Delusions are Realities

26 10 25
                                    

MULING nagpalit ang aking kapaligiran. Nasa loob ako ng theater room, pero wala ako sa harap ng entablado. Nakaupo ako sa pinakadulo bilang isang manonood. Tapos nakita ko pa ang aking sarili na nakaupo sa 'di kalayuan, magkasalubong ang mga kilay.




I'm watching everything as a third person.




Sa entablado, isang magandang babae ang gumaganap bilang prinsesa. Bakas sa mukha ng prinsesa at ng mga manonood ang saya. Nalalapit na ang pagtatapos, ang punto kung saan ililigtas ng prinsepe ang prinsesa. Magkakaroon na ng kapayapaan. At ano ba ang ending ng mga fairy tale? Syempre happily ever after.




Pero sa palabas na iyon, hindi happily ever after ang naging ending.




Napalitan ang ngiti ng mga manonood ng takot at kabadong sigaw nang biglang bumagsak ang isang ilaw na nagbibigay liwanag sa entablado at tumama sa magandang prinsesa.




Halos lahat ay napatayo sa kanilang inuupuan. Marami kaagad ang sumaklolo sa kanya. Tapos nakita ko ang sarili ko sa 'di kalayuan, nanatili akong nakaupo at pinapanood ang gulong ako mismo ang gumawa. Blanko ang aking mga tingin. Walang pakialam.




And I'm smiling.




That's the most horrifying thing I've seen.




Muli na namang nagpalit ang aking kapaligiran. Ngayon ay nasa isang kwarto naman ako—ang guidance office. Nasa isang sulok ako, nakamasid.




Sa isang upuan ay may dalawang estudyante na nakaupo. Ako at si Matthew. Sa katapat na upuan ay ang guidance counselor. Sa isa pang extra na upuan ay isang ginang na hindi matigil sa pag-iyak. Halong galit at lungkot ang bawat hikbi niya.




"Ang totoo, Sir, napilitan lang talaga ako na sundin ang inutos ni Eleanor. May utang po kasi ako sa kanya tapos pinilit niya akong gawin 'to para mabayaran ko siya. Sabi ko pera na lang ang ibabayad ko sa kanya, pero ayaw niyang pumayag..."




Kung isang malaking drama ang buhay, bibigyan ko ng award si Matthew bilang Best Actor sa galing niyang magsinungaling at magpanggap.




"Pinilit niya lang talaga ako, Sir. At saka hindi ko talaga alam na ganito ang magiging kalalabasan ng plano niya. Ang sabi niya guguluhin lang namin ang ibang props para sa play. Nangako siyang walang masasaktan. Wala akong alam tungkol sa ilaw," dagdag pa ni Matthew.




"Napakawalang hiya ninyo," sabi ng ginang habang umiiyak. "Alam niyo bang may posibilidad na mabulag ang mata ng anak ko dahil sa ginawa ninyo?"




"Eleanor..." tawag ng guidance counselor.




Naalis na ang atensyon ko kay Matthew at sa ginang. Tinignan ko ang sarili ko at doon ako nagsimulang maluha. Nakangisi ako. Para bang isang malaking kalokohan ang naririnig ko. What's worst is that my face shows no sign of remorse.




Napapikit ako at napatakip sa aking tainga. "Please, tama na! Ayoko na! Hindi ko na kaya!"




Ayoko nang makita ito! I know I don't deserve to live, but please make it stop.




At parang may kung anong pwersa ang biglang humigop sa aking kaluluwa. Tapos may boses sa aking tainga na bumulong: Think about my deal, Eleanor. I'm here when you are ready.




Nang magdilat ako ng aking mga mata, nasa harap ko na sina Elias at Temu. Tumingin tingin pa ako sa paligid para makasigurado na nasa kasalukuyan na ako, na nasa mundo na talaga ako ng mga normal tao. As in 'yung normal na tao sa standard ko. Lumingon ako sa likod. Nando'n ang horror house at nakalabas na kami.




"Eleanor, anong nangyari?" tanong ni Temu.




"Is it that man again?" Umupo si Elias sa harap ko para matapatan niya ako. "Ilang beses ko bang sinabi na 'wag mo siyang sundan? Ano ang hindi mo maintindihan sa paalala namin?"




Hindi ako nakapagsalita. Wala akong lakas ng loob na magpaliwanag sa kanya kung ano ang nangyari because I would end up remembering those moments I'm trying to forget. Ang hirap kayang magpaliwanag kapag alam mong ikaw ang masama.




Tinignan ko lang ang repleksyon ko sa kaniyang mga mata. I am suddenly reminded of how cruel I am as a human being.




I can't believe I was so desperate to sabotage someone just because I didn't get to play the lead role.




Dinamay ko pa si Matthew sa katangahan ko, sa pag-aakalang tanggap niya ako at mahal niya ako hanggang sa punto na kaya niya ring gawin ang lahat para sa akin.




Sa huli, siya rin ang bumaligtad. Siya'y naging isang hamak na biktima lang sa paningin ng iba. Kahit ang totoo ay nangako siya na gagawin niya iyon para sa akin dahil deserve ko ang maging bida. At sa huli, ako lang ang masama. Ako ang inggitera.




And it was all because of a single role in the play.




Bakit kasi kailangan maganda at gwapo lang ang pwedeng gumanap na bida? Bakit palaging sila ang unang napipili? Bakit palaging sila ang may free pass? Bakit parang kaakibat ng ganda ng itsura ang husay at galing?




"Eleanor, okay ka—"




Hinawi ko ang kamay ni Temu.
Tuloy-tuloy ang naging pagbagsak ng luha ko.




Nagulat ako nang bigla akong hawakan ni Elias sa magkabilang balikat. "Why are you crying again? Where did you go? What happened?"




Hinawi ko ang mga kamay niya at tumayo na habang nagpupunas ng luha. Lalo lang akong naluha. Why do they always have to see me in this kind of situation? Why can't I have a better reality?




"Uwi na tayo," sabi ko lang at nauna nang maglakad.




Sira na ang mga plano ko. Balak ko pa naman sanang bumili ng regalo para sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung mabibitbit nila iyon sa paglalakbay namin, pero gusto kong may maibigay sa kanila as a token of... friendship.




Pero nasira na ang plano ko. Paano ako haharap sa kanila na ang pakiramdam ko sa sarili ay walang kwenta?




For a moment, I'm lost in thought. Little did I know that moment is everything. I hear a loud honk of an approaching car, but my foot still takes that one crucial step. And everything went black.





¤¤¤





To live is the rarest

thing in the world.

Most people exist,

that is all.

– Oscar Wilde.





¤¤¤





Hi! Votes and comments are highly appreciated. Thank you! xoxo.

The Universe Of RealitiesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora