The Golden Child

22 7 26
                                    

"PLEASE..." pagmamakaawa ko.




Nakahawak ako sa nakausling bato at pinipilit ko ring itapak ang paa ko kung saan man may nakausling bato. Kung hindi man ang bato ang unang bibigay, siguradong hindi kakayanin ng katawan ko ang pagkapit.




Lumakad si Magnus palapit hanggang sa nakatayo na siya sa harap ko mismo. I can only imagine his smile behind his mask while looking at me. No—there won't be any smile either.




Umupo siya at hinawakan ako sa kamay, ang bawat daliri ay gumagapang sa aking balat.




"You can just die, Eleanor. And this..." Pinaikot niya ang isang daliri sa frame ng suot kong relo, "will be mine."




Tatanggalin na sana niya ang relo sa aking kamay, pero ang mga ugat ng puno ay gumapang sa kanya at kinaladkad siya palayo sa akin. Sa 'di kalayuan, nakita ko si Lolo Yayo. Hirap na hirap siyang maglakad.




"Lolo Yayo..."




Sa likod niya nakasunod naman sina Elias at Temu. Naiiyak ako sa itsura nila. Ang dami nilang sugat sa mukha at hirap na hirap din silang maglakad.




Nang magtama ang tingin namin ni Temu, tatakbo sana siya palapit sa akin, pero may pumigil sa kanya. Isang hindi nakikitang pwersa na nagsilbing pader. Sinubukan niyang gumamit ng kapangyarihan para basagin ito ngunit hindi siya naging matagumpay.




Aatake sana si Lolo Yayo, pero napigilan ito ni Magnus. Nagkapira-piraso ang mga ugat ng puno at bumagsak sa lupa. May panibagong ugat muli na umangat sa lupa, pero hindi na kinaya ng kapangyarihan ni Lolo Yayo ang mga nangyayari kaya napaluhod siya. Bigla namang bumigay ang batong kinakapitan ng kanang kamay ko.




"Eleanor!" narinig kong sigaw ni Temu.




"She's going to die anyway," sabi ni Magnus.




The next thing I see, an invisible hand is holding Lolo Yayo in his throat. Nakikita ko na sinusubukan pang lumaban ni Lolo Yayo kahit nauubusan na siya ng hininga.




Unti-unting lumapit sa akin si Magnus. Ang kaliwa niyang kamay ay nababalot ng maitim na usok. Sa tingin ko, dito nanggagaling ang kapangyarihan na sumasakal kay Lolo Yayo.




"Now you don't have any choice, Eleanor. Wala nang magliligtas sa iyo. Wala ka ring lakas para labanan ako. Kung tinanggap mo sana ang alok ko, edi may magandang buhay ka pa sana ngayon."




Huminto siya at ikinuyom ang kaniyang kaliwang palad.




"I offered you the world of illusions not because I can't take you down on my own. Or your friends. You hardly matter. I made an offer because I'm being kind. I know what you've been through in those realities. I want you to have a good one. But I'm losing my patience; I can't wait for you any—"




Hindi ko pinatapos ang sasabihin niya.




"I would die anyway."




Bumitaw na ako. Hindi ko hahayaang mamatay si Lolo Yayo. Ito lang ang kaya kong gawin para sa kanya bilang kabayaran sa kabutihang ipinakita niya sa akin.




Nabigla naman si Magnus sa ginawa ko Nang ma-realize niya na wala pa sa kanya ang relo, susubukan niya sana akong iligtas, pero may pwersang pumigil sa kanya.




Pumikit na ako at hinintay na lang ang susunod na mangyayari.




I am falling.




The Universe Of RealitiesWhere stories live. Discover now