Kabanata 32

1.8K 56 1
                                    

Kabanata 32

I know coming back to this place will only bring up the past. Alam kong sa muli kong pagtapak sa lugar na ito ay babalik ang lahat ng sakit at pait na dinanas ko. I thought I already move on. Akala ko kaya ko ng uli harapin at balikan ang lugar na kinalakihan ko. But it seems like the pain didn’t disappear. It just hide from deep inside me. At ngayon ay muli nanamang nabubuhay ang sakit. It still feel like yesterday. Sa isang iglap lang ay binawi saakin ang pamilya ko.

Nanghihina akong napaupo pero bago ako tuluyang mapaupo sa sahig ay may sumalo na saakin. Nang lingunin ko iyon nakita ko si Trek. Nag-aalala ang itsura nito habang nakatiim bagang na nakatingin saakin.

“I’m sorry but I think you’re not still feeling well. You should stay and rest more, Tori.”he said firmly.

Because I’m a bit dizzy and I feel trembling wala na akong nagawa pa nang inalalayan niya ako pabalik sa kwarto niya.

“Tatawag ako ng doctor para mapati----"

“There’s no need for that, T-Trek salamat. Pero ayos na ako. Siguro ipapahinga ko na lang ito. Maybe you’re right I’m just tired.”nilingon ko siya at pagod na nginitian. Nakaupo ako sa gilid ng kama and I am facing the window. Hindi ko alam kung anong oras na pero masiyadong mataas na ang sikat ng araw sa labas.

“Okay,”he nodded softly. Hindi pa din inaalis ang tingin saakin nang muli ko siyang lingunin.”Papadalhan kita ng pagkain mo dito sa kwarto. So just stay here and call me if you need anything.”

Hindi na ako sumagot at tinalikuran na siya maya-maya pa ay nakarinig ako ng pagsarado ng pinto. He already left.

Pinunasan ko ang luha na pumatak sa pisngi ko. It’s been five years but it still fresh to me. Hindi ko makalimutan kahit anong pilit kong kalimutan. My family's death was happened in between of Carac And Caligtan. It was hard to accept that my favorite place in the world was tainted of my family's blood.

Napalingon ako sa pinto ng may kumatok doon. Maingat ang taong nagbukas ng pinto at dumungaw doon si Auntie Vina.

“Tori!”she called me worriedly.

Umiiyak akong tumayo at niyakap siya nang makalapit saakin.”Auntie Vina.”I cried.

“Hush now, Tori. Andito lang ako, andito lang kami."marahan niyang hinahagod-hagod ang likod ko at nanatili ako sa paghikbi sa balikat niya.

“Gusto ko na pong umuwi. Ayoko na po dito.”parang batang sumbong ko dito.

“Uuwi na tayo, Tori. Uuwi na tayo sa Carac. Sa bah---"

“No. I want to go back to the city. Uuwi na po ako sa manila. I-I can’t stay here any longer, Auntie Vina.”umiiling na sabi ko.

Wala akong narinig na boses galing kay Auntie Vina nanatili lang siyang tahimik na hinahagod ang likuran ko.

Sa biyahe pabalik sa Carac ay tahimik lamang kaming tatlo. Pete is the one who’s driving the car. Nasa likuran ako at nasa passenger seat naman si Auntie Vina. Parehas silang panay sulyap saakin pero hindi ko na lang iyon pinansin at itinuon na lang ang atensyon sa bintana.

“Ah, Tori.”huminto ako sa pagakyat sa hagdanan ng tawagin ako ni Auntie Vina.”Anong gusto mong ulamin mamayang gabi? Ipagluluto kita ng paborito para sa hapunan?”I know she’s trying to make me feel better and I appreciate that. And I don’t want to disappoint her.

I smile at her softly.”My mama's specialty.”I replied.

Agad na umaliwalas ang mukha niya at nakangiting tumango saakin.”Sige. Ipagluluto kita nun.”

“Thank you, Auntie Vina. I’ll just rest in my room.”paalam ko dito at tuluyan ng umakat sa taas.

I was laying in my bed when Pete knock at my door.

“Tori?”

