Ang Bawal na Pag ibig

10 3 0
                                    

Ilang oras na ang lumipas matapos ang hindi sinasadyang pagkikita nila Mia at Tome. Pagkabalik pa lang ni Tome sa tahanan ng mag asawang matanda ay hindi na maalis sa kanyang isipan ang pinakilalang asawa ni Ramil na si Mari.

" Oh Tome tila malalim ata ang iniisip mo? Kamusta naba ang pakiramdam mo?" tanong ni Poy nang mapansin na nakatingin sa malayo si Tome at malalim ang iniisip.

" Nakita ko po kasi kanina ang kamukhang kamukha ng Hirang Adaro. Hindi po ako maaaring magkamali subalit hindi niya po ako kilala at may asawa na po siyang iba."sagot ni Tome.

" Marahil ay nagkamali ka nga lamang. Hindi maaaring magkaron ng asawa ang Hirang. Tanging mga birhen na babae lamang ang naitatalagang hirang." paliwanag ni Poy.

" Papaano niyo po nalaman ang tungkol dito?" mariing tanong ni Tome.

" Dahil ang asawa kong si Teng ay umibig din sa Hirang Sadi." pahayag ni Poy.

" Ano pong sabi mo? kilala po ni Lolo Teng ang hirang Sadi?" gulat na tanong ni Tome.

" Oo kilalang kilala dahil si Teng ay isa sa tagapagtanggol ng Sadi." paglilinaw ni Poy.

" Kung gayon po ay alam niya po siguro kung nasaan po ang kwintas ng pagsamo ng Sadi." paniniyak ni Tome.

" Ang kwintas ba kamo? hindi na namin alam kung nasaan ito magmula noong bumalik ang Hirang Sadi sa daigdig niya." paniniyak din ni Poy.

" Namin po? ang ibig mo po bang sabihin ay isa ka rin sa tagapagtanggol ng Sadi?" mariing tanong ni Tome.

" Oo katulad mo ay mga tagapagtanggol rin kami." sagot ni Poy at agad ipinakita ang markang leyon sa kanyang braso.

" Kung gayon po ay maaari niyo po ba akong tulungan na hanapin ang kwintas ng pagsamo? Tiyak po na matutuwa ang hira Mia kapag nahanap ko po ito at matutuloy na po pagtawag namin sa bathalumang Adaro at amin pong kasal." pananabik na tanong ni Tome.

" Anong sabi mo? magpapakasal kayo ng Hirang Adaro? Iyan ang huwag na huwag niyong susubukan." pagbabanta ni Poy.

" Ngunit bakit po? wala naman pong masama eh nagmamahalan po kami at pagnatapos pa naman po iyon ng aming misyon." paglilinaw ni Tome.

" Hindi mo ba alam na mahigpit na pinagbabawal ang pag ibig sa pagitan ng hirang at tagapagtanggol nito?" pagbabanta ni Poy.

" Ipinagbabawal po? bakit naman po? kailan pa naging bawal ang magmahal? hindi naman po madidiktahan ang puso kung sino po ang dapat iibigin nito ah?" pangangatwiran ni Tome.

" Dahil magka iba ang daigdig na inyong ginagalawan. Hindi magtatagal ay manghihina ang inyong katawan kapag matagal kang nanatili sa hindi mo daigdig. Ganito ang nangyari sa aming Hira Diane ang Hirang Sadi." paliwanag ni Poy.

" Ano pong sabi mo? umibig din po ang Hirang Sadi sa tagapagtanggol nito?" mariing tanong ni Tome.

" Oo at sa huli ay pinagsisihan nila ito. Nagkahiwalay sila matapos bumalik ni Hira Diane sa kanilang mundo dahil siya ay nanghihina na non. Kailanman ay hindi na muli pang bumalik at hindi na sila muling nagkita." paliwanang ni Poy.

Dito na kinwento ni Poy ang buong pangyayari kay Tome.

" Pinaka unang nahanap ni Hira Diane si Otan. At dahil dito ay mabilis na nahulog ang dadamdamin niya dito..." panimulang kwento ni Poy.

Si Otan ang kauna unahang lalaking nakilala ni Hira Diane sa mundo ng Misala. Iniligtas siya nito matapos siyang madakip ng mga mangangaso sa kagubatan ng Sadi. Habang si Teng naman ay ang sumunod na nahanap na tagapagtanggol ni Hira Diane, ang aking naging asawa. Naging malapit din loob ni Diane kay Teng subalit si Otan ang tunay na tinitibok ng puso niya.

