Kabanata 29

1.6K 46 2
                                    

Kabanata 29

Pag-uwi ko ng bahay ay may isang envelope na nakalapag sa lamesa sa kusina. My forehead creased as I search for my parents inside of our home. Hindi ako sinalubong ni mama sa bungad ng pinto ng bahay namin siguro ay abala sa kung saan, akala ko ay nagluluto ito sa kusina pero wala ito doon ng puntahan ko.

"Ma?"I called for her. Lumabas na ako sa kusina at nakalimutan ng tignan kung ano ang envelope na nakalapag sa lamesa. Baka kay papa iyon o kay mama? Siguro nakalimutang bitbitin.

"Ma,"naabutan ko si mama sa kwarto ko. She is seating in my bed, caressing the mattress as if she's longing for someone.

"Ma? Andito lang po pala kayo. Hinanap ko po kayo sa baba ang akala ko..."I trailed off. Nakita kong mabilis siyang nagpunas ng pisngi at nakangiting lumingon saakin, her smiled was sad.

"May problema po ba, ma?"agad akong lumapit sakanya at dinaluhan siya.

She chuckled a bit before she shooked her head."Wala. Sobrang proud lang talaga ako sainyo ng ate mo."marahan niyang hinaplos ang pisngi ko at mataman na ngumiti saakin."Nakita mo ba ang envelope sa kusina?"mama asked me.

Mabagal akong tumango."Opo. Nakita ko kanina noong hinanap kita sa kusina. Kanino po ba iyon? Kay papa? Papeles sa negosyo? Nakalimutan niya po ba?"

Marahan siyang umiling."Natanggap kanina iyan ng papa mo. It was from Koln International School of Design."

I was lost for words for a second bago nagsink in saakin ang sinabi ni mama. Dumating na ang result ng exam ko!

"Sige na. Tignan mo na. Hindi pa naman iyon binubuksan dahil hinihintay ka namin."she nodded.

"O-opo."medyo gulat ko pang sagot kay mama. Nakalimutan ko na ang tungkol doon. Nagexam ako noong bakasyon at bumiyahe pamaynila dahil roon lang puwede magexam. Ngayon lang dumating ang result, ang akala ko pa ay online ko malalaman iyon.

Nang bumaba ako at nagtungo sa kusina ay kabado akong lumapit sa lamesa

I have top 5 school choices for college so far Koln International School of Design palang ang nagpadala saakin ng result. Ang plano ko nga kung sakaling hindi ako matanggap sa limang school na pinagexaman ay dito na lang ako sa Caligtan magcocollege kukuha ako ng ibang kurso at pag nakapagtapos ako doon puwede naman akong mag-aral ulit but that time ang gusto ko ng courses ang pipiliin ko. I also consider staying here hanggang sa magcollege ako. Hindi ko alam kung ano ang nakapagpabago sa plano ko o nakappagpagulo. Pero kung meron man maybe it's Trek?

"Tignan mo na ang resulta, Tori. May problema ba?"nag-aalalang tanong ni mama. Huminto kasi ako sa tapat ng envelope at tinitigan lang iyon. Natauhan lang ako ng magsalita si mama. Napalunok ako bago kinuha ang envelope. Galing nga iyon sa ibang bansa na pinagentrance exam ko .

Napapalunok ako nang buksan ko na iyon at kunin ang laman. It's a white paper written there that..."I...passed the entrance exam,"natulala ako. Madami pang nakalagay doon pero iyon agad ang nakaagaw ng atensyon ko.

Mom almost jumped in happiness samantalang nanatitili akong tulala, lost in my own thoughts. Hindi ko alam kung bakit hindi ko mahanap sa puso ko ang saya na siyang dapat kong nararamdaman dahil nakapasok ako sa isa sa dream school ko sa college and they are waiting to welcome me there. Malapit na din matapos ang huling grado sa paaralan. Ibig sabihin...

"Ginugulo ka pa din ba ng Ronald na iyon?"napalingon ako kay Trek. Nasa dalampasigan kami at nakaupo. Kalmado ang alon sa dagat habang pinapanuod namin iyon.

"H-huh? H-hindi naman."umiling ako sakanya pagkatapos ay nginitian.

"Hmm,"he gave me a nod as if weighing my reaction."Kanina ka pa tahimik."puna niya.

Trek StallixWhere stories live. Discover now