tome ang totoong dahilan sa pag iwas sa kanya ni Mia.

HirangWhere stories live. Discover now