The Land of Shadows

19 6 22
                                    

TIME flies so fast. It's lunch time and Soruen is still giving me a cold shoulder. Gusto ko man na kausapin siya, hindi ko na lang muna pinilit ngayon.




Nagpaalam ako sa dalawa na pupunta ako sa clinic. Nagpresenta pa silang ihatid ako, pero nagsabi ako na kaya ko nang maglakad mag-isa papunta roon. Pinagbigyan naman nila akong mapag-isa.




Pero hindi talaga sa clinic ang punta ko ng mga oras na iyon kung 'di sa likod ng Science Faculty. Medyo kinabahan pa ako dahil baka wala rito sina Elias at Temu, pero paliko pa lang ako ay naririnig ko na ang pag-uusap nilang dalawa. Napangiti ako nang mapatanong sa sarili kung bakit ito ang kanilang napiling tambayan. Wala na siguro silang mahanap na ibang lugar kung saan ay walang iistorbo sa kanila.




Habang naglalakad ako palapit sa kanila, hindi ko maiwasang isipin kung gaano na kami naging close sa isa't isa. Pinagmasdan ko silang maigi at naalalang bibili sana ako ng regalo para sa kanila nung nasa perya kami. Muntik ko na iyong makalimutan.




"Hi, Eleanor!" masiglang bati ni Temu.




"Anong ginagawa mo rito?" iritang tanong ni Elias, para bang ayaw niya akong makita. "Hindi ba dapat kumakain ka?"




"Wow... ang bilis ninyong maka-adjust dito ah. Alam niyo na agad ang schedule," sabi ko at tumabi kay Elias. Maayos pa naman ang upuan na inupuan ko. Wala lang sandalan.




"Hindi naman mahirap intindihin ang mundo ninyo," sabi niya. "So, bakit ka nandito?"




"Gusto ko lang kayo makita," sagot ko.




Kung wala kaya sila, ano ang magiging takbo ng buhay ko? Masaya kaya ang takbo ng buhay ko? Wala kayang magbabago sa nararamdaman ko?




"May problema ba, Eleanor? May nangyari bang kakaiba? Nagpakita ba sa iyo si Magnus?" sunod-sunod na tanong ni Temu.




Pa-iskwat siyang umupo sa harapan ko at tinignan ako mata sa mata. Nagdalawang isip ako kung babanggitin ko ba ang nangyari kanina sa klase ng PE, pero minabuti ko na lang na hindi sabihin para hindi sila mag-alala. Wala namang nangyaring masama at hindi naman naging matagumpay si Magnus sa kaniyang patibong.




Tipid akong ngumiti at ipinako ang tingin sa aking sapatos. "Pakiramdam ko hindi ako bagay sa mundong ito. Pakiramdam ko sinisira ko lang ang buhay ng Eleanor na ito at ang relasyon niya sa mga taong nakapaligid sa kanya."




Walang nagsalita sa kanilang dalawa. Tinignan ko si Temu. Ano kayang pakiramdam na naiipit sila sa sitwasyon ng isang tulad ko?




"Nga pala, gumawa ako ng buong pangalan para sa inyong dalawa. Kapag may nagtanong sa inyo kung ano ang pangalan ninyo, itong buo dapat ang sasabihin ninyo," sabi ko. "Temu Gin Javier ang pangalan mo rito."




Tinapik ko sa balikat si Temu pagkatapos ay tinignan ko si Elias. "Elias Madrigal naman ang buong pangalan mo, Elias."




"Dahil ba sa mga kaibigan mo?" tanong niya. Seryoso ang mga tingin niya pakiramdam ko any moment ay pagagalitan niya ako.




"Huh?"




"Sabi ko, dahil ba sa mga kaibigan mo kaya ganyan ang nararamdaman mo?"




Nag-iwas ako ng tingin. "Hindi naman."




Ang totoo ay isa ang aking mga kaibigan dito sa dahilan, pero hindi lang sila. Iyon talaga ang nararamdaman ko sa kabuuan.




The Universe Of RealitiesWhere stories live. Discover now