That Night

14 5 1
                                    

TULUYAN nang nawala ang aking paningin sa kaliwang mata pagdating ng uwian. Nahihirapan tuloy ako ngayon habang binabagtas ang daan. Nakakakita pa naman ako sa isang mata, pero nakakahilo. Malabo ang ibang bagay at hindi ko agad napapansin ang mga bagay o tao sa isang gilid.




Papunta ako ngayon muli sa hospital kung saan ako na-confine nang ako'y malason. Balak kong puntahan si Vincent kaya naman nagmadali akong umalis nung magring ang bell hudyat ng uwian. Ayokong maabutan ng dilim sa pagpunta ro'n, pero dahil sa pagkawala ng aking paningin sa kaliwang mata ay nangangapa ako sa daan.




It's strange. Now I can also feel myself slowly detaching from this body. I suddenly feel bad for myself—for Eleanor in this reality—because she's going to lose a great life she has in here.




But...




If I am supposed to die at this age just like with my previous realities, how would this Eleanor supposedly end her life?




Even up to this point of living through her reality, wala akong makitang dahilan para wakasan ko ang sariling buhay. O baka ako lang ang nag-iisip ng ganito. Maybe this Eleanor has lot of reasons to do so.




Alas singko na ng hapon nang makarating ako sa hospital. Matagal ang naging biyahe ko dahil sa traffic. Medyo kinabahan pa ako sa biyahe dahil baka magkamali ako ng bababaan. Mabuti na lang at may ilang pasahero rin ang papunta sa hospital.




Dire-diretso ang naging lakad ko papunta sa likod ng building ng hospital at mula rito ay tinahak ang sementadong daan papasok sa kagubatan. Hindi pa man ako nangangalahati sa layo ng aking nilalakad, may narinig na akong kaluskos.




Tumingin ako sa magkabilang gilid, sa halamanan, pero walang tao. Tumingala ako para tignan ang mga sanga ng puno, wala ring tao.




"Ako ba ang hinahanap mo?"




Lumingon ako sa direksyon na pinanggalingan ng boses at nakita ang aking pakay. Wala na ang takip sa kaniyang kaliwang mata. Napangiti ako. Nawalan man ako, hindi ko maiwasang hindi matuwa lalo pa't nabigyan ko siya ng paningin. At least bago ako mawala sa mundong ito, nakagawa ako ng tama.




"Anong kailangan mo sa'kin?" seryoso niyang sabi. Halata sa mukha niya na ayaw niya akong makita.




Tinignan ko lang siya. Nakasabit sa kaniyang leeg ang kwintas na naglalaman ng tinatawag niyang Chalice of truth. Mula sa aking kinatatayuan ay makikita ang pagkinang ng gintong kopita sa loob ng glass nito.




Ngayong wala na ang takip sa kaniyang mata, mas nagmukha siyang normal. Kaunting ayos lang ay masasabi kong kaedaran ko lang siya. Halos magkasing tangkad lang sila ni Soruen. Pareho pa sila ng tindig.




"Wala akong kailangan sa'yo," sabi ko.




"May sasabihin ka ba sa akin?" May halong pagkairita ang tono ng kaniyang pagtatanong. Napaisip tuloy ako kung may nagawa ba akong masama sa kanya o sadyang ayaw niya na lang talaga ako makita.




Umiling ako bilang sagot.




"You shouldn't trust me," sabi niya.




Napairap lang ako. Parang nung isang araw ang sabi niya ay mapagkakatiwalaan ko siya. Ang bilis magbago ng isip nito.




Naglakad ako palapit sa kanya. Nanatili siya sa kaniyang pwesto. May isiningit akong papel sa kaniyang kamay. Hindi siya kumibo. Ipinatong ko ang kaliwang kamay sa kaniyang kanang balikat at saka bumulong sa kaniyang tainga...




The Universe Of RealitiesWhere stories live. Discover now