"Mama! Alis po muna kami ni Tori. Magbobonding lang po kaming magpinsan."tumatawang paalam niya kay Auntie Vina.

Mula sa kusina ay lumabas si Auntie Vina.

"Ikaw talaga na bata ka! Kung san-san mo dinadala si Tori. O siya mag-iingat kayo. Pag naulit ang nangyare noong dinala mo sa dagat si Tori naku sinasabi ko sayo, Pete malilintikan ka saakin. Anak na ang turing ko diyan sa pinsan mo. Ingatan mo yan babae 'yan hindi yan katulad ng madalas mong makasama na mga kaibigan mong lalaki baka makalimot ka at kung saan saan mo dalhin."litanya ni Auntie Vina kay Pete napapangiwi at napapakamot na lang sa ulo si Pete habang nakikinig sa ina niya.

"Mama, maglalaro lang ako ng basketball doon sa court sa Caligtan at isasama ko si Tori."

"Bantayan mo si Tori at iuwi mo dito sa bahay ng walang galos."bilin ni Auntie Vina kay Pete at nilingon ako."Tori, gusto mo ba talagang sumama? O pinilit ka lang nitong si Pete? Naku! Nabola ka ata nito at binilhan mo pa ng laptop. Sana ay hindi na."umiiling na sinabi ni Auntie Vina.

I smiled softly."Ayos lang, Auntie Vina. Pinsan ko naman po si Pete at kayo lang ang pamilya ko."

Nakangiting bumuntong hininga si Auntie Vina saakin at sa huli ay tumango.

"Grabe talaga si mama."umiiling-iling na komento ni Pete nang makalabas na kami ng bahay at naglalakad na.

"Hindi ko na dinala iyong sasakyan. Magtricycle na lang tayo?"sumulyap siya saakin.

Tinanguan ko siya."Sige."

Huminto ang tricycle sa labas ng Court sa Caligtan.

"Salamat, manong."Pete said playfully at bumaba na kami.

Agad kong natanaw sa loob ang mga pamilyar na tao. Naglalaro na sila ang iba naman ay nagtatawanan.

"PETE!"lumingon silang lahat sa gawi namin. Kumaway si Pete sakanila at nagsimula ng maglakad samantalang ay naiwan naman ako na parang biglang hindi na kumportable sa mga tao doon.

Napansin naman ni Pete na hindi ako naglakad kaya huminto siya at nilingon ako. Patakbo siyang bumalik sa akin.

"Ayos ka lang ba?"

"Oo."sagot ko.

Pero nanatili ang mariing tingin niya saakin habang sinusuri ako.

Napatili ako ng buhatin ako bigla ni Pete."Pete! I said I'm okay!"I almost shouted.

Umiling siya."Baka sumasakit ang paa mo kaya bubuhatin na kita. Malapit lang naman kaya huwag kang malikot diyan at baka mahulog ka. Patay ako kay mama ulit pag nagkataon."

Napanguso na lang ako at hinayaan siyang buhatin ako.

"Pete! Girlfriend mo?"

Maingat akong ibinaba ni Pete at humalakhak sa lalaking nagtanong.

"Siraulo! Pinsan ko 'to."at inakbayan ako."Binuhat ko na baka kasi sumasakit ang paa. Naaksidente kasi noong isang araw."paliwanag niya at nagtawanan naman ang lahat.

"Gentleman ka naman pala."si Mariano!

"Sa pinsan ko lang."Pete grinned.

Tumango si Mariano at bumaling saakin kaya naman nahigit ko ang hininga ko."Welcome back, Tori. Kamusta? It's been a long time."tinanguan niya ako.

Tipid lang akong ngumiti sakanya.

"Trek!"lumingon siya sa likuran at agad akong nagpanic ng tinawag niya si Trek. Hindi ko alam kung bakit ganito ang inaakto ko ngayon but damn! Trek is making me nervous! Hindi lang si Trek ang nandito kundi ang buong kaklase niya sa section 1, si Jack at Ephraim at si Stash.

Trek StallixOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz