Ang Mapagbalatkayo

12 4 0
                                    

" Pano mo nagawa to Tome? sino yang kahalikan mo?" pagalit na tanong ni Neri kay Tome.

" Arggh!  hindi ko siya kilala. Si Mia siya kanina. Hindi siya ang hinahalikan ko!" takang takang sabi ni Tome at hinabol si Mia.

Naiwan sila Neri at ang babae sa Silong at biglang napangiti ang babae kay Neri. At agad naakit si Neri sa kagandahan nito.

" Hindi ko masisisi si Tome dahil lubhang napakaganda mo. Ano bang pangalan mo magandang binibini." tanong ni Neri sa magandang babae.

" Gumagana ang pang aakit ko sakanya. Hindi siya isang babae pero bakit nakapang babaeng damit siya?" sabi sa sarili ng babae sa harapan ni Neri.

" Ako nga pala si Lahar. Ikaw anong pangalan mo? " sagot ng babae.

" Ako naman si Selyo. pagpasensyahan mona kung nakabihis pambabae ako hiniram ko lang ito sa kasama kong babae kanina." palusot ni Neri kay Lahar.

" Eh bakit Neri ang tawag nila sayo?" tanong ulit ni Lahar.

" Ah eh! kapatid ko lang si Neri at magkamuka kasi kami kaya Neri na ang tinatawag nila sakin basta mahabang kwento." paliwanag ni Neri.

Samantala, naabutan naman ni Tome si Mia habang umiiyak ito.

" Mia, sandali lamang. Magpapaliwanag ako." sigaw ni Tome kay Mia.

" Pinilit kong iwasan ka Tome. Sa utos ni Mata dahil magiging hadlang ang pagmamahalan natin sa pagtawag ko sa bathalumang Adaro. Kailangan ko kasi mapanatili ang pagiging Birhen ko at ang sabi ni Mata ay dapat akong maging maingat dahil baka madala tayo sa tukso. Subalit hindi mo man lang natiis ito at naghanap kana agad ng iba." paliwanag ni Mia.

" Patawarin mo ako Mia. Pero hindi ko talaga kilala ang babae na iyon. Bago pa kayo dumating ay kawangis mo siya. Ginaya niya ang pagkatao mo at inaakit niya ako at sa pagkakataon na dumating kayo ay hinalikan niya ako." paliwang naman ni Tome.

Hindi na nakasagot pa si Mia at agad siyang niyakap ng mahigpit ni Tome.

" Maghihintay ako hanggang matawag natin ang bathalumang Adaro. Sa ngayon ay ipagsantabi na muna natin ang pagmamahalan natin. Gampanan muna natin ang misyon natin ikaw bilang hirang at ako naman bilang tagapagtanggol. Matapos lamang ang lahat ng ito ay pakakasalan kita Mia. Mahal na mahal kita sobra." malambing na sabi ni Tome.

" Mahal na mahal rin kita Tome." sagot naman ni Mia.

" Sandali lamang, kung huwad na Hira Mia ang kasama ko kanina ay malamang kasama siya ngayon ni Neri." pag alala ni Tome at agad hinila si Mia papunta sa silong kung saan nila iniwang ang babae at si Neri.

Agad natunton nila Mia at Tome ang magkasama na sina Neri at Lahar.

" Neri layuan mo siya. Isa siyang huwad." sigaw ni Tome kay Neri.

Sa pagkakataon na yun ay napansin ang ang liwanag na pula nanggagaling sa bewang ng babae.

" Tome isa ata siya sa tagapangtanggol ng Hesron. " bulong ni Mia kay Tome.

" Marahil ay siya si Lahar. Mapanganib siya dahil siya ang kanang kamay ni Balkan." paliwanag ni Tome.

Nang magkatinginan sila Tome at si Lahar ay nagbagong anyo na si Lahar kanyang totoong wangis.

" Sinasabi ko na nga ba eh! Neri lumayo ka sakanya isa siya sa tagapagtanggol ng Hesron." sigaw ni Tome kay Neri.

Si Lahar ay isa rin sa tagapagtanggol ng Hesron. Siya ay markang dragon sa kanyang bewang. Siya ay may makinis, maputi at kabigha bighaning katawan. Siya ay natagpuan ni Balkan sa paanang bahagi ng bulkan kung saan pagmimina ng grava ang trabaho ng kanyang mga magulang. Malalim ang pagtingin ni Lahar kay Balkan kaya siya ang ginawang kanang kamay nito dahil alam ni Balkan na hindi susuway si Lahar sa lahat ng plano niya. Bunso sa apat na magkakapatid na puro babae si Lahar. Dahil bunso ay laki sa layaw siya na ang lahat ng kanyang gusto ay nasusunod at kanyang nakukuha. Siya lamang ang nag iisang lalaki kaya naging malambot ang kanyang kilos at ninanais niyang maging isang tunay na babae. Walang sino man ang nakakaalam sa totoong pagkatao ni Lahar maliban kay Julie at Balkan. Dahil dito lahat ng tagapagtanggol ng Hesron ay akit na akit sa kanyang kagandahan maliban kay Tome. Si Lahar ay may kapangyarihan magbalatkayo, manggaya at maging kawangis ng sino mang gusto niya gamit ang lava na bumabalot sa kanyang katawan. Tinawag siyang ang babaing lava na kung saan may kakayahan siyang mang akit ng kalalakihan.

