Kabanata 6

2K 52 0
                                    

Kabanata 6

"Oy! Napapansin namin ang pagiging malapit mo sa mga section 1, ah? Hindi ba mga nambubully ang mga iyon sayo dati? Bakit biglang bumait? Baka may pinaplano ang mga 'yan?"bintang ni Dina.

Tinignan siya ni Gerald at umiling na lang sa sinabi ng babae. Nasa canteen kami ngayon at andito din ang mga section 1 kasama nila si Trek na madalas na sakanila tumambay o di kaya kasama ang mga pinsan at kuya nito, naglalaro ng basketball.

"Nakakapagtaka din na section 2 iyang si Trek Stallix? Mukhang mabait pero..."duda ni Dina.

"Alam mo..."nginuya muna ni Gerald ang kinakain bago nagpatuloy sa pagsasalita."Ang dami mong alam! Bintang ka ng bintang. Hindi mo ba kilala ang Stallix? Para namang hindi ka dito sa Caligtan lumaki ah? E sa ibang bayan nga ay kalat at kilala sila na malinis at madignidad na pamilya e. Wala pang kahit na anong anumalya ang nadawit ang pangalan nila. Walang bahid ng dungis ang pangalan nila kaya nga madaming tumitingala sakanila tapos ikaw na isang hamak na grade 9 ay panay ang duda sa mga Stallix."mukhang badtrip si Gerald.

"Di naman sa ganon,"ngumuso si Dina."pero ang sabi kasi ni Pau--"

"Iyan nagpapaniwala ka sa Paul na 'yan."iling ni Gerald.

Di na rumebat si Dina at hinayaan na lang si Gerald at first time na nangyare yon. Sabagay di hamak na mas kilala ni Gerald ang mga Stallix. Sa pagkakaalam ko driver ng mga Stallix ang papa ni Gerald. Mayaman naman sila ang kaso tinakwil ng pamilya ng mama niya sila dahil ayaw sa papa niya kaya napilitan silang tumira at magtago dito sa Caligtan iyon ang history ni Gerald.

"Galit na galit?"tumawa si Dandan na kanina pa abala sa kinakaing siopao.

"Hindi naman. Mabait kasi ang mga Stallix at tinanggap nila si papa noong panahong walang-wala kami."kibit-balikat na sagot ni Gerald na parang biglang naging sentimental.

Hindi ko namalayan na matagal na pala akong nakatitig sa grupo nila Trek dahil sa pagkukuwentuhan namin kaya nagulat ako ng kumaway sila saamin.

"TORI AND FRIENDS!"tawag nila samin."Halika kayo dito! Sama-sama tayo!"

Nagkatinginan kaming magkakaibigan. Tatanggi na sana kami ng tumayo ang ilan sakanila at lumapit saamin.

"Hi Tori and Friends!"friendly na bati nila samin."Sorry ah. Sana bati-bati na tayo. Malapit na ang intrams. Magtulong-tulungan tayo at talunin natin ang mga higher level."

"Hmm, pag-isipan namin."pataray na sagot ni Dina.

Tumawa naman sila at umiling."Joker pala itong kaibigan mo, Tori."

"Excuse me! Ikaw talaga, Mariano!"singhal ni Dina kay Mariano.

Magkakilala sila. Iyon lang ang sinabi ni Dina saamin dati n'ong unang beses kaming magtanong.

"Oh! Sorry na! Init naman ng ulo mo agad. Porket nabasted kita dati!"nakakalokong tumawa si Mariano.

Nanlaki ang mata ni Dina at dali-daling tumayo para sapakin sa braso si Mariano.

"Bwisit ka! Doon kana nga!"pagtataboy niya sa lalaki.

"Oy! Oy! Ano 'yan! May issue kayo? Ang landi ah!"

"Di naman tipo ni Mariano iyang si Dina e!"

"Tumigil na kayo!"tumayo si Gerald."Bumalik na kayo doon, Mariano."

"Sorry, tol. Si Dina kasi pikon masiyado."tatawa-tawang sabi ni Mariano. Umirap naman si Dina.

Sa huli bumalik na sila Mariano sa table nila. Si Trek naman ay umiling na para bang nanghihingi ng pasensya sa mga kaibigan.

Trek StallixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon