The Hourglass

17 5 10
                                    

SABADO ngayon, pero dahil sa nangyari sa akin ay hindi na tuloy ang aming planong bakasyon nila Mama at Papa. Nagsabi akong maayos na ang aking pakiramdam at pwede naman naming ituloy, pero ayaw talaga ni Mama.




Pilit kong inaalam kung ano ba talaga ang resulta ng mga tests sa akin, pero wala silang ibinibigay na konkretong sagot. Puro ayos lang naman o 'di kaya'y kailangan ka pang obserbahan ang kanilang sagot. Medyo kinakabahan tuloy ako. Baka may natuklasan silang malubhang sakit sa akin. Baka iyon ang ikamamatay ko sa mundong ito.





Sa kabilang banda, nangako silang sa Lunes ay uuwi na kami. Dalawang araw na lang. Pakiramdam ko kasi ay mababaliw na ako rito sa loob ng hospital. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ayaw magtagal ng ibang tao rito kahit may mga malubha silang sakit.




Pagdating ng tanghali ay bumisita sina Inna at Arianna. May dala silang mga prutas at paborito kong pagkain, pero hindi pumayag si Mama nang alukin nila ako para kumain. Pinaliwanag ni Mama nang maayos ang dahilan at hindi naman minasama ng dalawa. Pagkatapos ay iniwan muna kami ni Mama saglit para makapagkuwentuhan.




"Pasensya na ulit ah. Nag-iingat lang," sabi ko sa dalawa at yumuko.




"Okay lang," sabi ni Inna. "Hindi rin kami masyadong nag-isip ni Arianna bago pumunta rito e. Malamang binabantayan nila ang mga kinakain mong pagkain."




Bigla kaming nabalot ng katahimikan. Siguro okay lang para sa kanila, pero deep inside ay nasasaktan sila dahil lumalabas na wala kaming tiwala sa kanila.




"Kumusta ka na?" tanong ni Arianna, pambasag sa aming katahimikan.




"Ang totoo, okay na ako. Wala na talaga akong nararamdaman na kahit anong sakit sa tiyan o sa ulo. Gusto lang nila Mama at Papa na manatili ako para ma-obserbahan pa," paliwanag ko.




"Syempre naman, Eleanor! Nakakatakot kaya 'yung nangyari sa'yo! Nung nakita ka namin ni Arianna, sobrang namumutla ka at bumubula ang bibig mo," kwento ni Inna na parang isang scene sa horror film ang kaniyang nasaksihan.




"Talaga?" tugon ko naman. I wonder if I was really poisoned or it's just an illusion on their part.




"Oo, girl!" Si Arianna ang sumagot. "Bigla ka ngang bumagsak sa lapag tapos tumama pa ang ulo mo sa kanto ng lamesa. Tapos ang tagal mo pang nawalan ng malay."




Hinawakan niya ang aking noo at nagtatakang tumingin sa isang parte. "Buti hindi ka nagkapasa. Malakas kaya ang pagkakatama mo."




Sinundan din ng aking mga daliri ang parteng kaniyang hinawakan. I guess it only proves that it's an illusion. But what about my test results? Ano kaya ang natuklasan ng mga magulang ko na kanilang tinatago sa akin?




"Buti na lang mabilis din ang iba nating mga kaklase. Tumawag agad sila ng teacher at dinala ka agad sa Clinic," sabi ni Inna.




"Gano'n ba? Thank you," sabi ko at yumuko. I should treat them all sometime. Para sa abala.




"Isa nga si Soruen sa nagbitbit sa'yo e. Alam mo ba, alalang-alala siya sa'yo? Nakokonsensya pa siya kasi kung sinabayan ka raw niyang kumain, baka hindi raw nangyari sa'yo 'to." Hinaplos ni Inna ang aking buhok.




"Oo nga pala! May nakalimutan pa kaming sabihin sa'yo," singit ni Arianna. Naghintay lang ako. "Ni-report na ng magulang mo ang tungkol sa nangyari at nag-iimbestiga na ang school tungkol dito."




The Universe Of RealitiesWhere stories live. Discover now