Hole in the Sky

17 8 25
                                    

ANG DAMI kong naririnig na mga tunog. Tunog ng pagkaluskos ng sanga ng puno. Tunog ng nagsisibak ng kahoy. Tunog ng pagngitngit ng mga ngipin.




Nang imulat ko ang aking mga mata, isang pares ng 'di pamilyar na mata ang nakatingin sa akin. Kulay brown ang kulay nito at namumuti na ang kaniyang buhok.




Tinukod ko ang aking braso para suportahan ang sarili na makaupo at magkaroon ng malinaw na tingin sa aking paligid. Sumakit ang aking ulo dahil sa aking ginawa kaya napahawak ako rito.




"Wag mong pilitin ang sarili mo. Medyo malakas ang pagkakabagsak mo at malaki ang sugat mo sa ulo," sabi ng matandang lalaki.




Parang kanina lang ay tumatakbo ako sa kakahuyan... nakikipaglaban para sa sarili kong buhay.




"S-sino po kayo?" nagawa kong maitanong bago ulit bumagsak ng higa.




"Ang tawag ng mga tao sa akin sa lugar na ito ay Lolo Yayo," nakangiti niyang sagot. "Pasensya nga pala sa nangyari sa inyo ng iyong mga kaibigan. Mga tao lang ang maaaring pumasok sa lugar na ito kaya gano'n na lamang ang naging pagtrato sa inyo ng mga tagapagbantay sa lugar na ito."




"Gano'n po ba?"




Matagal tagal bago tuluyang nakapagproseso sa isip ko ang mga sinabi ni Lolo Yayo at mapagtanto ang kaniyang ibig sabihin.




"Kilala niyo po ang mga umatake sa amin?" tanong ko.




Marahang tumango si Lolo Yayo. "Ang mga umatake sa inyo ay mga nilalang na nananahan sa mga puno. Sila ang nagbabantay ng kapayapaan sa aming munting baryo sa itaas ng bundok. Maraming ganito sa mga kabundukan kaya dapat nag-iingat kayo sa pagpunta sa mga dayuhang lugar."




Kinabahan naman ako. Kumusta kaya sina Elias at Temu? Ayos lang kaya sila?




"Y-yung dalawa ko pong kasama... n-nasaan po sila?" nahihiya kong tanong.




"Nasa kabilang kwarto sila. Kanina pa sila nagising at nagpapahinga na lang para bumalik ang kanilang mga lakas. 'Wag kang mag-alala dahil ipinaliwanag ko na sa kanila ang nangyari."




Ngumiti ako nang tipid. "Ligtas sila."




Ipinatong ni Lolo Yayo ang kaniyang kamay sa aking ulo. Mainit ang kaniyang palad. I feel comfortable and welcomed.



"Marami akong gustong itanong sa iyo, Eleanor, pero ipagpapabukas ko na lamang muna ito," sabi niya. "Sa ngayon ay magpahinga ka muna para bumalik ang iyong lakas. Mahaba pa ang oras ko. Maghahanda muna ako ng pagkain. Kung may kailangan ka ay puntahan mo lang ako sa kusina."




Bago lumabas si Lolo Yayo sa kwarto ay tinawag ko siya. Siguro wala naman akong dapat ipag-alala. Nararamdaman ko namang mabait si Lolo.




"S-salamat po," sabi ko. Isang tango ang naging tugon niya.




NAKATULOG ako ng mga ilang oras. Ginising ako ulit ni Lolo Yayo ng hapon, iyong paggabi na, para kumain ng hapunan.




Pagdating sa hapag, doon ko lang muli nakita sina Elias at Temu. Mukha naman silang okay. Napansin kong naghilom na rin ang sugat ni Temu sa pisngi. Namamalikmata lang kaya ako kanina o may abilidad din silang magamot ang sarili nang mabilis?




"Okay ka na, Eleanor?" tanong ni Temu na nakaupo sa tabi ko. Si Elias naman ay katapat ko sa hapag.




"Okay na ako. Medyo gutom lang," sabi ko.




The Universe Of RealitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon