The Man in the Mask

25 13 25
                                    

NANG lumabas ako, nakita kong magkatapat na nakaupo sina Elias at Temu sa may bintana. Humingi ako ng paumanhin sa kanila dahil sa nasaksihan nilang gulo sa bahay. Humingi rin ako ng paumanhin dahil wala akong pagkain na maihahanda para sa kanila. Walang laman ang ref at wala rin akong pera pambili ng pagkain para sa kanila dahil walang natira sa ipon ko.




Ayos lang naman sa kanila dahil hindi naman nila kailangan kumain. Nag-alok si Temu na gamitin ang kapangyarihan niya, pero ako na ang pumigil dahil baka mag-away na naman sila ni Elias. Naupo na lang ako malapit sa kanila.




"So, anong gagawin natin?" tanong ko. "Wala kaming tv. Wala rin mapaglilibangan dito sa bahay."




I feel restless. I just want to unpack all the baggage I carry inside.




"Anong klaseng pamilya mayro'n ka sa realidad na 'to?" tanong ni Temu.




"Nasa'n magulang mo?" tanong naman ni Elias.




"Iyong isa baka nasa sugalan. Iyong isa naman baka nasa inuman," sagot ko.




Tapos ako madalas nasa eskwelahan. Itong bahay na ito, bakasyunan lang talaga namin. Uuwian lang kapag sawa na kami sa kani-kaniya naming mundo. Pupuntahan lang kapag gusto naming lagyan ng sigla ang aming mga buhay.




"Pero alam ninyo hindi pa rin talaga nawawala sa isip ko 'yung weird na lalaki kanina..." pag-iiba ko sa usapan.




"Weird na lalaki?" tanong ni Temu.




Kinuwento ko naman sa kanya 'yung lalaki na nakita ko kanina sa event na pinuntahan namin. Lahat ng detalye. Pati 'yung itsura ng maskara. Hindi ko alam kung nasusundan ba niya.




"Wala nga lang 'yon," sabi ni Elias.




"Pero wala naman akong nakitang ibang lalaki na ganoon ang itsura do'n," balik ko.




"Malay mo pakulo lang nung organizer," sabi pa niya.




"Edi sana maraming nakagano'n sa pwesto nila."




"Malay mo kumakain 'yung iba. Malay mo nasa ibang lugar. Malay mo may ibang ginagawa."




"Bakit siya nando'n lang? Tapos lumingon lang ako saglit, bigla na siyang nawala."




"E, ano naman sa'yo? Malay mo may gagawin na rin siya!"




"Saka beauty event 'yon, bakit nakamaskara siya?"




"Bakit bawal ba? May nagsabi bang bawal?"




"Kalma," sabi ni Temu kay Elias. "Baka trip lang nung lalaki na magmaskara. 'Wag mo nang alalahanin 'yon masyado, Elea—"




Sa pagkakataong iyon, malakas na kumalam ang sikmura ko. Nahihiya akong ngumiti sa kanilang dalawa.




"Okay lang ako," sabi ko kaagad.




Kahit ang totoo ay hindi. Nagugutom na ako. Wala pa akong kain simula tanghalian. Kung alam ko lang na sa sugalan babagsak ang inipon ko, hindi ko na sana inisip ang kinabukasan ko. Inintindi ko na lang sana ang ngayon at ibinili ang pera na 'yon ng mga pagkain na gusto kong kainin. Ginutom ko ang sarili ko para sa wala.




"Sure ka?" nag-aalalang tanong ni Temu. Tumayo siya at pumunta sa kusina. "Wala ka na ba talagang pwedeng makain dito?"




Binuksan niya ang kung ano-anong cabinet sa kusina. I just sigh. Wala siyang makikita. Our house is as empty as my pocket.




The Universe Of RealitiesWhere stories live. Discover now