What Happened After

56 16 24
                                    

NAKAUPO ako sa isang tabi, yakap-yakap ang aking mga tuhod. Nasa tapat ko naman si Elias at Temu. Hearing them talk about the universe makes me... sleepy. Ang weird lang dahil kahit anong pikit ko, napapadilat pa rin ako at ang lahat ng sinasabi nila ay naiintindihan ko.




"So, you are saying that there are hundred different versions of me?" singit ko sa kanilang usapan.




Tumango si Elias. "We call those versions of you, the realities. And this place is the gate—more like a portal to get access to all those realities."




"How is this a gate? And what will I see in those realities?"




"Syempre sarili mo! Ang buhay mo! Ano bang klaseng tanong 'yan, Eleanor?"




"Kalma." Tinapik ni Temu si Elias sa kaniyang kanang balikat at lumapit sa akin.




Hawak ang pulang bola na palagi niyang bitbit, pinalutang niya ito at pinaikot sa aming dalawa hanggang sa magkaroon ng maraming bola sa paligid namin. Kumuha siya ng isa at inilagay ito sa kaniyang kanang kamay.




"Isipin mong ito ang una mong realidad, Eleanor. Dito sa una ay namatay ka sa edad na bente, pero maaaring dito sa isa..." Kumuha siya ng isa pang bola at nagpatuloy, "ay buhay ka pa at tatanda ng isang daang taon. The realities are your existence on different worlds."




Existence.




"So, how do I exactly find my reality?" tanong ko.




Wala akong maalala sa naging buhay ko kaya paano ako magsisimulang maghanap? Paano ko malalaman kung alin ang akin? Alam ko ang pangalan ko; Alam kong nasa isang kwarto ako bago mapunta rito; Alam kong gabi iyon, pero wala akong alam sa mga nangyari bago ang puntong ito.




"Well, I do not exactly know how. And we'll have to wait before we let you enter the universe of realities," sagot ni Temu.




"Bakit kailangan ko pang hanapin ang realidad ko?"




Nagkibit-balikat siya. "Wala pang nakakalagpas sa amin kaya hindi ko alam kung ano ang matutuklasan mo. At hindi rin namin alam kung bakit binigyan ka ng oras ng Timekeeper para maglakbay sa mga natitirang realidad mo. We never let anyone enter. May ilang makukulit na nagtatangka, sinusubukang maglakbay para baguhin ang takbo ng buhay nila at para makuha ang kapangyarihan na gusto nila... They try to use dark magic, summon entities who they think can help them, but no one has been successful. We're here to keep the order of the universe."




"May tanong pala ako."




Tumayo si Elias mula sa pwesto niya at lumapit sa amin. Ngayon ko lang napansin na nakalutang pala si Temu sa ere para pumantay siya kay Elias. I wonder how the two of them end up in here. May naaalala rin kaya sila sa buhay nila bago sila mapunta rito. Gaano na nila katagal binabantayan ang lugar na ito?




"How did you exactly end up here?" tanong niya. "Anong ginawa mo? Did you bargain with the Timekeeper?"




"Timekeeper?"




"You didn't know the Timekeeper?"




Umiling ako. They look frustrated after seeing my answer.




"By the word itself, the Timekeeper holds time. The Timekeeper decides whether you still have time to live or not," Elias explains.




Sinubukan kong halughugin ang bawat sulok ng isip ko. Kahit yata puntahan ko ang mga sulok na hindi ko pa napupuntahan, wala akong maalalang nilalang sa katauhan ng isang Timekeeper.




The Universe Of RealitiesWhere stories live. Discover now