Si Poy naman ay isang binabae at ang pinakahuling natagpuang tagapagtanggol ni Hira Diane. Hindi siya katulad nina Neri at Lahar na nagbibihis babae. Ninais niyang hindi baguhin ang kanyang sarili ngunit pansin mo agad ang pagkabinabae nito dahil sakanyang malamya at mahinhin na kilos. Noong una ay si Otan din ang kanyang nagugustuhan subalit nagkaroon ng pagkakataon na magsama sina Poy at Teng nang sila ay mapahiwalay sa paglalakbay papuntang sa gitnang bahagi ng Misala upang kunin kay Mata ang kwintas ng pagsamo para maisuot ni Hira Diane sa pagtawag ng bathalumang Sadi. Walang nagawa ang dalawa sa kaganapan iyon dahil ang isat isa lamang ang kanilang kailangan upang mahanap muli ang mga kasama.
Noong una ay hindi pinapansin ni Teng si Poy dahil ito ay isang lalaki. Hindi rin naman gusto ni Poy si Teng dahil nayayabangan ito sakanya. Ngunit ilang araw silang magkasama na silang dalawa lamang kaya nahulog na ang kanilang loob sa isat isa. Ibinaling ni Teng ang labis na pagmamahal niya kay Hira Diane kay Poy at si Poy naman ay unti unti nakilala ng lubusan si Teng at ito na nga ang kanyang inibig. Naging magkasintahan sina Poy at Teng at nagpakasal.

Habang nagpakasal din naman sina Hira Diane at Otan. Kay Otan pina ubaya ni Hira Diane ang kwintas ng pagsamo matapos nilang matagumpay na matawag ang bathalumang Sadi. Subalit ayon sa bali balita, isang buwan matapos ang kanilang kasal ay unti unting nanghina ang katawan ni Hira Diane at ang tanging lunas dito ay ang pagbalik niya sa kanilang daigdig. Mahigpit na tutol si Hira Diane sa pagbalik niya sa kanilang daigdig dahil alam niyang magkakahiwalay sila ni Otan at walang katiyakan na siya ay muli pang makakabalik sa Misala. Dahil dito ay nagpakamatay si Otan upang mapilitang bumalik si Hira Diane sakanyang daigdig upang wala na itong maging rason na mamuhay sa daigdig ng Misala.

Dahil dito nagkahiwahiwalay na ang mga tagapagtanggol ng Sadi. Habang pinili nila Poy at Teng ang tahimik na pamumuhay sa kapatagan kung saan pagsasaka ang kanilang ikinabubuhay.
Lumipas ang mga panahon ay tumandang magkasama sina Teng at Poy at wala na silang naging balita pa sa iba pang tagapagtanggol at sa umalis na si Hira Diane.

" Siguro ay matatanda na kaming lahat ngayon. Subalit naalala ko parin ang lahat ng aming pinagdaanan upang matawag lamang ang bathalumang Sadi." pagtatapos ng kwento ni Poy.

" Kung gayon ay kailangan ko nang itigil ang pagmamahal ko kay Hira Mia. Walang kahahantungan ang bawal na pag iibigan namin. Ngayon ay magiging tutok na kami sa paghahanap sa kwintas. May alam kaba kung saan tinago ni Otan ang kwintas ng pagsamo?" mariing tanong ni Tome kay Poy.

Sa pag uusap ng dalawa ay bigla namang dumating si Teng kasama si Kursus. Silang dalawa ay humahangos at tila hindi alam ang gagawin.

" Oh Kursus buti ay napadalaw ka. Matagal na panahon na kitang hindi nakita. Ano bang nangyari sayo?" pabungad na tanong ni Poy ng makitang kasama ni Teng si Kursus na isa ring tagapagtanggol ng Sadi.

" Poy mahal ko, tama ang hinala natin na buhay pa si Otan." hangos ni Teng matapos makita sina Tome at Poy sa kanilang tahanan.

" Anong sabi mo? paanong bubay pa siya eh diba nagpakamatay siya para bumalik si Hira Diane sa kanyang daigdig?" pangangatwiran ni Poy.

" Nagkamali tayong lahat. Pinalabas lamang iyon ni Otan upang makalayo sa atin at sa Hirang Sadi. Nakita ko siya kahapon sa kakahuyan at nagkasama kami. Ikinwento niya sakin ang lahat ng pasakit at paghihirap niya. Subalit habang papunta kami dito ay nilusob kami ng mga Hesron. Kasama nila ang kanilang Hirang. Hinahanap nila ang kwintas ng pagsamo kay Otan. Nanlaban kaming dalawa ngunit matatanda na kami eh hindi na kami ganun kalakas upang labanan sila. Nadakip si Otan habang ako naman ay nakatakas." paliwanag ni Kursus sa mga kasama.

" Ano? dinakip siya ng mga Hesron? Kailangan natin siyang iligtas." pag aalala ni Poy. Habang si Tome naman ay gulat na gulat sa mga narinig.

HirangWhere stories live. Discover now