Kabanata 33

1.9K 68 3
                                    

Kabanata 33

"Wow! Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na naging boyfriend mo si Trek Stallix. Bigatin ka pala, insan e. Sabagay madami akong narinig tungkol sayo dito sa Caligtan at sa Carac. You are a good role model student in CNS at consistent iyon hanggang makatapos ka ng grade 12. Sa ibang bansa ka nga lang nagcollege. Saan ka nga ba ulit nagcollege, Tori?"tanong ni Pete habang nagtitingin-tingin ng laptop.

"Pete, lower your voice. Baka marinig ka. Sa Koln ako nagcollege. And our relationship...is...uh...kind of secret. Kaya baka hindi iyon alam ng mga taga Caligtan."I shooked my head. Nilingon ko ang paligid at mukha namang abala ang mga tao sa kani-kanilang pinagkakabusyhan sa mga stall. Nandito kami ngayon sa bilihan ng mga cellphone, laptop, etc.

Sumulyap siya sa akin nang nakakunot ang noo."Secret? Sikreto ang relasyon niyo? Bakit niyo naman isisikreto?"he asked curiously.

Nagkibit-balikat ako at umayos ng pagkakatayo."Bata pa kami nun."simple at matipid kong sagot."Bilisan mo ng pumili."

Tumango siya at mukhang may napili ng laptop.

"I think your relationship with Trek Stallix isn't a secret in Caligtan nor in Carac."aniya nang makalabas na kami.

Huminto ako at nagtataka siyang lumingon.

"Alam naman ng lahat na nagkaroon ng girlfriend si Trek pero nagbreak din sila nung tumungtong sila ng College. Simula noon wala nang nabalitaan na naging malapit si Trek sa ibang babae. Ang usap-usapan nga ay baka hindi pa daw nakakamove on sa ex niya na iniwan siya noon."he grinned at me."Kung ikaw ang ex niya ibig sabihin ikaw ang tinutukoy nila? Iba ata ang tama sayo ni Trek."he teased.

"I don't think so. Baka hindi totoo iyang mga naririnig mo kung kani-kanino. At isa pa hindi ba may girlfriend na si Trek?"I sighed.

"Girlfriend?"kumunot ang noo niya."Sino? Sa tagal ko sa Carac wala akong nabalitaan na nagkagirlfriend ulit si Trek. Isa lang daw ang naging girlfriend nun. Kahit na madaming nagkakandarapa doon ay wala namang pinansin na ibang babae."

"How about..."I bite my lower lips."Stash?"hindi sigurado sa pangalan ng babae. Pero iyon ang pangalang narinig ko nuong tinawag siya ni Mariano dati at noong magkita kami sa dagat ni Trek.

Mahina siyang tumawa na para bang may nakakatawa akong nasabi kaya nagsalubong ang kilay ko sakanya."What?"I asked him.

"Si Stasha ba? Uh that's not his girlfriend."umiling siya."Magkaibigan daw ang pamilya ng dalawa. Hindi ko alam ang totoong relasyon nilang dalawa pero sa tingin ko hindi naman type ni Trek ang babaeng iyon."

"Paano mo naman nasabi?"

"Ewan. Lalaki din ako e. Atsaka madalas kong makalaro si Trek sa basketball. Hindi nga ako manalo-nalo doon sa one on one e."he chuckled."Hmm about that...may laro pala kami mamaya. Sama ka ah."he smile.

"What? Well I don't know I'm quite busy."I said uncertainly.

"Busy ka? Wala ka naman ng trabaho ngayon diba? Ang sabi nga ni mama ay balak mo ng umuwi sa maynila e. Hindi ba puwedeng dumito ka muna?"

Natahimik ako.

"Ah, sorry. Kung busy ka hindi na kita kukulitin. Salamat sa laptop."ngumiti siya at itinaas ang paper na dala niya. Agad na iwinala ang usapan kanina.

Naabutan ko siya na paalis na ng bahay.

"Tori?"bumaba ang tingin niya sa suot ko. I changed my clothes."May lakad ka?"he asked.

"Ah. Sabi mo may laro kayo ng basketball diba?"

"Sasama ka!? Yun naman!"he wiggled his eyebrows. Lumapit siya saakin at inakbayan ako.

Trek StallixWhere stories live. Discover now