Ang mga Tulisan

21 3 0
                                    

" Haring Arden, hindi mona kailangan pang sumama samin kaya na naming tatlo na maghanap pa sa mga tagapagtanggol." mungkahi ni Neri kay Haring Arden.

" Sandali may naisip akong paraan. Kung nais talagang sumama ng hari ay maaring ako muna ang pumalit sakanya upang maging hari ng Adaro." sambit ni Ikoy kasabay ng pagpapalit anyo niya na kawangis ni Haring Arden.

" Napakahusay mo Ikoy! kamukhang kamukha ko ang huwad na panggagaya mo sa akin. Sige na, bumalik kana sa palasyo at huwag kang magpapahalata na isa kang huwad." utos ni Haring Arden kay Ikoy habang nagpapalit ng kanyang kasuotan bilang isang normal na lamang na mamamayan.

At nagpatuloy na nga sina Mia, Neri at Haring Arden sa paghahanap sa mga tagapagtanggol. Nakarating na sila sa dulong himpapawid ng Adaro ay hindi parin umiilaw ang bagwis na palawit ng kwintas na binigay ni Mata.

" Narito na tayo sa dulo, subalit hindi parin ito nailaw. Ni isang sa tatlong tagapagtanggol na hinahanap natin ay wala ba dito sa himpapawid ng Adaro? Kung pwede lang sana ako humiwalay sainyo eh para lumipad na ako at mabilis natin silang mahanap eh" reklamo ni Neri habang nakasakay sa kabayo.

" Neri magkasama nating mahahanap sila. Huwag kang mawalan ng pag asa hindi pa naman natin nalilibot ang buong Adaro eh!" paliwanag ni Mia.

Ilang minuto palang ang nalipas sa pag uusap nila ay biglang lumiwag na ang kwintas.

" Heto at nailaw na ang palawit. Narito lamang sa malapit ang isa sa tagapagtanggol ng Adaro." masayang bulyaw ni Mia at agad bumaba ng kabayo upang magmasid sa paligid.

Napadpad ang tatlo sa lupain sa malapit na sa dulong bahagi ng Adaro kung saan naroon ang kuta ng mga Tulisan.

" Maaari po bang magtanong? may napansin po ba kayong may markang ibon sa kanyang katawan na nakatira malapit dito? tanong ni Mia sa mga tulisan na nakatambay.

" Markang ibon ba? Sa pagkakaalam ko ay si Nyebes lamang ang may ganun marka at pinagmamayabang pa nga niya ito dahil sabi niya ay nagiging yelo ang kahit anong hawakan niya kapag nagliliwanag ito." paliwanag ng isa sa mga tambay.

" Talaga? Saan ko ba siya maaaring makita. May kailangan lamang ako sakanya." tanong ni Mia sa tambay.

" Mahigit isang taon ko na rin siyang hindi nakikita dito eh pero siya ang dating pinuno ng mga tulisan dito. Alyas Lamig ang tawag sakanya dito. Nanlalamig kasi sa takot ang lahat sakanya dahil na rin mayroon daw siyang kapangyarihan. Pumunta na lamang kayo sa kuta namin doon lang makalagpas ng kanto. Baka alam ng aming bagong pinuno na si Alyas Siga kung nasan na siya." paliwanag ulit ng tambay kay Mia.

Agad tumungo ang tatlo sa kuta ng mga tulisan. Subalit tanging mga babae lamang ang pinapapasok nila dito upang aliwin ang mga tulisan.

" Oh pano ba yan Haring Arden, antayin mo nalang kami ni Mia dito." mungkahi ni Neri sa Hari.

" Arden nalamang Neri, baka may makarinig pa sayo. Pero hindi ako papayag baka kung anong mangyari sainyo. Sasama ako!" pag aalalang sabi ng Hari.

Nagbihis babae ang hari at mabuti na lamang ay may dalang damit si Mia. Mahaba ang mga buhok ng hari at makinis din ito dahil hindi madalas nakalalabas ng palasyo kaya hindi napansin ng mga tulisan na siya ay isang lalaki.

" Oh mga magagandang binibini, saan ang tungo niyo?" tanong ng nagbabantay sa kuta ng mga tulisan.

