Kabanata 11

1.6K 44 3
                                    

Kabanata 11

Nadaanan ko nga sila Trek at ang kuya niya pati na ang mga pinsan niya sa court, naglalaro. May mga iilang tao din doon na nanunuod.

Natanaw ko si Ran sa isa sa mga bleachers kasama ang mga kaibigan. Siguradong si Trek ang ipinunta niya dito.

Kami na ni Trek. Sa tingin ko dapat itigil ko na ang kakaisip ng kung ano-ano tuwing nakikita ko si Ran.

Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa court at nakita kong inginuso ni Ephraim ang kinaroroonan ko sa mga pinsan niya at agad silang nahinto sa paglalaro.

Naiwan kay Calder ang bola at nagdribble dribble pa muna bago tuluyan na ding huminto.

Ang mga pinsan niya ay dumiretso sa kinaroroonan ng mga bag nila samantalang si Trek naman ay saakin ang tungo.

I heard Jack Andres shouted."MAGPUNAS KA MUNA BAKA MATURN OFF!"sabay hagis ng towel kay Trek na walang kahirap-hirap na nasalo niya iyon.

All smile siya ng lumapit saakin habang pinupunasan ang mukha at ngayon naman ang leeg.

"Hi,"medyo lumapit siya ng kaunti saakin."baby."he winked. Sinigurado niya pang hindi narinig iyon ng mga ibang tao at muling ibinalik saakin ang atensyon. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Hindi niya maiwasan na gawin ang mga ginagawa ng isang normal na boyfriend pero ang relasyon namin ay hindi normal at patago lang. Baka pag tumagal ay magsawa siya.

"Hi. Tapos na kayo maglaro?"I asked him.

Magiliw siyang tumango at ngumiti saakin. Parang ang saya saya naman ata niya?

"Maglalaro kami next month. Ipapasok na ko ni coach at hindi na ako bangko. Sa wakas!"he cheered happily. Sumuntok pa siya sa hangin.

"Congrats!"I smiled. Masaya akong makitang masaya siya. Nakakahawa kasi ang ngiti niya. Nabibigla ako sa isang Trek Stallix. Akala ko talaga mga mayayabang sila dahil kilala ang pamilya nila at ginagamit nila iyon sa advantage nila. But then looking at Trek Stallix in front of me. I judge them hard.

"Thanks! And I need you to be there."he lick his lips."Cheer mo ko kahit patago lang."he winked at me.

"Sige."

May kung anong kumislap sa mata niya habang mariin ang pagkakatitig saakin bago tumango.

"Ikaw ata ang lucky charm ko e!"maya-maya pang sabi niya.

"What? Silly! Magaling ka naman talagang magbasketball."

"Talaga? Bakit napanuod mo na ba?"umismid siya.

Napalabi ako bago umiling. Hindi naman kasi ako mahilig manuod ng mga basketball. Hindi ako nakakarelate sa laro at wala akong alam. Nakikitili at cheer lang ako pag sumisigaw at halos magwala na si Dina at ang iba pa na nanunuod.

"Hindi."sagot ko.

Mahina siyang tumawa at kinuha ang kamay ko."Gagalingan ko para sayo. Pangako. Para sulit ang panunuod mo sakin!"

Mabilis din niyang binaba ang kamay ko dahil baka makahalata na sila sa biglang closeness namin ni Trek.

O hindi pa ba sila nakakahalata?

"Trek, uuwi na tayo."si Ryx iyon. Seryoso ang mukha niya at sa tabi ay si Avresia.

"TORI!"nangingiti itong lumapit saakin at yumakap."Andito ka pala! Bakit wala ka doon sa mga upuan? Ako lang mag-isa doon wala akong kausap."she pouted.

"Ah. N-napadaan lang."I smiled.

"Wag kang mag-aalala, Avs. Sa susunod makakasama mo na si Tori manuod ng mga laro namin ni Kuya Ryx."umakbay saakin si Trek.

Avs looks happy about what she heard.

"Sasabay ka ba saamin o ihahatid mo ang..."bumaba ang tingin saakin ni Ryx Stallix."...kaklase mo?"he asked.

"Ihahatid ko si Tori, kuya."he laugh smoothly."Mag-isa lang e. Baka mapano. Mahirap na."parang may bro language sila at silang magkapatid lang ang nagkakaintindihan.

Sa huli ay tumango na lang si Ryx at nagpaalam na sila ni Avresia at sumabay na sa mga pinsan nila. Samantalang kami naman ni Trek ay iba ang daang nilalakad.

Magjejeep kami o kaya tricycle hanggang Carac. Malapit lang naman ang Carac sa Caligtan. Mga 30 minutes pag tricycle at 40 minutes kapag jeep. Ang Caligtan at Carac kasi ang halos magkalapit lang na bayan ang iba ay malalayo na ang pagitan at isang oras mahigit ang binabyahe. Sinabi ko kasi na baka mapuna kung ihahatid ako gamit ang sasakyan nila. Siguradong pag-uusapan kami sa Carac at baka tanungin ako nila mama.

Pumara si Trek ng tricycle at agad naman kaming hinintuan.

"Sa mga Auburn lang po sa Carac."

Tumango ang driver kay Trek pero bago iyon ay sinilip muna ako at tuluyan ng pinaandar ang tricycle.

Sa biyahe ay palihim na kinuha ni Trek ang kamay ko at hinawakan.

"Date tayo,"mahinang sabi niya saakin. Malakas ang ihip ng hangin kaya baka hindi kami naririnig ni manong driver sa labas.

"Huh?"

"Bukas. Date tayo. Sa manila? Kahit saan basta wag dito sa Caligtan at Carac para hindi na natin kailangan magtago."

"Pero..."

"Iuuwi din naman agad kita. Hihiramin ko kay papa ang private plane namin."

Trek StallixWhere stories live. Discover now