Ang Musikero

17 3 2
                                    

" Tulong! Ahhhhh!!!!" sigaw ni Mia habang sinasalakay ng mga paniki.

Sa pagkakataon na yon ay biglang sumulpot ang binatang lalaki na nagpapatutog ng plawta. Biglang nagliparan papalayo ang mga paniki at tuluyang lahat ng ito ay nawala. Mabilis na dumating ang apat na tagapagtanggol ni Mia. Agad namang lumapit ang lalaki sakanila.

" Ako nga pala si Ramil, ako ay ipinangak sa dulong bahagi ng Adaro. Nilusob ng mga taga Hesron ang aming baryo isang linggo na ang lumipas. Ako na lamang mag isa ang nakaligtas sa aking pamilya. Sabi ng aking Ina bago siya mamatay ay may misyon daw ako na kailangan kong gawin sa Adaro sapagkat mayroon akong markang ibon sa aking hita." pagpapakilala ng lalaki habang ipinapakita ang markang ibon sa kanyang hita.

" Kaya ba iniligtas mo ko sa mga paniki? Maraming salamat sayo Ramil utang ko sayo ang aking buhay. " pagpapasalamat ni Mia sa binata.

" Tungkuling kong protektahan ka Hirang Adaro." nakangiting sabi ni Ramil.

" Kilala mo ako? anong bang ginagawa mo dito sa labas ng hating gabi? " takang tanong ni Mia.

" Walang hindi nakakakilala sayo Hirang. Usap usapan sa lahat na naglalakbay kayo sa buong Adaro upang hanapin ang mga tagapagtanggol. Nagandahan lang kasi ako sa liwanag ng buwan kaya naisipan kong tumugtog." paliwanag ni Ramil.

" Ganun ba? mabuti at nahanap kana namin. Bukas na bukas rin ay babalik na tayo sa palasyo ng Adaro. Halika at sumama kana samin sa loob." masayang alok ni Haring Arden kay Ramil.

Agad naman tinanggap ng mga kasama si Ramil bilang huling tagapagtanggol ng Adaro. Masayang masaya sila ng gabing iyon dahil sa wakas ay kompleto na sila.

Kinabukasan ay mabilis na naglakbay si Mia at ang mga tagapagtanggol pabalik ng palasyo. Malapit pa lang sila sa unahan ng palasyo ng sinalubong na sila ni Ikoy.

" Binabati ko kayong lahat sa inyong tagumpay! Naunahan nating matipon ang Hirang Hesron sa kanyang tagapagtanggol. Ayon sa aking balita ay anim pa lamang ang kanyang natitipon." masayang balita ni Ikoy sa lahat.

" Magandang balita yan Ikoy, maraming salamat din sa tulong mo bilang isang huwad na hari. Napakahusay mo na hindi man lamang sila nakahalata dito." pasasalamat ni Haring Arden kay Ikoy.

Marahang nagbihis hari si Haring Arden at nauna siyang pumasok gamit ang salamangka ni Ikoy.
Pagpasok pa lamang ni Mia at ng mga tagapagtanggol sa unahan ng palasyo ay sinalubong na sila ng pagpupugay na may magarbong palakpalakan at hiyawan.

" Mabuhay ang Hirang Adaro!
Mabuhay ang mga tagapagtanggol! " sigaw ng mga mamamayan ng Adaro.

Nagkaroon ng selebrasyon sa palasyo ng Adaro para sa matagumpay na paghahanap ni Mia sa mga tagapagtanggol. Subalit sa kabila nito ay nag aalala parin siya sa kalagayan ni Tome.

" Ikoy, may plano kanaba kung paano natin makakausap si Tome para sabihin na kompleto na ang tagapagtanggol ng Adaro?" tanong ni Mia kay Ikoy.

" Oo Hira Mia! sa tagal kong nasa posisyon sa pagiging huwad na hari ay sumubok ako ng salamangka upang magkaroon ng komunikasyon kay Tome. Siya rin ang nagbalita sakin na anim pa lamang ang natitipon ni Hirang Hesron." pagpapaliwanag ni Ikoy.

" Totoo ba yan Ikoy? kung ganun ay kailan ko siya pwede makausap? sobrang miss ko na siya eh!" tanong ulit ni Mia.

" Sige mamayang gabi ay ihahanda ko ang pag uusap niyo ni Tome." sagot ni Ikoy.

