Kabanata 26

1.6K 45 1
                                    

Kabanata 26

Pag-uwi namin ni Cristina ay pareho kaming nagulat ng makita ang sasakyan ng Stallix. Buong akala ko ay ang mga magpipinsang Stallix lang ang nandito sa bahay kaya laking gulat ko ng makita mismo si Ryder Stallix nagtatawanan, kausap si papa.

"A-andito na po kami, papa,"Cristina paused."mama."she continued.

Nakangiting sinalubong kami ni mama.

"Mabuti naman at nakauwi na kayo. Kamusta ang araw sa eskuwelahan? Ikaw, Cristina,"binalingan ni mama si Cristina, nang may pag-aalala ang mukha."Kamusta?"

Cristina shrugged her shoulders."Ayos lang po, mama. Wala namang nagbago. May bisita po pala tayo."sagot niya at nalipat ang tingin sa bisita namin ngayon.

"Ah, oo."tinanguan ni mama si Cristina at sumulyap kay Ryder Stallix.

"Naipatingin niyo na ba sa espesyalista ang tinamong paso sa kamay ng panganay niyong anak?"mula sa pagkakaupo sa sofa ay tumayo si Ryder Stallix at nilapitan kami.

"Kamusta ka, hija?"tanong niya kay Cristina.

"Ayos lang naman po. Hindi naman...malala."Cristina answered.

Ryder Stallix nod at her lightly before he turn his attention back to my parents.

"Alam no naman, Victor, kaibigan kita at ayokong nagkakaroon ng problema ang mga pamilya natin. Alam mo naman siguro ang kapatid ko na iyon. Kilala mo iyon. Noon pa man ay ganoon na talaga iyon, matigas ang ulo at padalos dalos kaya siguro hindi na ako nagtaka kung namana ng anak niya ang ugaling ganoon."naiiling na sabi ni Ryder Stallix kay papa.

Papa chuckled."Naiintindihan ko naman ang dahilan ni Cadrick. Anak niya iyon kaya hindi niya mahihindian. Pero hindi ko din hahayaan na makanti ang kahit sino sa anak ko, Ryder."

Matiim na tumingin si Ryder Stallix kay papa bago tumango."Naiintindihan ko. Lalo na at puro babae pa ang anak mo. Sana ang nangyare ito ay hindi makasira sa pamilya natin?"

"Hindi naman napahamak ng mga Stallix ang mga anak ko kaya sa tingin ko ay hindi ito magiging lamat ng pagkakaibigan natin, Ryder. Sana lang ay huwag ng maulit."dad said seriously.

Ryder Stallix nods his head and smile reassuringly."Bukas ay papupuntahin ko din ang mga bata dito para humingi ng pasensya sainyo. Si Cadrick ay wala sa Caligtan at abala sa trabaho pero huwag kang mag-alala uuwi din iyon at bibisita kami dito o kung nakakahiya at baka maabala kayo ay maari ba namin kayong imbitahan sa mansion?"

"Hindi na kailangan na pumunta ng mga bata dito, Ryder."umiling si papa."Mga bata pa sila siguradong matututo din ang mga iyon balang araw."

Ryder shooked his head showing his disapproval."Hindi. Kailangan nilang matuto habang bata pa. Papupuntahin ko sila dito mismo bukas. Hindi ko lang naisama ngayon dahil nagsuntukan kahapon si Trek at Calder."

"Ang bunso mo? Hindi ganoon ang pagkakakilala ko sa batang iyon."gulat na naisatinig ni papa.

Napabuntong hininga si Ryder Stallix."Inuutusan ni Trek na humingi ng tawad si Calder sa anak mo. Alam mo naman na kapag Stallix..."he trailed off."...mahirap utusang humingi ng tawad. We are full of pride."

Bigla kong naalala si Trek. Ang naging pag-uusap namin kanina. He said sorry. At hindi lang iyon ang unang beses na na nagsorry siya saakin, madalas pag nag-uusap kami sa bagay na pinag-aawayan o hindi pinagkakaintindihan siya ang laging nagpapakumbaba, siya ang unang humihingi ng tawad.

Ngayon na narinig ko mismo sa ama nito na mahirap para sa mga Stallix ang humingi ng paumanhin at magpakumbaba para sa mga kasalanang nagawa nila I can't help but to think Trek and feel guilty.

Trek StallixWhere stories live. Discover now