The Shadows

36 14 23
                                    

I AM falling again.




This time the voice in my head is telling me to wake up. I tried.




Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. May dalawang ulo na nakalutang sa ere at apat na mata ang nakakatitig sa akin, pero malabo ang tingin ko sa mga ito.




I know them. I met them yesterday. They are the Gatekeepers of realities. Pero anong ginagawa nila rito?




Tama.




It's my fault. I dragged them here. And now, no one is guarding the island of nothing.




"Achoo!"




"Eleanor, okay ka lang?" tanong ni Temu.




Nasa right side ko siya at nasa left side ko naman si Elias. Nakasuot sila ng dalawang pares ng pamilyar na pantulog. Nahihilo man, pero hindi ako maaaring magkamali.




"Bakit ninyo suot-suot ang damit ko?" tanong ko.




"Eto ba?" Nginitian ako ni Temu. Hindi pa ako sanay sa bago niyang itsura. "Naghahanap kami ni Elias ng mas komportableng damit at ito lang ang nagkasya sa amin. Sorry."




"Gano'n ba?"




Tinanggap ko na lang. In the first place, ako naman ang may kasalanan kung bakit nandito sila. This is the least I can do for them.




Sinubukan kong tumayo sa higaan, pero bumagsak din ako ulit. Ang init ng pakiramdam ko at ang sakit ng buong katawan ko. Ito ba ang side effect ng pagbalik ko sa aking katawan? Sa mundo ng mga tao?




Hinawakan ni Elias ang noo ko.




"Nilalagnat ka."




"Huh? Pero kailangan kong pumasok..."




Hinawakan ko rin ang noo ko at dahil nakahawak pa rin si Elias, pumatong lang ang kamay ko sa kamay niya. Agad niyang tinanggal ang kamay niya at dahan-dahan akong inihiga muli.




"Magpahinga ka muna," sabi niya. Sa unang pagkakataon, ngayon ko lang siya narinig na ganito... kahinahon. Pero kita ko pa rin sa mga mata niya na naiinis siya sitwasyon namin, sa akin.




"I'll make some breakfast," sabi ni Temu.




Marunong kaya siyang magluto? May alam kaya siyang pagkain dito sa mundo? At parang sagot sa katanungan ko, bago siya tuluyang lumabas sa kwarto, tumingin siya sa akin.




"I know how to cook. Kung may gusto kang kainin, I can cook it for you."




Umiling ako.




"Sigurado ka? This is just a one-time opportunity."




"Kakainin ko kung ano ang ihain mo," sabi ko.




Ngumiti siya at isinara na ang pinto. Naiwan kami ni Elias sa kwarto. Ang weird dahil pamilyar ako sa lugar na ito, kabisado ko ang bawat sulok ng kwarto ko, pero ang layo ng loob ko. O baka dala lang din ng sama ng pakiramdam ko




"How does it feel to be back in your world?" tanong ni Elias.




Nakasandal siya sa dulo ng kama at nakatitig sa dingding. Wala man lang kalaman-laman ang kwarto ko. Tanging mga cabinet at lamesa. Book shelf na ang laman ay puro school books. Walang kahit na anong picture na naka-display.




The Universe Of RealitiesWhere stories live. Discover now