The Shadows

56 16 32
                                    

PAG-ANGAT ko ng aking ulo, nasa loob ako ng isang classroom.




It's strange.




Kilala ko ang aking mga kaklase, and at the same, parang 'di sila pamilyar. Alam ko kung nasaan ako, pero parang 'di ako pamilyar sa lugar.




Sa harap ay ang teacher ko sa English, si Mrs. Jimenez, na nagsusulat sa pisara. Inilibot ko ang tingin sa buong classroom, nakatuon ang atensyon ng lahat sa kani-kanilang libro. Sa bandang unahan, ang mga nakaupo ay tahimik at mukhang iniintindi talaga ang binabasa. 'Yung mga nasa gitna—isa na ako do'n—ay mga lumalaban na lang sa antok. Sa bandang likod naman ay pwesto ng mga pasimpleng nagkukuwentuhan.




Nakatulog nga lang ako. Sabi na, e! Imposibleng totoong may lugar na tinatawag na island of nothing. Realities? Different versions of me? Saan ko ba napulot ang mga ideya na ito at pati sa panaginip ko ay naiisip ko ito?




Kinurot ko ang aking sarili. Malay ko ba kung ito pala ang panaginip. Sa kapanatagan ng loob ko, nakaramdam ako ng sakit.




Itinuon ko ang atensyon sa aming binabasa. Ano nga bang page ulit 'yon? Page 125.




Nakumbinsi ko na ang aking sarili na panaginip lang ang lahat ng nangyari—na dala lang talaga ng imahinasyon ko ang isla sa gitna ng kawalan—pero nakita ko bigla sina Elias at Temu mula sa bintana. Naroon sila sa ibaba, palingon-lingon, tila nalilito kung nasaan sila.




Napatayo ako sa aking upuan na nakakuha ng atensyon ng lahat. Tinignan ko ang mga kaklase ko.




Bakit ganoon ang tingin nila sa akin?




Hinalughog ko ang aking isip, hinahanap ang dahilan ng kanilang kakaibang tingin. Nabalot ng kaba at takot ang sistema ko.




Ako 'yung...




Ako 'yung papansin. Ako 'yung walang kaibigan.




"Eleanor, what's your problem?" tanong ni Mrs. Jimenez.




"Ma'am, I just need to go to the comfort room."




Wala pa man akong nakukuhang sagot na pwede, naglakad na ako palabas ng classroom. Narinig ko pa ang bulung-bulungan ng mga kaklase kong nakaupo sa likod, malapit sa pinto bago ako makalabas.




"Ano ba 'yan, mag-c-cr lang pala gagawa pa ng eksena."




"Attention seeker talaga."




"Pwede naman lumabas na lang."




Bakit gano'n?




Ako ba talaga ito? Is this my reality?




Nagmamadali akong maglakad papunta sa kung saan ko nakita sina Elias at Temu, pero wala na sila nang makababa ako. Tumingin-tingin pa ako sa paligid hanggang sa makita ko silang dalawa sa likod ng building namin. Lumong-lumo ang itsura nilang dalawa na nakasandal sa pader. Nang makita nila ako, kaagad na lumapit sa akin si Elias.




"Hoy! Nakita mo ba itong ginawa mo?" Mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Baliw ka ba? Sabing ikaw nga lang ang pwedeng maglakbay, 'di ba?"




Napatingin ako kay Temu. Sa pagkakaalala ko kay Elias lang ako kumapit. Iyon lang naman ang plano ko. Kahit isa lang sa kanilang dalawa ang makasama ko. Paano siya napasama?




The Universe Of RealitiesWhere stories live. Discover now