Ang Manggagamot

18 4 1
                                    

" Hira Mia, narinig ko na balita balita raw sa kabilang baryo na may isang manggagamot na kayang bumuhay ng patay." masayang sabi ni Neri habang pababa sa pagkakalipad nito galing sa kabilang baryo.

" Totoo ba yan Neri? ang ibig sabihin ay may pag asa pa tayo para buhayin si Lamig." nakangiting sabi ni Mia.

Agad tumungo ang tatlo sa kabilang baryo kung saan may balita balita na may manggagamot na kayang bumuhay ng patay habang dala dala nila ang bangkay ni Lamig na kanilang isinilid sa sako.

" Maaari po bang magtanong? Saan po ba dito ang lugar ng manggagamot na kayang bumuhay ng patay?" tanong ni Neri sa taong kanilang nakasalubong matapos makarating sa kabilang baryo.

" Ah si Anyang manggagamot! Nandoon ang tirahan niya sa tabi ng malaking puno. Dumiretso lamang kayo hanggang makarating kayo sa malaking puno." sagot ng babae habang tinuturo ang direksyon ng tirahan nito.

Mabilis na tinungo ng tatlo ang tirahan ng manggagamot. At dito nila nakita ang isang babae na gumagamit ng orasyon upang muling buhayin ang patay.

" Magandang araw po. Kayo po ba si Anyang? Maaari niyo po ba kaming tulungan?" magalang na tanong ni Mia sa babae.

" Anong maipaglilingkod ko sainyo? " sagot ng babae.

" Nabalitaan po kasi namin na kaya niyo raw pong bumuhay ng patay?" tanong ulit ni Mia.

" Dala ba niyo ang bangkay? Maaari ko ba itong makita? "tanong ng babae.

Ipinakita ng tatlo ang bangkay ni Lamig sa manggagamot subalit napaatras lamang ito.

"Hindi ko siya kayang buhayin dahil hindi pa siya patay." sambit ng babae matapos makita ang bangkay ni Lamig.

" Anong sabi mo? Anong hindi pa patay eh malamig na bangkay na siya!" sagot naman ni Mia.

"Nababalutan lamang siya ng yelo sakanyang katawan kaya siya ay matigas at malamig." paliwanag ng manggagamot.

" Kung gayon ay ano ang dapat naming gawin? " tanong naman ni Neri.

" Hindi ko alam dahil mga patay lamang ang kayang kong buhayin. Kung gusto niyo ay patayin natin siya saka ko siya bubuhayin." mungkahi ng manggagamot.

Hindi sumang ayon si Mia sa pagpatay sa labi ni Lamig. Napagpasyahan nilang humanap ng ibang manggagamot at ayon sa balibalita na may isa pang manggagamot sa baryong iyon subalit isang taon na itong hindi nagpapakita. Hating gabi na kaya nagpaiwan na muna si Mia sa manggagamot na babae habang sina Haring Arden at Neri ay pumunta lamang sa kabilang kanto sa tirahan ng sinasabing manggagamot na matagal nang hindi nagpapakita.

" Heto ang mainit na tsa-a para maibsan ang panlalamig mo." sambit ng manggagamot habang nakikitang nilalamig si Mia dahil katabi nito ang nagyeyelong labi ni Lamig.

" Ay maraming salamat Anyang!" pasasalamat ni Mia at agad ininom ang tsa-a.

Makalipas lamang ang ilang minuto ay nakaramdam ng panghihina si Mia. Silang dalawa lamang ng manggagamot ang nasa loob ng tirahan nito kaya wala siyang mahingan ng tulong.

" Anong nangyayare sakin? bakit tila nahihirapan akong huminga." takang tanong ni Mia habang nanghihina at tuluyan ng bumagsak sa kinatatayuan niya.

" Marahil ay hindi mona kinakaya na ang lamig dito. Kung gusto mo ay patayin mona ang sarili mo para maibsan na ang sakit na nararamdaman mo saka muli kitang bubuhayin." mungkahi ni Anyang kay Mia habang inaabot ang kutsilyo dito.

HirangWhere stories live. Discover now