" Gusto lang sana namin paligayahin si Pinunong Siga. Maaari niyo ba kaming papasukin" malanding sabi ng hari sa nagbabantay habang inaakit ng tingin ito.

" Basta ba pagkatapos ng pinuno namin ay kami rin ay paliligayahin niyo ehh!" naglalaway na sabi ng bantay sabay pisil sa pwet ng hari.

" Syempre naman. Ang ganda mo pa namang lalaki hindi ko papalagpasin na mapaligaya kita." napilitang sagot ng hari habang iniipit ang kanyang boses upang magboses babae.

" Ganun ba? Sige pumasok na kayo! sino ba sa inyo ang magpapaligaya sa aming pinuno para maihatid ko na siya sa silid nito." tanong ng nagbabantay.

Nagkatinginan ang tatlo. Nagpresenta na ang hari subalit naisip ni Mia na malaking problema iyun kapag natuklasan na hindi totoo itong babae kaya siya nalang nagpresenta sakanila dahil siya lang ang totoong babae sakanilang tatlo.

" Ako nalang, huwag kayong mag alala. Keri ko to." nakangiting sabi ni Mia sa dalawang kasama.

Agad namang hinatid si Mia ng bantay sa kanilang pinuno na si Siga. Habang ang dalawa ay naiwan sa labas ng silid ng pinuno at pinaupo sa nag iinum na mga tulisan.

" Ngayon lang ako nakakita ng napakagandang binibini na kagaya mo." pangmamanyak na sabi ng lasing na tulisan habang halik ng halik sa pisngi ng hari habang nakaupo sakanyang mga hita.

Samantala sa loob ng silid ng Pinunong Siga ay pinahiga na si Mia. Sobrang diring diri si Mia sa pagmumuka ni Siga dahil maitim ito at punong puno ng tigyawat sa kanyang mukha.

" Ang bango bango mo naman. Ngayon lang may pumunta sakin na binibini matapos kong maagaw ang pagkapinuno ni Lamig." pahayag ni Siga kay Mia.

" Gusto ko lamang itanong kung alam mo kung nasan na si Lamig. Wala kasing may alam kung nasan siya eh!" sagot ni Mia sabay tayo at iwas kay Siga.

" Yun lang ba ang gusto mong kapalit nito? Hahaha pinatay ko siya kaya ako ang pumalit sa pagiging pinuno niya." manyakis na sagot ni Siga sabay halik sa leeg ni Mia.

" Anong sabi mo? " gulat na sabi ni Mia habang nakatingin sa kwintas niyang patuloy na umiilaw.

Sa pagkakataon na yon ay agad siyang tumakas sa mga bisig ni Siga at lumabas ng kwarto.

" Tumakas na tayo!" sigaw ni Mia pagkalabas ng silid ni Siga.

Agad naman siyang sinaklolohan nina Neri at Haring Arden habang nagkakasiyahan ang mga lasing na tulisan sa labas ng silid.

Nagkagulo ang mga tulisan at pinalibutan ang tatlo. Nang biglang lumabas sa silid si Siga buhat buhat ang bangkay ni Lamig.

" Nakikita niyo ba to? Ito ang bangkay ni Lamig. Mangyayari din sa inyo to kapag hindi kayo sumunod sa utos ko. Kaya sige patayin niyo ang tatlong babaeng iyan." pagmamayabang na utos ni Siga.

Agad naman na umilaw ang mga markang ibon nila Neri at Haring Arden. Sa pagsugod ng mga tulisan na nakapalibot sakanila ay lumipad si Neri buhat buhat si Mia habang si Haring Arden naman ay gumawa ng malaking buhawi upang sugpuin ang mga ito. Wala ng tulisan pa ang sumugod sakanila sapagkat natakot ang lahat matapos makita ang malaking buhawi. Habang buhat buhat naman ni Siga ang bangkay ni Lamig ay madiskarte itong nakuha ni Neri habang lumilipad. Nagtatakbo si Siga at ang mga natira pang tulisan hanggang silang tatlo nalang at ang bangkay ni Lamig ang natira dito.

" Paano to Neri? Namatay na pala ang isa sa tagapagtanggol ng Adaro? Pano ko pa matatawag ang Bathalumang Adaro?" hangos ni Mia habang hinahaplos ang naninigas na bangkay ni Lamig.

HirangWhere stories live. Discover now