Hirang Meno

16 3 0
                                    

" Binabati ka namin Hira!" malugod na pagbati ni Haring Akwano kay Mia habang nagbibigay pugay ang iba pang tagapangtanggol ng Meno.

Isa isang nagpakilala ang mga tagapagtanggol ng Meno kay Mia dahil kinikilala na siya ng mga ito bilang kanilang hirang.

Si Haring Akwano ang ninunong pinuno ng mga sirena. Siya ay isang sireno na may markang isda sa kanyang dibdib. May kakayahan siyang kontrolin at manipyulahin ang tubig.

Si Agat ay maninisid na may markang isda sa kanyang leeg. May kakayahan sumisid sa kahit anong lalim at huminga sa ilalim tubig. Tinagurian siyang taong dagat dahil kaya niyang utusan o kontrolin ang mga isda o mga nabubuhay sa karagatan.

Si Piranus ay isang mangingisda na may markang isda sa kanyang binti. May kakayahan siyang mag anyong tubig. Kaya niyang tumagos sa kahit anong bagay bilang isang likido.

Si Atlas ay isang pirata na may markang isda sa kanyang noo. May kakayahan siyang kontrolin ang ulan. Nakakaya niyang gumawa ng bagyo at manipyulahin ang panahon.

Si Argos ay isang bangkero na may markang isda sa kanyang kamay. May kakayahan siyang makita ang nakaraan at ang hinaharap gamit ang repleksyon sa agos ng tubig.

Si Herbula ay isang binabae na may markang isda sa kanyang hita. May kakayahan siyang gumawa ng bula bilang proteksyon at pananggala. Ang kanyang bula rin ay nagagamit niya bilang kulungan at sa paglipad.

At si Dyanggo naman ay isang manghihilot na may markang isda sa kanyang palad. May kakayahan siyang makapagpagaling sa paglilinis ng sugat o karamdaman gamit ang tubig. Kaya niyang tanggalan ng tubig ang kahit anong nilalang para maging tuyot o gawing matanda ito. Kaya rin niyang magbigay ng tubig upang maging sariwa at maaliwas ito.

" Maraming salamat sa inyong lahat. Ako ay lubos na nagagalak na makilala kayo. Huwag kayong mag alala dahil buhay ko man ay aking isusugal upang maprotektahan ang kwintas na ito." pagpapasalamat ni Mia sa mga tagapagtanggol ng Meno habang sinusuot ang kwintas ng pagsamo.

" Tatlumpung dekada na kaming naghihintay sa iyo. Mag mula kasi noong umalis sa daigdig na ito si Hira Haida ay naging misyon na namin bantayan ang makapangyarihang kwintas. Naagnas at nawala na ang aming mga katawang lupa subalit patuloy parin kami sa pagbabantay dito." paliwanag ni Haring Akwano kay Mia.

" Maaari niyo ba akong kwentuhan sa matagumpay niyong Hirang Meno na si Hira Haida? Hindi naba siya nakabalik simula noong umalis siya?" mariing tanong ni Mia.

" Hindi na muli pang nagpakita ang Hira Haida simula ng matagumpay niyang matawag ang Bathalumang Meno at matapos niyang makompleto ang kanyang tatlong kahilingan." sagot ni Haring Arden.

" Alam niyo ba kung anong hiniling niya?" tanong ulit ni Mia.

" Hiniling niyang magkaroon ng kapayapaan sa Karagatan ng Meno at sa nasasakupan nito. Hiniling niyang maging maganda ang kanyang itsura at ang huli ay ang makabalik siya sakanilang daigdig." paliwanag ni Haring Akwano.

" Ano? sinayang niya ang hiling niya para lang magpaganda? eh pwede namang magparetoke?" gulat na reaksyon ni Mia.

" Hindi kasi kagandahan si Hira Haida. Dito sa daigdig ng Misala ay walang nagkagusto sakanya kahit napakabusilak ng kanyang kalooban kaya hindi kami nagtataka na siya ang pinili na maging hirang Meno kaya marahil ay ito ang kanyang naging kahilingan." paliwanag ni Haring Akwano.

Kinabahan si Mia at lubos paring iniisip kung ano na ang kalagayan ni Haida sa kanilang daigdig.

