Delusions are Realities

17 11 27
                                    

NAKABIBINGING mga sigawan. Masasayang ngiti. Mga mukhang pinipigilang masuka. Pinagmasdan ko ang paligid ko habang naghihintay na makasakay sa roller coaster.




Nung bata ako, sa sobrang babaw ng kaligayahan ko, laging nasa bucket list ko ang makasakay ng roller coaster. At ngayon ay nasa harap na ako nito.




Pagbukas nung lalaking nagbabantay ng gate, mabilis ang naging lakad ko para makaupo sa pinakadulo. Mas nakakatakot na pwesto, mas nakaka-excite. Mag-isa lang ako rito tapos sina Elias at Temu ay nasa unahan ko.




Nung una confident pa ako, nakataas ang kamay sa ere. Tawa-tawa. Nang medyo bumagal dahil may pababa, dito ako lalong nabuhayan. Gusto ko maranasan 'yung pakiramdam na maiwan ang kaluluwa sa taas. My grip tightens on the rail and I brace myself on what's to come.




"Waaahh!" tili ko.




I didn't know it actually feels good to scream at the top of my lungs.




Nang matapos ang ride, bagsak ang mukha ng dalawa. Parang wala lang sa kanila 'yung naranasan nila. Hindi kaya nila naramdaman 'yung feeling na naiwan ang kaluluwa nila sa itaas?




"Anong masaya sa ride na 'yon?" tanong ni Elias with a poker face.




"Ewan ko rin." Nagkibit-balikat si Temu. He also doesn't look too happy at all.




"Grabe kayo! 'Yung iba sa mga 'yan, childhood dream pa ang makasakay ng roller coaster."




Katulad ko.




"Psh..." bulong ni Elias.




Well, kung hindi sila mag-eenjoy, ako na lang ang mag-eenjoy para sa kanila.




Sunod akong nag-aya na sumakay sa ride na octopus. Nung una matapang ako, pero nang makasakay kami ay bigla akong nanginig sa takot dahil bukod sa umiikot ang galamay nito, umiikot din pala ang upuan nito at nagpapalit palit pa ito ng taas.




Sumakay din kami ng catterpillar at carousel (mga pambata.) Pagkatapos ay inaya ko silang kumain ng barbeque, isaw at betamax. Nung una ayaw nilang kumain, pero pinilit ko sila. Any moment baka bumalik na sila sa kanilang isla.




"Walang ganito ro'n," sabi ko pa, pero syempre wala lang sa kanila.




Lumalalim na ang gabi. Syempre hindi makukumpleto ang experience ko kung hindi ako maglalaro ng color game. Pinangarap ko rin 'to. Ang mag-aksaya ng pera sa color game.




"Okay lang ba na gastusin mo agad 'yung pera mo ng isang gabi?" tanong ni Elias.




"Oo naman! Wala naman akong pag-iipunan," sagot ko at naglapag ng bente sa kulay pink. "Isa pa, pinagpaguran ko naman ang ginagastos ko ngayon."




And I might have learned this from my past reality too. Mas mabuti nang aksayahin ko ang pera ko ngayon, sa bagay na magbibigay kasiyahan sa akin, kaysa mapunta sa wala. Hindi ko naman dadalhin sa kamatayan ko ang pera na iniipon ko.




Unang taya nakapanalo agad ako. Inudyukan ko ang dalawa na tumaya rin tapos hinatian ko sila ng napanalunan ko sa unang laro. Si Elias, kunwari pang concern sa kalagayan ng pera ko. Ang ending, nag-enjoy din naman silang dalawa ni Temu sa paglalaro.




May mga kulay na talo, pero hindi naman kami lugi sa laro. Nadagdagan naman ang panggastos namin kahit papaano.




Nang magsawa sa color game, naglakad-lakad kami para maghanap ng iba pang pwedeng laruin. Nagtry kami ng darts at shooting guns. Sa pagtingin-tingin namin, nahinto kami sa tapat ng ferris wheel.




