Kabanata 10

1.8K 39 2
                                    

Kabanata 10

Bumalik kami sa table ng magkasama. Sabi ko ay baka magduda sila pero sabi niya minsan lang at kakasagot ko palang daw sakanya hindi pa siya makapaniwala.

Ayaw na nga niyang bumalik pa sa mga kaibigan niya pero pinilit ko lang siya dahil baka magtaka sila lalo na at pareho pa kaming wala at baka hinahanap na din siya doon.

"Let's take a picture here in my phone."huling hirit niya bago kami bumalik sa table.

Natawa ako bago pumayag sakanya.

"Ayos lang ba na iwallpaper mo iyan? Baka may makakita?"I asked worriedly.

Ngumisi siya."May password naman ang cellphone ko at hindi ko naman pinapahiram ito basta-basta."

"Ah, anong password naman?"pabirong tanong ko lang iyon di ko naman aakalain na sasabihin niya nga ang password ng cellphone niya.

"Birthday mo."

Natigilan ako sa paglalakad at nanlaki ang mata ko.

Siya naman ay natawa lang at napailing saakin.

"Don't be so surprised, my girlfriend."he grinned.

I pouted. Hindi ako sanay at hindi ako makapaniwala na may boyfriend na ako at girlfriend ako ni Trek Stallix.

Parang panaginip. Nang bumalik kami sa table hindi naman kami mukhang pinagdudahan ng mga nandoon sa table. Ran smiled awkwardly at Trek nang mapatingin sa gawi niya banda si Trek. Si Trek naman ay dedma lang.

Napalunok ako ng pasimpleng kinuha ni Trek ang kamay ko na nakapatong sa hita ko at marahang pinisil iyon.

Nilingon ko siya at kumindat siya saakin agad akong napalingon sa mga kasama namin pero mukhang wala namang pumansin nun at hindi naman mukhang big deal.

Nagpatuloy pa ang laro hanggang sa nagkayayaan na magswimming pool.

Hindi ako ready doon kaya sinabing pass na lang at hahanapin ko ang mga kaibigan ko.

Asan ba sila Dandan?

"Tori,"

"Trek."napatigil ako sa paglalakad.

"Nasa loob ang mga kaibigan mo."

"Really? Thanks."I smiled.

Tumango siya at sinamahan na ako kung nasan sila Dandan.

"Tori!"bati nila ng sa wakas ay mahanap ko na sila Dandan. Nagpaalam naman si Trek dahil tinatawag siya ng mga pinsan. Nakikita ko pa nga na parang ayaw niya sanang umalis sa tabi ko at ipinagpapasalamat ko na tinawag siya ng mga pinsan at agad naman siyang sumunod sa mga ito.

Kinabukasan ay naging usap-usapan sa Caligtan High School ang party na ginanap sa mansion ng mga Stallix.

"Oy! How was the party last night? Share naman kayo dyan!"si Dina na nakangising sumalubong saamin. Nahuli ito pero mabuti na lang at wala pa ang teacher sa first period.

"Okay naman. Bakit wala ka?"si Dandan.

Nagkibit-balikat si Dina."Something happened."

"Asus! Something happened daw. Baka sabihin mo break na kayo ng boyfriend mo at broken hearted ka!"pang-aasar ni Gerald kay Dina.

Dina just shooked her head. Mukhang pagod at ayaw makipagtalo kay Gerald.

Napansin naman iyon ng lalaki kaya hindi na muling kinulit si Dina. Mabuti na lang at nakaramdam si Gerald.

"Tori!"si Mariano.

Kalalabas ko lang galing restroom.

"Mariano. Bakit?"

Trek StallixOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz