Kabanata 9

1.7K 53 0
                                    

Kabanata 9

"Nakapili ka na ba ng susuotin, Tori? Sasama sayo si Cristina para may kasama ka lalo na pag pauwi. Magenjoy kayo sa party. Iniimbitad ako ni Rea pero ang sabi ko walang kasamang kumain ang papa mo alam mo naman iyon ayaw kumain ng mag-isa. Hindi ko naman maaya ang papa mo sa party dahil siguradong pagod din iyon."marahang ngumiti habang tumatango-tango si mama saakin na ngayon ay pumasok na sa kwarto ko.

Katatapos ko lang maligo at medyo natagalan ako sa pagpili ng susuotin. Sa sobrang dami kasi ng damit ko hindi ko alam kung anong susuotin ko para sa party sa mansion ng mga Stallix.

Si Cristina ay kanina pa nakaayos, ang aga nga e. Halatang excited dahil makikita niya doon sigurado si Calder. Simula bata palang ata kami patay na patay na siya sa lalaki.

"Eto ba ang susuotin mo?"tanong ni mama ng makita ang isang dress sa kama ko.

Kinuha niya iyon at tinignan. Isang
Brief Solid Color Lapel Short Sleeve Skater Dress iyon. Madalas akong isama ni Cristina sa Manila pag nagshoshopping siya dun kasi niya gusto binibili ang mga damit at ayaw niya sa mga clothes store dito dahil ayon sakanya ang papanget daw at hindi sabay sa uso lagi daw talagang late trend pag probinsya unlike in the cities laging una at sabay sa uso. Minsan naman sa ibang bansa kami bumibili ng shopping kapag nagvavacation ang buong pamilya namin.

Cristina's taste in clothes is indeed impressive. Ang alam ko ang balak niyang kunin na kurso ay may kinalaman sa mga fashion-fashion na 'yan.

"Opo, mama."sagot ko sabay lapit sakanya.

Humarap siya saakin at tumango pagkatapos inilapag na ang dress.

"Okay. Lalabas na ako magbihis kana. Nasa baba na si Cristina at mukhang...excited."she chuckled.

I smiled a bit."Opo. Saglit lang po ako mag-aayos."pagkatapos lumabas na ng kwarto si mama.

Pagkatapos kong masuot ang dress ay nagsuklay na ako ng buhok nilugay ko lang ang mahaba at straight kong buhok.

Pagbaba ko ay naabutan ko si Cristina na naghihintay at mukhang inip na inip na.

"Are you done? Let's go! Baka kanina pa nagsisimula ang party. Bakit naman kasi ang tagal mo."nakasimangot na salubong niya saakin bago pinasadahan ang ayos ko."Sige papalampasin ko tutal ang ganda mo diyan sa ayos mo mana ka sakin."she smirked proudly.

"Oy!oy! Ate ka lang ako ang mama kaya saakin kayong dalawang nagmana."natatawang singit ni mama sa usapan.

Natawa na din kami ni Cristina at tumayo na siya sa sofa.

"Magiingat kayo sa biyahe and no alcoholic drinks."bilin niya saming dalawa ni Cristina na agad naman naming tinanguan.

"Take care girls!"

Si Mang Pedro ang nagdrive saamin papunta sa mansion ng mga Stallix. Mukhang simula na nga. Halos puro mga taga CHS ang bisita.

"Andito na pala ang muse natin e!"

"Tori, bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa hinahanap sa loob e!"lumapit saakin si Dandan kasama si Garen at Gerald.

"Ah...natagalan ako sorry. Asan si Dina?"tanong ko dahil himala ata na wala si Dina ngayon e hindi iyon nagpapahuli sa ganito ah.

"Hindi daw pupunta. She's not feeling well."iling ni Dandan.

"Sus. Baka naman brokenhearted?"ungot ni Gerald."Rinig ko na break na sila nung jowa niya e."

Medyo nagulat ako doon. Nagulat ako sa dalawang dahilan. Nagulat ako na break na sila at brokenhearted si Dina. Hindi naman kasi ganoon ang pagkakakilala ko sa babae. She's usually playful at hindi mahilig magseryoso parang nageexplore lang.

Trek StallixWhere stories live. Discover now