“Bukas iyan. Come in.”I told him.

He slowly open the door.”Nagluluto na si mama ng hapunan. Ah baka gusto mong manuod muna tayo ng movie? Pampalipas oras? Kamusta na nga pala ang paa mo? Masakit pa din ba?”naupo siya sa gilid ng kama ko. May dala-dala siyang laptop.

“Ah, hiniram ko muna ang laptop ni Blaze madami kasing movie ang isang iyon atsaka nasira ang laptop ko kaya pinapaayos ko muna iyon.”paliwanag niya nang makitang tumagal ang titig ko sa laptop na bitbit niya.

“Do you want a new one?” I asked him.

“Huh?”mukhang hindi niya nakuha ang tanong ko.

I smile a bit at him.”New laptop?”

Gumuhit ang isang malapad na ngiti sa labi niya.”Talaga!?”agad napawi ang ngiti niya nang mapagtanto ang naging reaction.”Ah…I mean…nakakahiya naman sayo. Bobolahin ko na lang si mama para bilhan ako ng bago. Masiyado kasing kuripot si mama e.”naiiling niyang sabi at sinundan iyon ng tawa.

Napangiti ako at ginulo ang buhok niya.”Bibilhan kita ng bagong laptop bukas.”

“Talaga? Salamat! Ang tagal ko ng gustong magkalaptop e. Kaso ayaw ni mama. Sabi niya baka daw mawili ako sa online games. Can you imagine that? Sa edad kong ito ay si mama pa din ang nagdedecide sa buhay ko.”he sighed. “Pero hindi ko sinasabing nagrereklamo ako ah. Naiintindihan ko naman si mama. Kaya nga pumapayag ako na siya ang nagmamanage ng perang sinasahod ko sa pangingisda at napapanalunan ko sa surfing.”mabilis na depensa niya sa naunang pahayag.

“Wait. I thought you have one?”kunot-noong tanong ko.

“Oo nga. Nabili ko sa kaibigan. Second-hand na kaya siguro mabilis nasira.”kibit-balikat na sagot niya.

Tumango ako.

“Anyway, anong gusto mong panuorin?”sumulyap siya saakin at muling binalik ang atensyon sa laptop.

“PETE? TORI?”nagkatinginan kami ni Pete nang marinig ang boses ni Auntie Vina. Katatapos lang ng movie na pinanuod namin ng tawagin kami.

“BUMABA NA KAYO DIYAN! KAKAIN NA!”muling sigaw ni Auntie Vina.

Nakangising lumingon saakin si Pete.”Sakto. Tapos na ang movie. Halika na, insan. Gutom na din ako e.”he wiggled his eyebrows.

Mahina akong tumawa bago tumango sakanya.

“O…o…ingat sa pagtapak. Baka masakit pa ‘yang sugat mo sa paa.”agad niya kong dinaluhan ng tumayo ako at inalalayan.

“Hindi naman na masakit. Okay na.”tumatawang sinabi ko sakanya.

“Sinabi mo din yan last time e. Nagsinungaling ka.”napapalabi siyang umiling saakin.

“Sorry about that. I just don’t want to worry you guys.”bumagsak ang tingin ko sa sahig.

“You know you can’t control things.”matamang tumingin siya saakin.”So just let it happen. Alalang-alala si mama dahil tumawag si Sylvia at sinabi na bigla ka daw nawala sa party at hindi ka nila mahanap. We looked for you all night. Umaga na ng tumawag ang mga Stallix at sinabing nasa mansion ka nila.”pagkukuwento niya.

“I was asleep the whole night.”I explained.”Nagising na lang ako na nandoon na ako sa mansion ng Stallix.”

Tumango siya.”Where did you slept there? Sa guestroom?”

Nakagat ko ang labi ko at umiwas ng tingin sakanya.”H-hindi. Sa kwarto ni…”sumulyap ako sakanya, naghihintay siya ng sagot.”Sa kwarto ni Trek.”I sighed.

“Sa…kwarto…ni…Trek?”natulala siya.”Wait! Are you his ex!?”bulalas niya

Trek StallixOnde histórias criam vida. Descubra agora