Time's Watch

19 7 26
                                    

HINDI ko na napigilan ang aking sarili. Bumangon ako sa higaan at bumungad agad sa aking paningin sina Elias at Temu na nasa tapat ng higaan. Nakaupo sila sa sahig. Hindi ko alam kung may pinag-uusapan ba sila, basta nakatitig lang sila nang diretso sa direksyon ko.




"Bakit 'di kayo natutulog?" tanong ko.




Ngumiti si Temu. "It doesn't really matter for us. Ikaw? Bakit ka napabangon? May problema ba?"




Umiling ako. "Hindi lang ako makatulog."




"Bakit?"




"Nag-iisip lang kung ano ang next step ko," sabay kibit-balikat.




"So ano na ang next step mo?" tanong ni Elias nang hindi nakatingin sa akin.




Niyakap ko ang aking mga tuhod at nagkuwento. Kung may makakatulong man sa akin para malaman ang kasagutan, silang dalawa rin iyon. Tama lang na sabihin ko sa kanila ang mga susunod kong gagawin.




"I need to stay alive. Ito lang talaga ang naiisip kong kasagutan sa ngayon. Kailangan ko pang mangalap ng ilang impormasyon." Wala silang naging reaksyon.




"It doesn't make sense, right?" natatawa kong sabi. "Nung nasa perya tayo..."




Huminto ako. Bigla akong kinilabutan nang maalala ang realidad na iyon. Para bang ang tagal nang nangyari no'n, pero sariwa pa sa alaala ko ang lahat.




"Ang mga nangyari do'n... pagkakamali ko. Pero may isang palaisipan sa akin sa mundong iyon..."




"Ano?" tanong ni Elias, naghihintay.




"Malaki ang kasiguruhan ko na nung nasa istasyon tayo ng tren ay doon ako mamamatay, pero nagawa kong malagpasan iyon dahil iniligtas mo ako." Tumingin ako kay Elias. "If staying alive is the answer, shouldn't everything go back to normal after that? 'Di ba? Kaya nag-iisip pa ako ng ibang bagay, baka hindi ang mabuhay ang sagot sa lahat ng 'to."




"Or maybe you're not really supposed to die at that moment," sabi ni Temu.




"Ganoon ba?"




But I was so sure I'm going to die at that moment. Ramdam ko ang katawan ko at gagawin ko dapat iyon. O baka nga mali talaga ako.




"May isa pang palaisipan para sa akin. I haven't really thought about it again, dumaan lang bigla sa isip ko. Wala ba talaga kayong way para makabalik sa inyong isla?" I pause. Nakikita ko na ang pangungunot ng noo ni Elias at ayokong magtalo kami. "I mean kung kayo ang Gatekeeper, dapat may kapangyarihan din kayo na lumabas at pumasok muli sa aming mundo."




Ngumisi si Elias. Si Temu ang sumagot.




"The reason why we cannot travel in and out is for us not to abuse our power. Wala akong ideya kung ano ang pwede naming gawin, pero tulad ng palagi kong sinasabi kailangan lang namin gampanan ang tungkulin na iniatang sa amin—at iyon ay ang bantayan ang mundo ng mga realidad, wala ng iba."




Napahikab ako. Ang hirap siguro ng trabaho nila.




"Matulog ka na ulit, Eleanor. Mahaba-haba pa ang araw mo," natutuwang sabi ni Temu.




"But you know what..." simula ni Elias. "For a moment, I thought you would forget about us because you have a good life here."




"Baliw. Hindi mangyayari 'yon. Takot ko lang sa kung anong pwede mong gawin sa'kin," sabi ko.




The Universe Of RealitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon