Kabanata 7

1.8K 53 1
                                    

Kabanata 7

Ngayon na ang start ng instrams at abala na ang lahat sa kani-kanilang booth at mga pakulo. Ang beauty contest naman ay sa pangatlong araw pa iyon kasi naging main event ng instrams lalo na at tatlong Stallix ang kasali kaya naging maingay ang beauty contest at naging usap-usapan.

Habang nagprapractice kami para sa talent portion nakita ko ang papalapit na mga section 1. Una kong napansin si Ran o si Francine. Hanggang ngayon naiilang ako sakanya. May gusto siya kay Trek at nililigawan ako ni Trek. Naiisip ko kung anong magiging reaksyon niya pag nalaman niya iyon. Mukha naman siyang mahinhin at mabait, palangiti din ito kaya minsan naiisip ko na bagay sila ni Trek pag ganon ang naiisip ko may kung anong kumikirot sa dibdib ko parang...nasasaktan ako.

"Hey,"tawag ni Trek sa atensyon ko dahil nakatulala na pala ako. Hinawakan niya ang nanlalamig na kamay ko at wala sa sariling napatingin ako sa ngayon ay magkahawak na naming kamay."Your sweating. Are you sick? Gusto mo bang magpahinga muna tayo?"he asked worriedly.

"Trek! Tori! Anong nangyayare?"tanong ni teacher Lani na siyang nagprapractice saamin. Dati kasi itong music major pero nagiba ng subject.

Napakurap-kurap ako at doon ko napansin na nagplaplay na pala ang kanta.

Nasa harapan na din namin sila Ran, pati sila ay nagtataka na dahil huminto kami sa pagprapractice.

"I think Tori is tired. Let her rest, ma'am. Break muna."si Trek na kay teacher Lani bumaling

Napatingin naman saakin si teacher Lani na parang biglang nag-alala. Marahan siyang tumango at ngumiti.

"Okay. Sige na, Tori, magpahinga ka muna. Bukas na lang ulit!"pagdidismiss ni teacher Lani sa practice.

"Ah, thank you po."alanganing sabi ko.

Tumango siya at nauna ng umalis.

"Tapos na practice niyo, Trek?"sabay lapit nila Ran sakanya. Madami sila kaya napatabi ako.

"Yeah. Tori is not feeling well."sagot niya kay Ran.

"Ah,"Ran bite her lower lips tapos bumaling saakin."Ayos ka lang ba, Tori? Nagdala ako ng meryenda baka gusto mo?"nakangiting alok niya.

"Ah,"I am about to answer when Dandan came.

"Tori! Tapos na practice niyo? Halika na sa booth! May naisip na pakulo ang kaklase natin at kakailanganin ka namin!"sabay hila saakin paalis.

Hinayaan ko namang tangayin niya ako paalis doon. Pero ang isip ko ay naiwan doon. Iniisip ko na magkasama ngayon si Ran at si Trek. I wonder what  are they talking about.

Trek is courting me for a weeks now.

"Nandito na si Tori!"anunsyo ni Dandan sa mga kaklase ko.

Puro pagkain ang booth namin at dahil pagkain madami kaming kaparehas na ibang booth kaya hati ang mga bumibili.

"Tori!"Dina smiled at me."Tapos na ang practice niyo?"tanong niya ng nakalapit na siya saamin ni Dandan. Nakasuot siya ng apron at nakatali ang buhok.

"Parang ganon,"hindi siguradong sagot ko.

"'Asan si Trek?"tanong niya pa.

"Ah, naiwan nandoon kasi ang mga section 1."sagot ko.

"Hmm, okay."tumango siya."Anyway, halika na! Magbihis ka amoy pawis ka dahil katatapos lang ng practice niyo hindi tayo makakakuha ng customer niyan!"

"H-Huh? C-Customer?"nalilitong tanong ko.

"Yup!"Hinila niya ako sa loob ng booth namin."Nagdala ako ng mga damit na bagong bili lang galing pa itong paris and I'm sure bagay sayo 'to!"excited na sabi niya habang may kung anong kinakalkal sa paper bag.

Trek StallixWhere stories live. Discover now