Sabik na sabik si Mia na maggabi dahil sa wakas ay makakausap niya na ulit si Tome. Maaga siyang nag ayos ng kanyang sarili. Sinuot niya ang pinakamagandang palda at damit niyang nadala. Ipinuyod niyang mabuti ang kanyang buhok at paulit ulit na nagpaganda sa harap ng salamin. Ilang beses niyang pinraktis ang mga sasabihin niya sa muling pag uusap nila ng kanyang minamahal na si Tome.

Kinagabihan ay inihanda na ni Ikoy ang lahat, gumawa siya ng salamin kung saan nilagyan niya ito ng salamangka upang makita nila Mia at Tome ang isat isa. Isinaayos na niya ito sa silid ni Tome sa loob ng palasyo ng Hesron noong nakaraan pang gabi upang hindi sila mahuli ni Balkan. Subalit mayroon lamang silang limang minuto para mag usap para hindi makalahata sina Julie at ang mga tagapagtanggol nito.

" Tome, kamusta kana diyan? Kailangan mo ng bumalik dito para maisagawa na natin ang ritwal dahil nakompleto ko na ang lahat ng tagapagtanggol ng Adaro." masayang balita ni Mia kay Tome.

" Ganun ba Mia? Mabuti naman at nagtagumpay kayo dahil yan din naman ang inaasahan kong mangyari. Sobrang nangungulila na ako sayo Hira Mia." malambing na sagot ni Tome.

" Sabi ko naman kasi sayo eh ako rin Tome eh miss na miss na kita. Pero paano na at san tayo magtatagpo para makabalik kana dito?" tanong ulit ni Mia kay Tome.

" Bukas ng hating gabi sa may pinakamalaking puno ng cactus sa gitnang bahagi ng palasyo ng Hesron. Magkita tayo roon. Sasama na ako sainyo." paliwanag ni Tome.

" Tome may maaari lang sana akong ipakiusap sayo. Gusto ko sanang kausapin mo si Julie at kumbinsihin na sumama sa atin bukas. Matatawag ko na ang Bathalumang Adaro at hihilingin ko na makabalik na kami sa aming mundo." pakiusap ni Mia.

" Hindi ba mapanganib na malaman niyang magkikita tayo? Hira Mia patawarin mo ko pero hindi ko kayang gawin ang pinag uutos mo." sagot ni Tome.

" Nagtitiwala ako kay Julie. Pakiusap Tome. Ikaw nalang ang inaasahan ko. Alam kong mahal ka rin ni Julie kaya makikinig siya sayo." paliwanag ni Mia.

" Susubukan ko ang lahat ng aking makakaya Hira Mia." sagot ng nag aalinlangang si Tome.

" Maraming salamat Tome. Basta aantayin namin kayo doon. Mag ingat kayo ah!" pag aalala ni Mia.

" Palagi naman Hira Mia, sige na baka makahalata na si Balkan. Paalam Hira Mia, mahal na mahal kita." pagpapaalam ni Tome sabay halik sa pader sa kanyang silid ngunit nakikita ang imahe ni Mia.

" Mahal na mahal din kita Tome." malanding sabi ni Mia at inurong ang kanyang labi para halikan ang labi ni Tome subalit hindi niya napansin na tuluyan ng nawala ang imahe niTome at ang salamin na lamang ang kanyang hinahalikan.

" Hira Mia, wala na si Tome. Natapos na ang limang minuto." nakatawang sabi ni Ikoy kay Mia na patuloy parin ang paghalik sa salamin.

Matapos mag usap ay nakangiting nagpahinga sina Tome at Mia dahil sa tagal ng panahon ay nakapag usap muli sila kahit sa imahe lamang.

Kinabukasan ay maagang naghanda si Mia. Sila lang sana ni Ikoy ang susundo sa tagpuan nila ni Tome subalit nagpumilit si Nyebes na sumama dahil hindi niya kayang may mangyaring masama kay Mia.

Ilang oras bago maghating gabi ay umalis na sina Mia, Ikoy at Nyebes upang maagang pumunta sa tagpuan para sunduin si Tome. Maghihintay na lamang sila doon subalit sumapit na ang hating gabi ay wala paring Tome ang dumadating sa pinakamalaking cactus sa gitnang bahagi ng palasyo ng Hesron.

HirangWhere stories live. Discover now