Ang Sakripisyo

19 3 2
                                    

" Nasan na kaya sila? hindi ko parin sila makita dito sa taas." paghahanap ni Neri kila Haring Arden.

Sa kanyang paghahanap ay nakita niya ang isang babae na kamukang kamuka ng kanyang kapatid na si Neri. Agad siyang bumababa sa pagkakalipad at pinuntahan ang babae.

" Neri?" tanong ni Neri sa babaeng nakatalikod.

" Sinasabi ko na nga ba nandito lamang kayo. Nasan ang Hirang?" nakatawang sagot ng babae matapos itong lumingon sa pagkakatawag ni Neri.

" Pangahas ka para maging huwad ng pinakamamahal kong kapatid. Walang sino man ang may karapatan na laspatanganin ang imahe niya." galit na galit na sabi ni Neri.

" Wala akong panahon sayo. Mukhang hindi mo kasama ang hirang na kailangan kong paslangin. Matapos niya ay iisa isahin ko kayong mga tagapagtanggol ng Adaro." paliwanag ni Lahar at agad itong humalubilo sa maraming tao at agad nagbagong anyo.

Hindi na nagawa pang makita ni Neri si Lahar kaya lumipad ito ng mataas upang madaling mahanap sila Haring Arden. Sa hindi kalayuan ay matagumpay niyang natanaw sila Haring Arden na kumakain sa kainan.

Ngunit sa pagkakataon na yun ay natanaw rin niya si Lahar na nagbalatkayo bilang si Mia. Papunta ito sa ibang pang mga tagapagtanggol ng Adaro na sina Haring Arden, Nyebes, Ikoy, Gamor at Musmus. Nakutuban at natoyak niya na may balak puntiryahin ni Lahar bilang huwad na Mia ang mga ito at alam niyang nasa panganib ang mga kasama.

" Hoy huwad na babaeng mukang paa. Ako ang harapin mo." pagpigil ni Neri kay Lahar habang papunta sa mga tagapagtanggol ng Adaro.

" Ikaw na naman. Hindi mo talaga ako tatantanan ah! Ikaw muna ang uunahin kong pakilamera ka! " matapang na sagot ni Lahar.

Agad nagbagong anyo si Lahar at nabalutan ito ng lava sa kanyang katawan. Habang si Neri naman ay mabilis na lumipad at naghanap ng tubig para maging panlaban kay Lahar.
Siya ay agad nakakita ng isang timbang tubig sa hugasan ng plato sa isang kainan at mabilis niya itong binuhat at lumipad upang ibuhos kay Lahar. Nagpatalsik ng nagbabagang lava si Lahar ngunit mabilis din itong naiiwasan ni Neri dala ang isang timbang tubig. Nabuhusan niya ng kalahating timbang tubig si Lahar subalit ito ay nasayang dahil mabilis din itong nakailag. Humanap ng magandang pagkakataon si Neri upang mabuhusan ng tubig si Lahar kaya inaliw aliw niya muna ito sa pag ilag sa mga talsik ng lava nito. Sa isang minutong pag iwas iwas ay tuluyang nagawang buhusan ni Neri si Lahar ng kalahating timbang tubig sa bandang gitnang katawan nito. Dito bumungad ang totoong balat ni Lahar dahil tuluyang kumupas ang lava na bumabalot dito. Nabunyag ang totoong kasarian ni Lahar at gulat na gulat si Neri sa kanyang natuklasan.

" May itlog ka rin? hahahaha isa ka rin palang maton kagaya ko. Pero mas kabigha bighani ka ah." patawang sabi ni Neri.

" Anong tinatawa tawa mo diyan? Hindi ako maton at maslalong hindi tayo magkatulad. Isa akong tunay na babae sa isip, sa salita at sa gawa. Ngayong nalaman mona ang katotohanan sa pagkatao ko kailangan mo na talaga mamatay." galit na paliwanag ni Lahar.

" Kung magagawa mo binabae." pang aasar ni Neri.

Lalong nag init si Lahar at nagpatalsik pa ito ng kumukulong lava. Si Neri naman ay may galak sa pag iwas ng mga ito at patuloy pang inaasar si Lahar. Naisip ni Neri na ilayo si Lahar sa mga kasama dahil sa panganib na dala nito at naisip rin niya na kailangan niya itong madala sa malawak na tubig upang matanggal ang mga lava na bumabalot sa katawan niyo. Lumipad siya ng pagkataas taas at sa tantsa niya ay isang kilometro ang layo mula sa kinaroroon nila ang baybayin ng karagatan kung saan maaari niyang matalo si Lahar. Wala nang ibang pang magawa at maisip pa si Neri kundi isakripisyo na inilipad si Lahar papunta sa baybayin ng karagatan upang matalo ito at upang mailagtas na rin ang mga kasama.

HirangWhere stories live. Discover now