*** Sa Daigdig nila Mia at Julie

" Teka sandali, isesearch ko nga muna kung saan galing tong librong ito." agam agam ni Kenji na kuya ni Mia habang binabasa ang libro ng Misteryong Alamat.

Pilit hinanap ni Kenji si Mia sa loob ng silid aklatan ngunit hindi niya nakita ito. Hating gabi na kaya itinakas niya ito sa National Library at inuwi na lamang ni Kenji ang libro. Sinaliksik ni Kenji ang libro dahil hindi parin siya makapaniwala na hinigop ng libro papasok sa loob ang kanyang nakababatang kapatid na si Mia.

Ayon sa kanyang pananaliksik ang libro ay isinulat noong 1970's. Ito ay isinulat ng ama ng sikat na aktres na si Haida Gubi. Ang ama nito na si Ferdinand
Gubi ang author ng libro ay nabaliw at namatay sa mental hospital. Ayon sa kwento ang libro daw na kanyang isinulat ay may sumpa kung saan sino man ang babaeng magbasa ng libro ay hihigupin papasok sa loob nito at magiging tauhan dito. Sinasabi na si Haida Gubi na kanyang nag iisang anak ang unang babaeng bumasa nito. Naging isang magaling na aktres si Haida subalit namatay ito dahil sa hindi maipaliwanag na karamdaman.

Biglang pumasok sa isip ni Kenji na si Haida Gubi at ang Hira Haida ng Meno ay iisa.

Si Haida ang nag iisang anak ng sumulat ng librong Ang Misteryong Alamat. Taong 1970's ng kanyang buksan ang libro at siya ay higupin nito bilang Hirang Meno. Isa sa kanyang naging kahilingan ng matagumpay niyang matawag ang bathalumang Meno ay ang maging isang napakaganda, kaakit akit at kabigha bighaning babae. Sa kanyang pagbabalik sa kanyang daigdig ay pinasok niya ang industriya ng pag aartista at siya ay naging isang mahusay na aktres. Subalit tinamaan si Haida ng isang hindi maipaliwanag na karamdaman matapos ang isang taon sa pagiging isang matagumpay na aktres. Siya ay namatay at ang kanyang ama ay sinisisi ang libro kung bakit nangyari ito. Pinilit niyang sunugin at sirain ang libro subalit nanunumbalik ito ng walang sunog at sira. Dahil dito ay unti unting nawala sa sarili ang ama ni Haida at tuluyang nabaliw. Namatay na lamang ito sa mental hospital nang walang sino man ang naniwala sakanyang sinasabi tungkol sa mahiwagang libro.

"Nasa panganib si Mia pati na rin si Julie." pag aalalang sabi  ni Kenji sa kanyang sarili.

*** Sa kweba ng mga Sirena

" Binabati ka namin Hira Mia. Tunay at karapat dapat ka talaga maging hirang Adaro." masayang bati ni Haring Arden kay Mia.

" Nag alala ako nang lubos sayo Hira Mia mabuti na lamang ay napagtagumpayan mo." mahinang sabi ni Tome kay Mia.

" Ito ay dahil kay Neri. Wala man siya ay ramdam ko ang presensiya niya at naging malaking tulong ang kanyang pares ng sapatos. Pagbalik natin ay pasalamatan natin siya. Sana ay okay na siya ngayon." paliwanag ni Mia.

Ibinalik ni Dyanggo ang sariwa at maaliwas na wangis nilang lahat. Nagtawanan silang lahat dahil hindi bagay kay Musmus ang maging matanda. Matapos nito ay agad rin nagpaalam ang hirang at mga tagapagtanggol ng Adaro sa mga multong tagapagtanggol ng Meno. Labis ang galak nilang lahat dahil matagumpay nilang nakuha ang kwintas ng pagsamo. Pagkadaaan din nila sa tahanan ng mga sirena ay sinalubong sila ng pagpupugay dahil sa wakas ay makakataas na rin sa daigdig ng mga kaluluwa ang mga tagapagtanggol dahil tapos na ang misyon nilang bantayan ang kwintas ng pagsamo.

HirangWhere stories live. Discover now