"Uy, bente lang kada tao! Tara!"




Hindi ko alam kung bakit mas mura siya ng limang piso kaysa ibang rides, pero sayang naman. Hinila ko agad ang dalawa palapit sa ticket booth at bumili ng tatlo. Buti na lang nagpupuno pa.




"Hay," malakas na buntong hininga ni Elias nang magsimulang umikot ang ferris wheel.




Sa una ay dahan-dahan. Tumingin ako sa labas at dinama ang malamig na simoy ng hangin. Napangiti ako nang mas gumanda ang tanawin pagdating namin sa tuktok.




It's almost as if I'm on top of a skyscraper, looking at the city lights.




So this is what it feels like when you're on top.




It's almost romantic.




Pero...




Bakit ba laging may pero?




"What's so special about this?" tanong ni Elias.




Tinignan ko siya nang masama. "Wag mo nga sirain ang mood! Ang ganda ganda na, e! Alam mo bang pangarap ng maraming babae 'to."




Minsan ko kayang pinangarap na makasama sa isang date si Matthew—'yung formal na date—tapos sasakay kami ng ferris wheel at...




"Star gazing is the better option," sabi niya.




Tumingala naman ako para tignan ang langit sinasamantala na nasa tuktok pa kami. Maraming bituin ngayon sa langit at maliwanag ang buwan. Walang indikasyon ng ulan.




Tumingin ako kay Elias na seryosong nakatingin sa langit. Bakit ba nag-eexpect akong maiintindihan niya ang nararamdaman ko? He's not human after all.




Iba ang pananaw niya dahil iba ang mundong nakagisnan niya. Magkaiba kami ng kalagayan at magkaiba kami ng gustong mangyari sa buhay. After all, we have different roles to play.




Pagbaba namin ng ferris wheel, may isang bagay na lang akong nasa isip na gustong gawin. Alam kong napaka-anti climatic nito. Para bang panira ng mood. Kaso anong magagawa ko? Wala naman akong sinusunod na listahan kung ano ang uunahin at ihuhuli ko.




Syempre, ayokong matapos ang araw na ito nang hindi nasusubukan ang horror house.




"Talagang gusto mo?" tanong ni Elias, 'di makapaniwala.




"Hindi ka natatakot, Eleanor?" tanong naman ni Temu.




"Hindi naman. Bakit may nasesense ba kayong masama o kakaibang aura?"




"Wala naman, pero—" Hindi na naituloy ni Temu ang sasabihin.




Ngumiti ako at bumili na ng tatlong ticket. Medyo mahal. Trenta. Siguro worth it ang takot kaya mahal. Mas nakaka-excite tuloy.




"Wala 'yan." Itinaas ko ang kanang kamay ko. "Promise, sa inyong dalawa lang ako didikit at kung sakali man na makita ko ulit 'yung nakamaskara, hindi ko siya susundan."




Tumingin ako sa paligid. Hindi pa naman siya namamataan ng mga mata ko. At wala pa naman akong naramdaman na kahina-hinala, 'yung para bang may nagmamasid sa amin.




"Anyway, wala rin siya sa paligid. Isa pa kasama ko naman kayong dalawa," dagdag ko.




"Kampante masyado, Eleanor?" pairap na sabi ni Elias.




Ngumiti lang ako. Ewan ko ba. Nasasanay na ako sa presensya nila. And as time passes by, I realize I'm relying more and more to them.




Nauna na akong maglakad. Muli akong binati ng malaking sign board: BAHAY NG LAGIM.




But all my smile and excitement disappears as soon as I step inside the horror house. Darkness engulfs me. Somehow, it feels like I'm in a different place.




Lumingon ako sa likod, pero wala sina Elias at Temu. Wala rin 'yung ibang tao na kasabay namin papasok. Tanging kadiliman. Nang ibaling ko muli ang tingin sa harap, ang tangi ko lang nakita ay ang pamilyar na maskara, nakalutang sa ere.

The Universe Of RealitiesWhere stories live. Discover now