Staying Alive

26 12 32
                                    

PAGDATING ng alas dos, naghanda na ako sa pag-alis. Pumanhik ako sa baba dala ang mga damit ko para maligo. Tinulungan naman ako nila Ate Maya at Ate Jane na makapuslit ng pasok sa bahay nang hindi napapansin ni tita.




Alas tres ang napag-usapan, pero heto at alas tres na ay aalis pa lang ako—kami pala dahil sumama sina Elias at Temu.




"Hindi niyo talaga kaya mabuhay nang hindi ako kasama, ano?" mayabang kong sabi. "Umamin na kayo, kailangan niyo rin ako."




Bumusangot agad si Elias, pero wala siyang sinabi. Natawa naman ako nang makita ang mga suot nila. Ang sabi ko ay magsuot ng normal na damit. Akalain mong uniporme pa rin ang sinuot. Ipinagmamalaki na ilang taon silang paggala-gala sa mundo, pero hindi alam kung paano makiuso sa pananamit. Mukha tuloy akong may mga kasamang nagcutting class.




"Ano pala 'yung eksakto bagay na kailangan mong gawin, Eleanor?" tanong ni Temu.




Nasa footbridge na kami naglalakad. Mula sa taas, tanaw ko na ang Dalisay Station.




"It's not something I can put an exact name, Temu. Basta may kailangan akong gawin." I pause. "Pero magagawa ko lang iyon kapag dumating na ang tamang oras."




"Kailan ang tamang oras?"




"I-iyon ang hindi ko alam. Don't worry—"




"Siguraduhin mong totoo 'yang mga sinasabi mo!"




Parang lahat ng dugo sa katawan ko nag-akyatan papunta sa ulo ko nang magsalita si Elias. Napaka-negative talaga.




"Oo! Sigurado ako sa balak ko! Ang ganda ganda na ng usapan namin ni Temu, sumingit ka pa!" Tumingin ako kay Temu. "Paano mo natitiis kasama ang isang 'to? Hindi ka ba nagsasawa?"




Natawa si Temu. "Siguro nakasanayan na lang."




"Nakasanayan? At para namang gustong gusto kita kasama!" galit na sigaw ni Elias.




Natapos na lang ang mga bangayan namin nang makarating na kami sa mismong istasyon ng tren. Naglakad-lakad kami sa paligid nito hanggang sa mamataan ko ang pwesto ni Nanay Josie. Kaagad akong kumatok sa munti niyang stall.




"Nanay Josie?" nakangiti kong tawag. Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya. "Nanay, pasensya na kung late ako! Nahirapan akong tumakas sa bahay."




Ngumiti si Nanay Josie. "Okay lang. Nagmeryenda ka na ba? Kumain ka muna."




Inalok agad ako ni nanay Josie ng pagkain, pero tumanggi ako. Nakakahiya kung kakain ako agad nang wala pang naitutulong.




"Nagmeryenda po ako bago umalis," sabi ko kahit hindi naman talaga. "Kayo talaga, Nanay! Pinapakain niyo agad ako nang wala pang ginagawa para sa inyo. Tulungan ko muna po kayo sa pagtitinda."




"Eh 'yung dalawa mong kasama? Baka nagugutom sila."




Nilingon ko sina Elias at Temu na may weird na facial expressions. Gusto kong tanungin kung bakit ganoon ang mga mukha nila, pero baka mauwi lang sa bangayan ang lahat.




"Kumain na rin po ang mga 'yan. Nandito sila para tumulong sa akin."




"A-ano—!" Tinakpan ko agad ang bibig ni Elias. Sabi na siya ang unang magre-react.




"Nanay, unang araw mo po ba itong magtinda rito?"




"Oo," sagot ni Nanay Josie.




The Universe Of RealitiesWhere stories live. Discover now