Kabanata 13

1.5K 45 0
                                    

Kabanata 13

Trek's first game is our first monthsary too. Sinabi niya kanina bago magsimula ang laro nila at patago kaming magkita na double celebration ang mangyayare mamaya and he's expecting me to be there sa mansion nila. Inimbita na din niya ang mga kaklase namin para hindi mahalata kung bakit andoon ako. Sinabi din niya na puwede kong isama si Cristina para payagan ako. Sinabi niyang puwede niya akong personal na ipaalam kila mama pero humindi ako. At sinabing ako na lang.

Sigurado na siya sa pagkapanalo nila hindi pa 'man nagsisimula ang laro kaya hindi ko maiwasang matawa habang iniisip iyon.

"Anong tinatawa-tawa mo mag-isa diyan, Tori?"sita saakin ni Dina. Kakasimula palang ng laro.

First game palang ay ipinasok na si Trek. Pero ang kuya niya ay nakaupo lang sa isa sa bleachers. Siguro ay mamaya pa ipapasok ng coach nila.

Hindi ako makarelate sa nangyayare sa court pero tuwing nakakapuntos si Trek o ang team nila ay napapatili na din ako kasama sila Dina na todo-todo ang cheer.

Pati pala si Mariano ay naglalaro din. Dalawang Stallix pala ngayon ang hindi ipinasok sa team. Si Ephraim at Ryx. Kapwa nakatalikod sa puwesto namin ang dalawa kaya hindi ko kita ang mga itsura nila.

"Todo cheer ah."nakangising puna saamin ni Garen na ngayon ay nakaupo lang kasama si Gerald. Naeexcite din sila sa laro pero kumpara saming mga babae ay mas fine ang akto nila.

Napapasigaw tuwing nakakashoot sila Trek pero hindi tili katulad saamin nila Dina na magkakahawak pa kaming kamay na tatlo.

"Wala naman diyan ang ex mo ah, Dina. Pero todo cheer ah."si Gerald.

"At kelan ka pa naging interesado sa basketball, Tori? Dati rati ay katabi ka namin dito ni Gerald at tahimik na nanunuod."si Garen na nakataas ang kilay.

Napalunok naman ako at bumitaw sa pagkakahawak kila Dina at Dandan. Umupo ako at parang napahiya sa ginagawa. Sumobra ata ang pagchecheer ko. Nakakahiya!

"Ano ka ba, Garen! Ang kj mo!"sabay hila patayo saakin ni Dina."Hayaan mo 'yang dalawa, Tori. Magcheer lang tayo para mainspired ang basketball team natin."

Taga ibang school ang kalaban. Siguro ay tatlong bayan ang pagitan magmula sa Caligtan bago ang school ng kalaban namin ngayon. Magagaling din sila. Kaya naman sa mga sumunod na laban ay ipinasok na din si Ryx at Ephraim. Pinalabas si Mariano at si Calder na parang hindi seryoso sa laro at sa iba ang atensyon.

Madaming nagawang puntos ang magkapatid na Stallix, Ryx at Trek. At iyon ang nagpanalo sa basketball team namin. Naghiyawan ang lahat dahil sa pagkapanalo.

Natanaw ko naman si Ran na patungo kay Trek may dalang inumin.

"TORI!"si Jack Andres iyon. Kumakaway at tinatawag ako.

"Tawag ka!"medyo tinulak ako ni Dina.

Bumaba ako at nilapitan siya."Bakit?"

"Nasa akin pala ang gatorade ni Trek. Pakibigay naman. Salamat! Una na kamo ako."nakangising sabi niya at hindi na ako hinintay magsalita.

Tumitig ako saglit sa hawak kong gatorade bago nagpasyang lapitan na si Trek para ibigay ito.

"Tori!"nilampasan ni Trek si Ran at saakin pumunta.

Agad niyang kinuha ang hawak kong gatorade at binuksan pagkatapos tinungga ang laman nun."Thanks!"

Napatango na lang ako at ngumiti."Congrats!"bati ko.

He give me a nod."Salamat."

"Trek! Tawag ka ni Coach!"si Mariano iyon.

"I'll see you later."paalam niya saakin at lumapit na kay Mariano.

Pagkatapos dumating naman sila Dina.

"Mukhang boto sayo ang pinsan ni Trek ah."kinikilig na puna ni Dina.

"Ah. Wala lang iyon."iling ko.

Sa party ay ako lang mag-isa ang pumunta. Sinundo ako nila Dina dahil masama ang pakiramdam ni Cristina at hindi makakasama saakin.

"Tori, hija!"ang mama ni Trek.

"Tita Rea."nahihiyang bati ko dito.

"Hi! I'm glad you're here. May ipapakita ako sayong paintings."mukhang excited na sabi nito at binalingan ang mga kaibigan ko."Ah, Tori's friend hiramin ko lang muna ang batang ito ah. Magenjoy lang kayo sa party at madaming pagkain diyan. Ibabalik ko din mamaya si Tori."she chuckled.

"Sige po, Mrs. Stallix. Inyo na po 'yang si Tori. Salamat po sa pag-imbita."nakangiting sagot ni Dina,  walang hiyang nararamdaman ang babae.

Tumawa si tita Rea at tuluyan na akong hinila paalis doon.

"Naipapaint ko na kay Magnolia ang picture niyo ni Trek. Naku! Sobrang ganda!"she squeezed."Nakadisplay sa hallway. Madalas matagal na napapatitig doon si Trek."

"Anong masasabi mo, hija?"tanong niya ng madala na ako sa isang frame na nakasabit sa dingding ng hallway ng mansion nila sa itaas na palapag.

"Ang ganda po!"it was indeed beautiful. Ang galing na nagpinta.

"I agree, hija. Alam mo halos kaedad lang nila Ryx ang nagpinta niyan."

Napalingon ako at suminghap."I know. Talented hindi ba?"she asked proudly.

"Mama."si Trek.

"Trek, ipinapakita ko kay Tori ang painting ni Magnolia."

Tumangi si Trek at lumapit saamin.

"Ay! Maiwan ko muna kayo may nakalimutan ako."nagmamadaling sabi ni tita Rea at umalis na.

"Happy First Monthsary, baby." He handed me a gift."Gamitin mo iyan. Para sayo 'yan."he smiled.

Nakagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko. Wala akong regalo. Hindi ko alam na kailangan palang may regalo sa ganitong okasyon.

"A-ah w-wala akong regalo."nahihiyang pag-amin ko.

"It's fine. Maging girlfriend ka lang ay regalo na iyon saakin, Tori."he said gently.

"Salamat, Trek."

Trek StallixWhere stories live. Discover now