Ilang oras na ang nakalipas ng magpanggap si Lahar bilang isang pirata. At nang pumasok sila Mia, Neri at Tome sa isang kainan na maraming tamabay na pirata ay minatsagan na niya ang mga ito dahil inutusan siya ni Balkan na patayin ang hirang Adaro. Nang nagkakagulo ay agad umalis sina Mia at Neri habang nagbalatkayo naman siya bilang si Tome. Inantay nila Mia at Neri si Tome makalabas ng kainan ngunit ang huwad na Tome ang lumabas dito at sila ay iniligaw. Mabilis naman na bumalik si Lahar na malapit sa kainan at nagbalatkayo naman itong Mia.

Kahit narinig ni Neri ang sigaw ni Tome ay hindi parin lumalayo ito kay Lahar dahil nasa loob parin ito ng kapangyarihan ni Lahar ng mang akit.

" Selyo, patayin mo ang hirang para sa akin." utos ni Lahar kay Neri.

Agad namang nilapitan ni Neri si Mia at nang akma na niya itong sasaktan ay nakita niya ang mga mata nito na nangingilid na ang mga luha. Biglang nagising sa katotohanan si Neri.

" Kailanman ay hindi ko kaya saktan ang babaeng minamahal. Sakanya ko lamang nakita mula muli ang kapatid." sigaw ni Neri at biglang tumingin kay Lahar ng galit na galit.

Agad na umilaw ang pulang markang dragon sa bewang ni Lahar at nabalot ito ng lava sakanyang buong katawan.

" Papaslangin ko kayong tatlo gamit ang lava ko." nakatawang sabi ni Lahar.

Nagpatalsik ng kumukulong lava si Lahar sa tatlo at mabilis itong naiwasan ni Neri dala dala sina Tome at Mia. Ngunit sa hindi inaasahan ay natamaan siya nito sa likod. Pilit tinitiis ni Neri ang sakit ngunit nanunuot hanggang buto ang pasong natamo niya. Pinaailaw na ni Tome ang kanyang markang dragon sa batok at nagbaga na nga ang kanyang buong katawan.

" Neri itakas mona ang Hira Mia. Ako na ang bahala kay Lahar." sambit ni Tome matapos bumitaw sa pagkakalipad ni Neri.

Mabilis namang lumipad papalayo sila Neri at naiwan si Tome upang kalabanin si Lahar.

" Tayo ang maglaban. Baga ko sa lava mo." sigaw ni Tome kay Lahar.

Mabilis na sinugod ni Tome si Lahar at ito ay kanyang sinakal gamit ang nagbabagang kamao niya.

" Kailanman ay hindi ko pa nagawa ang pumatay pero kung hindi ka titigil ay ako mismo ang papatay sayo." pagbabanta ni Tome kay Lahar.

Sa takot ni Lahar kay Tome ay agad itong tumakas. At nang makarating siya sa kuta nila Balkan ay agad siyang pinarusahan dahil sa pagkabigo niyang patayin ang Hirang Adaro.

" Babalikan ko sila at titiyakin kong mapapatay ko ang Hirang." pangangako ni Lahar kay Balkan at tuluyan ng umalis sa kuta upang patayin si Mia.

Samantala, nagkatagpo muli sila Neri, Mia at Tome. Patungo na sana sila sa baybayin ng maninisid ng makita nila ang isang rebulto ng Hirang Meno.
Nakasulat sa baba nito ang mga tagapagtanggol nito at kung saan nila itinago ang kwintas ng pagsamo.

" Nako po, mali ang tinatahak nilang landas. Nasa kweba ng mga sirena ang kwintas wala ito sa baybayin ng mga maninisid." sambit ni Tome.

" Kung gayon ay kayo na ni Tome at Hira Mia ang mauuna sa kweba ng mga sirena.  Tiyak ko naman na mabilis ako makakalipad upang masundan sil Haring Arden papunta sa babayin ng mga maninisid upang sabihan sila na mali ang kanilang tinatahak." mungkahi ni Neri.

" Sige basta mag iingat ka ah!" mariing paalala ni Mia.

" Oo naman ako pa, Ikaw Tome huwag mo pababayaan ang Hira Mia ah, sige na aalis na ako para maabutan ko sila." pagpapaalam ni Neri.

Lumipad na nga si Neri patungo kila Haring Arden.

HirangWhere stories live. Discover now