do we exist

19 5 2
                                    

Nagtalukbong na si Eleanor ng kumot. Napangiti ako.


Maya-maya ay may kakaibang liwanag ang bumaba mula sa kalangitan. Mula sa maliit ay nagbukas ito na parang isang lagusan. Tumingin ako muli sa pwesto ni Eleanor.


"Masaya akong nahanap mo na ang realidad na kailangan mong hanapin. Kahit hindi ito kasing ganda o kasing enggrande ng iniisip mo," sabi ko.


Tumingin ako kay Temu. Nakikita ko ang pagtanggap sa kaniyang mga mata. Tumango lang siya bago nagpalit sa kaniyang orihinal na anyo, isang bato.


Sa huling pagkakataon, tinanaw ko ng tingin ang litrato naming tatlo na nasa ibabaw ng lamesa, sa tabi ng kama ni Eleanor.


Who's going to remember that we exist?

The Universe Of Realitiesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن