Kabanata 15

1.7K 50 2
                                    

Kabanata 15

Today is our 1st anniversary. We planned it to celebrate in the restaurant of Demoure beach resort and restaurant, secretly. I am a bit excited and nervous. Nagdedate naman kami sa Carac at sa Caligtan pero ito ang unang beses na pupunta kami sa ganoong lugar dito sa Caligtan. Demoure is quite known for the long time na isa sa mga magagandang beach resort and restaurant sa Caligtan. Halos lahat ng mga turistang dumadayo sa Caligtan ay doon tumutuloy. Their service was rated 5 stars. Nakikipagsabayan na din ito sa ibang beach resort sa ibat-ibang lugar at sa ibang bansa. Kaya siguradong madaming tao doon at dahil taga rito si Trek siguradong madali siyang mamumukhaan at pati ako.

Naiisip ko kung magandang idea ba iyon but remembering Trek's smiling face like he was so happy while telling his planned I can't just say no and ruined it.

Bahala na!

Nang maghapon at uwian na hindi na ako mapakali. I can't wait see him.

"Hindi ka nanaman ba sasabay saakin?"Cristina asked, raising her brow.

I pouted."Hindi. May...gagawin pa ko."

She eyed me suspiciously. I held my breath as she stare for so long before shrugging her shoulders."Okay. May lakad din naman ako e. Itetext ko na lang sila mama. Ikaw din itext mo sila. Mauna na ko."at naglakad na siya paalis. Nakita ko pang may tumawag sakanya. Babae iyon. Lumapit doon si Cristina at sabay na silang naglakad.

She have a girl friend? Medyo nagulat ako doon at nandun pa din ang atensyon kaya hindi ko naramdaman na dumating na pala si Trek. Ni hindi ko ito napansin kung hindi pa magsasalita.

"Tori,"he called me.

Napakurap-kurap ako at nilingon siya."T-Trek!"medyo gulat na sambit ko sa pangalan niya dahil nasa harap ko na siya.

"May problema ba?"he asked. Tinignan niya din iyong kinatatayuan nila Cristina na tinitignan ko kanina pero wala na doon sila Cristina, nakaalis na.

I smiled cheerfully before I shooked my head and turn to face him."Wala. Si Cristina lang. Ah, sinabi ko na hindi ako sasabay sa pag-uwi sakanya ngayon."I answered.

Tumango siya at nagpalinga-linga sa hallway. Wala ng masiyadong tao at medyo tahimik na din dahil siguro halos nag-uwian na ang buong grade levels.

"Can I hold your hand?"he asked, a little bit hesitant.

"Sige."pagpayag ko.

Medyo umawang ang labi niya bago tumango at ngumiti."Thank you."

We walked in silence but not in an awkward way. Para bang ninanamnam lang namin ang sandali. We are cherishing this moment because...it's our 1st anniversary. Nuong sinagot ko si Trek hindi ko naman inisip na aabot kami dito. And it just feel so...warm. I feel so love while Trek is holding my hand. Hindi ko mapigilang kiligin.

Sumulyap siya saakin, may multo ng ngiti sa labi kaya napanguso ako.

"Namumula ka?"puna niya, ngayon ay binigay na saakin ang buong atensyon wala na sa nilalakaran namin.

"Hindi ah. Tumingin ka nga sa daan baka madapa ka."pag-wawala ko sa usapan.

Umismid siya at umiling."Pag nadapa ako, madadapa ka din kasi magkahawak ang kamay natin."sabay taas at pakita niya sa kamay naming magkasalikop.

"Tss."I wanted to sound annoyed pero parang bata lang ako na mas lalong humaba ang nguso tila nagpapacute pa.

"Dalawa tayong mahuhulog, Tori. Pero sisiguraduhin kong hindi ka masasaktan."aniya.

Napangiti ako at marahang tumango sakanya. Alam ko. Hindi niya ako sasaktan. Ramdam ko iyon lalo na pag magkasama kami at sa mga panahon na hindi.

Napawi lang ang ngiti ko ng makita ko doon ang basketball team at ang ilang lalaki at mga babae na hindi ko kilala.

Trek StallixWhere stories live. Discover now